Chapter 2

3.1K 230 85
                                    









Oath of Love
Written by Yuan


Kabanata 2


Hindi parin ako makapaniwala na si Miguel na kababata ko ang nasa bahay. Kanina lang ay nakabanggaan ko pa siya. Inis na inis pa nga akong tumingin kanina sa kanya eh. Hindi ko lubos akalain na siya na pala 'yon.

Kaya pala napaisip ako kung bakit parang pamilyar ang lalaking iyon.

Ibang iba na si Miguel. Malayo na sa itsura nung kami ay mga bata pa. Payat pa siya at kayumangging kayumanggi pa ang kulay nya noon. Pero ngayon, ang ganda na ng tindig nya at napakakinis na ng balat niya. Matipuno at malaki na ang katawan niya.

Ganoon pala kapag tumira sa Maynila. Anlaki ng pinagbabago.

Mababakas rin sa kanya ang magandang pangangatawan gawa ng siguro ay nag-gigym siya. Makikita rin ang magandang hubog ng mukha nya lalong lalo na ang pagiging matangos ng ilong at ganda ng jaw line nya.

Si Miguel na nga ba talaga ito o namamalikmata lang ako?

"Anong gusto mong maiinom, Miguel? Kape o tubig?" Nakangiting tanong ni Inay sa kanya na tuwang tuwa na muli siyang nakita.

"Kahit ano po. Kayo na po ang bahala." Sagot niya habang nakangiti sabay tingin sa akin.

Gulat na gulat parin ako. Hindi parin ako makamove-on na si Miguel na kababata ko ay nandito sa bahay ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na siya na iyon.

"Kumusta ka, Angela? Ikaw pala yung nakabanggaan ko kanina. Pasensya kana ha, kung nasungitan kita," paghingi nya ng pasensya habang nakangiti "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo kanina eh." Dugtong niya sabay tawa.

Hindi ako makatitig sa kanya ng matagal dahil napakalaki talaga ng iniba niya. Ibang iba na sa Miguel na kababata ko noon. Pero kahit malaki na ang ipinagbago ni Miguel simula nung tumira siya sa Maynila ay andun parin ang pagiging palangiti niya na para bang walang iniintinding problema.

"Mabuti naman ako. Ikaw kumusta ka na?" Tanong ko sabay ngiti ng matipid.

"Oh bakit parang hindi ka yata masaya na nagbalik na ako?" saad nya sabay hawak sa mga kamay ko "Ako 'to si Miguel oh, yung kababata mo." Dagdag pa niya na para bang nagtataka siya kung bakit di ako ganoong kasaya nung muli ko siyang makita.

Hindi ko naman kasi maipaliwanag kung anong pwede kong maramdaman dahil bukod sa matatanda na kami ngayon ay iba na kasi yung dati sa ngayon.

"Sabi ko naman sa'yo makakabalik parin ako. Magkikita parin tayo." Dugtong niya sabay haplos ng buhok ko.

Nakakaramdam ako ng konting pagkailang dahil bata pa kami nung huli kaming magkasama. Ibang-iba na ngayon ang itsura namin kumpara sa noon, kaya hindi ko maiwasan na iwasan siya ng tingin lalo na kapag tititig siya sa akin.

"Masaya ako. Masaya ako, Miguel na nagkita ulit tayo," tugon ko "Hindi lang ako makapaniwala na nandito kana ulit, na kasama na kita ulit." Dagdag ko sabay ngiti at tingin sa kanyang mga mata.

Ang ganda ng mga mata niya. Ang haba ng mga pilik-mata nya. Ang ganda rin ng tubo ng mga kilay nya. Nakakapanibago. Ibang- iba talaga sa Miguel na kababata ko noon.

"Ang laki na nang pinagbago mo, Angela ha?"saad nya "parang dati lang ay uhugin ka pa." Biro nya sabay tumawa ng malakas.

"Grabe ka sa akin, Vino ha! Ikaw yung uhugin dyan 'no! Tumigil ka nga!" Saad ko sabay irap at tawa.

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon