Chapter IV - The Possession

39 1 0
                                    

   

Ilang minuto ang nakalilipas ng kanilang pagpupulong ay biglang tumaas ang boses ng isa sa kanila at tumayo.

 
"Anong espesyal sa kanya Rafael at ayaw mong bitawan. Alam naman nating isa lang syang TAO at masyado mo naman atang pinapaboran ITO."

Mataas ang tono ng pananalita nito at tumayo ito sa gitna na tila hinahamon si Rafael na magsalita at magpaliwanag.

"Oo, Gabriel, isa nga lang syang tao ngunit may karapatan silang mamili at mabuhay. At hindi ba tayo ang itinalaga sa kanila upang protektahan at pangalagaan sila."

Tumayo ito sa kinauupuan nito at mataas din ang tono ni Rafael habang ito ay nagbigay ng kanyang opinyon.

Itinaas ni Gabriel ang kanang kamay nito.

"TAMA NA!!!"

Sumigaw ito at nagpakawala ito ng liwanag sa kanang kamay nito habang nakatutok sa itaas. At biglang......

"Harvey..." May diin ang pagbanggit ng pangalan ko.

"Mr. Escolano...!" Ngayon naman ay madiin at mataas na ng banggitiin nito ang apelyido ko

"MR. HARVEY ESCOLANO JR...!!!"
Pagkatapos nitong banggitin ang buo kong pangalan ng pasigaw biglang may tumamang matigas na bagay sa may bandang sentido ko (white board eraser) habang tulala sa bintana ng classroom namin at humagis ang salamin ko sa kabilang upuan sa lakas ng pag-alog ng ulo ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"
Malakas na tawanan ng mga tao sa paligid ko.

"Anak ka ng....."
Habang  nakahawak sa ulo ko at hinihimas ko ito sa sakit.

"Yes Mr. Escolano, continue what are you going to say and are you with my English class Mr. Escolano ?"

Habang papalapit ito sa akin at nakataas ang kaliwang kilay nito habang hinahampas ng paulit-ulit ang stick na hawak nito sa kaliwang palad nya.

"What I'm trying to say is 'Anak ka ng Miss Universe, Ms. Macario and sorry for..."

"RRRRRRIIIIIIINNNNNNGGGGG"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang bell at senyales ito na tapos na ang isang buong araw na klase ko. Dinampot ko ang salamin ko at sinuot ko ulit ito.

"Meet me in the faculty after this, Mr. Escolano."
Tumalikod ito at pumunta sa desk nya at niligpit nya ang mga module nya.

"Class dismiss, you can go now."
Naunang lumabas si Ms. Macario sa kwarto at dumeratso sa faculty room.

Nasa hallway na ako para pumunta sa faculty nang may umakbay sa kaliwa kong braso...

"Harv's, tara labas tayo nila Ferdy."
Si J.C. lang pala. Nakangiti at nakapamewang ang kanang braso nito habang naka-akbay ang kaliwang braso nito sa braso ko.

"Not this time bro. Na-boomerang ako ng white board eraser ni Ms. Macario eh."
Naka yuko at hinihimas ko ang parte ng ulo ko na tinamaan ng eraser habang nagpapaliwanag kay J.C.

"Napapadalas ata yan bro ah, may problema ba...?"
Takang pagtatanong nito habang unti-unting bumibutaw ang kamay nito sa pagkaka-akbay.

"Wala to, sige bro una ako baka mainip yung bruha at kainin ako ng buhay."
Naglalakad na ako ng palayo at winagayway ko ang kanang braso ko upang magpaalam.

Nakarating na ako sa harap ng pintuan ng faculty room at parang may nadinig akong may nag-uusap. Huminto muna ako ng bahagya at nadinig ko ang boses ni Ms. Macario na parang may kausap. Bahagya kong dinikit ang tenga ko sa pinto at pinakinggan ko ang usapan nila nang...

Demon AriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon