Harvey Escolano Jr. ang pangalan ko , a.k.a. "Harvs" o "J.R.". Tipikal na istudyante at may pagka-nerd, nerd dahil walang inatupag kung hindi mag-aral at palaging subsob sa libro. Isang Grade XI student na nasa exclusive school at nasa special section at isa sa mga elite ten ng aming school. Tampulan din madalas ng tukso ang aking mga nagkakapalang lente ng salamin ng dahil na din sa astigmatism ko. Madalas ito ang dahilan ng pagpapatawag sa akin ng Guidance Councilor sa opisina nila dahil sa mga kaibigan kong to the rescue na sina Juan Carlos " J.C." Gamboa III isang Grade XI-6 at anak ng mga prominenteng mga business men sa industriya at Ferdinand "Ferdy" San Juan na anak ng mga political clan dito sa distro ng Manila. Isa namang business tycoon ang aking daddy at kilalang interior designer ang aking mommy kaya hindi imposibleng maging malapit ang aming pamilya. Simula Grade I nang maging matalik kaming magkakaibigan at simula noon sila ang mga tagapagtanggol ko sa mga nangbu-bully sa akin.
Ngunit may sikreto akong tinatago na noon pang sampung taong gulang ako. Nagsimula ito habang mahimbing ang tulog ko at tila makatotohanan at malinaw sa akin ang bawat detalye. Nakalutang ako sa kadiliman ng kawalan ng may tumawag sa aking pangalan.
"Harvey..." Isang nakakatakot na boses na tila nagmula sa ilalim ng lupa.
"Harvey...!!!" Muli nya akong tinawag ng pasigaw ang tinig.
Unti-unti minulat ko ang aking mga mata; takot, pagkagulat at pagtataka ang aking nadama. Isang napakalaking nilalang na nagbabaga ang buong katawan na animoy may anim na maiitim pakpak na gaya ng sa mga uwak, may mga binti ng gaya sa tupa, mga paa ng gaya sa buwaya, animoy katawan ng tao na may dibdib ng babae, matitipunong braso na may kaliskis ng tulad sa ahas at matutulis na mga kuko, buntot ng gaya sa isang buwaya at mukha ng isang tao na may mga sungay na nagmula sa batok paikot sa ibabaw ng tenga at pakurba papaitaas na may matutulis na dulo. Ang mga mata nito ay mapupula at nagbabaga na animoy kaya kang tunawin sa titig lamang.
"A-anong ginagawa ko dito at s-sino ka..??!!" Takot at pautal-utal kong tanong habang puno ng pagtataka sa nangyayari.
"Ako!!! ako ang isa sa hari ng IMPYERNO...!!!" Pagmamalaki nyang sabi sa akin at akmang kukunin ako ng kanyang malaking kamay, ngunit napigilan sya nang biglang may tumamang kidlat sa kanyang kamay napahiyaw sya sa sakit.
"AAARRRHHHGGG!!!!!!!" Sigaw nya ng napakalakas at hinawakan nya ang kanyang kanang kamay na namimilipit sa sakit. Gulat at nakaharang ang magkabila kong braso sa mukha ko ng dahil sa pangyayari...
_**_**_**_**_**_**_**_**_**_**_
Kung nagustuhan nyo ang unang kabanata...
Abangan pa ang mga susunod...
____________________________________
BINABASA MO ANG
Demon Arise
ParanormalIstorya ito ng pangkaraniwang bata na may hindi pangkaraniwang mga nilalang na pumapaloob sa kanya at dito madidiskubre nya ang di pangkaraniwang mga kakayahan na wala ang ordinaryong tao. Makikilala nya din ang mga katulad nyang may mga nakapaloob...