Yumuko ng konti at akmang lilipad na si Rafael ng nagtanong ako.
"A-anong nga palang mangyayari dun sa demonyong yun ? P-patay na ba sya ?" Pautal kong tanong sa kanya habang hawak nya ang aking kamay ng mahigpit.
Natigilan ito habang binitawan nito ang kamay ko at tumindig ng tuwid, sinabing...
"Pinatulog ko lang sya ng ilang taon at humanda ka sa paggising nya tiyak ko magwawala yan at mahihirapan kang kontrolin sya."Halong takot at kaba ang naramdaman ko nang madinig ko ang sambit nya sa akin.
"A-anong gagawin ko sa pagkakataong yun kung mangyayari yun ?"
Takot at kaba ang nararamdaman ko nang tinanong ko sya.Hinawakan nitong muli ang kanang kamay ko ng mahigpit at ang pakpak nito ay pinagaspas nya ng malakas, habang ang kaliwang braso ko ay nakatakip sa mukha ko sa malakas na hanging na nililikha nito at kami nga ay mabilis na lumipad patungo sa pinanggalingan ng mga bitak.
Nakaharang sa mukha ko ang kaliwa kong braso habang lumilipad kami patungo sa matinding liwanag na galing sa bitak at nang makalampas kami...
"WWWOOOOWWW...!!!!"
Manghang-mangha sa nakita."ANG GANDA!!!!"
Napasigaw sa tuwa na naramdaman habang ang mga bitak ay unti-unting nabuo at nawala.Nasa ibabaw kami ng kalangitan na tila sa letrato mo lang makikita at ang kamangha-mangha dito ay wala kang makikitang kalupaan at karagatan kapag tumingin ka sa ibaba nito, tanging kalangitan lang ang maapuhap ng mga mata mo.
"Sa pagpupulong namin masasagot ang iyong mga katanungan at makikita mo rin doon ang mga kagaya mong may kaparehas ang sitwasyon."
Lumingon ito sa bandang kaliwa nya kung saan hawak nya ng mahigpit ang kanang kamay ko. Ngunit ang paghanga sa mga nakikita ko ay biglang nabaling sa mga sinabi nya at naging seryoso ang aking mukha at napa-isip, dahil hindi lang ako ang nasa ganitong kalagayan.Habang lumulipad kami ng deretso may naaninag akong parang isang malaking kabundukan na lumulutang sa ere at nang kami ay papalapit na ay lalong nanlaki ang aking mga mata. Isang malawak at bulubunduking isla ang tumambad sa akin at sa paglapag namin sa patag at tila mala-marmol na sahig. Ako'y tumingala at isang malaking istruktura na maihahambing mo sa sinaunang gusali ng mga griyego ngunit kakaiba ang wangis nito, dahil may dalawang naglalakihang mga tore sa magkabilang kanto. Sa mga kanto nito ay may dome na gaya ng sa simbahan, sa bandang likuran nito ay may mga naglalakihan ding mga istatwaang nakatayo at magkaharap sa isat-isa na balot ng baluti na may espadang nakatutok sa sahig at nakapatong ang parehas na kamay sa hawakan nito. Ang isa pang kamangha-mangha dito ay ang talon na tila hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling ang tubig na rumaragasa pababa at paanong hindi ito nauubos.
Nang makalampas kami sa mga naglalakihang mga estatwa ay tumambad sa amin ang isang malaking ginintuang pinto na puno ng imahe ng mga anghel at mga nilalang ng kalangitan, ngunit sa bandang ilalim nito naka ukit din ang mga nilalang ng dilim na animoy gumagapang pataas ng pinto. Kusa itong bumukas at si Rafael ang naunang pumasok dito.
Inilapat ang kaliwang kamay sa dibdib at itinaas ang kanang braso kapantay ng dibdib nya at sabay yumuko...
"Halika at tuloy ka sa aking tahanan sa loob ng iyong katawan." Mahinahon nyang pahayag at unti-unti tumindig siya ng tuwid.
"Haaa...!? Anong sinasabi mo..!?"
Napakamot lang ako sa ulo ko at napakunot ang noo dahil wala akong naintindihan sa mga sinabi nya."Pumasok tayo at malalaman mo ang lahat ng mga sinasabi ko."
Tumalikod at naglakad papaloob sa madilim at malawak na pasilyo, ngunit habang sya ay naglalakad papaloob kusang nagbaga ang mga sulo na nakahelera ng deretso na may tag-dalawang metro ang layo sa isat-isa na nakasabit sa magkabilang pader ng pasilyo habang ako naman ay nakasunod sa likod nya na hangang-hanga sa mga nakikita.May mga estatwang tila naka bantay sa bawat pagitan ng mga sulo at kagaya ni Rafael balot din ng baluti ang mga estatwang ito at may mga kakaibang nakaukit na mga simbolo sa mga kinatatayuang nitong puting bato na hugis parisukat at tadtad ng mga disenyo. Ang mga simbolo naman ay nakaukit sa bandang paanan ng mga estatwa.
"Ano itong mga simbolong nakaukit sa paanan nila?"
Takang pagtatanong ko habang naglalakad kami patungo sa dulo ng pasilyo.Huminto at humarap sya sa isa sa mga estatwang nakatayo sa pasilyo. Binunot ang espada at tinutok pataas habang ang ulo niya ay tiningala nya sa itaas ng kisame.
"Sila ang mga nagsakripisyo para sa ikapapayapa ng mundo namin at ng mundo nyo. Kaya ginawa ang mga estatwang yan bilang alaala nila at gunitain ang mga naiambag nila."
Isinauli nito sa sisidlan ang espada at naglakad itong muli patungo sa dulo ng pasilyo.
Nang makarating kami iniharang ko sa liwanag ang kanang kamay ko sa itaas ng kilay ng mga mata ko.
"A-anong lugar to..?"
Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko."Parang simbahan..."
Uma-alingawngaw ang bawat salita ko sa laki at lawak ng napakagandang lugar."Ito ang lugar ng pagpupulong namin. Dito kami nagkikita-kita ng mga kapwa ko arkanghel."
Pahayag nya sa akin habang nakabaling ang ulo at nakatitig sa akin.Nagtataasang mga poste na nakasuporta sa kisame at mga bintana na may mga salamin ng gaya sa simbahan, makukulay at may mga disenyo ng mga anghel at may mga simbolo ito na nakaukit ng gaya sa mga estatwa. Ang dome ng kisame nito ay may pinta na tila labanan ng mga demonyo at anghel. Lalong nagpapatingkad ng kagandahan nito kapag tinatamaan ng liwanag at naglalabas ng samutsari at matitingkad na kulay.
"Ideretso mo ang tingin mo."
Utos ni Rafael sa akin.Agad ko naman dineretso ang tingin ko kung saan sya nakatitig. Laking gulat ko ng may mga pitong ginintuang mga silya na pabilog ang pakaka-ayos sa gitna ng napakalawak na lugar na tadtad ng mga mamahaling mga bato at ang anim dito ay okupado ng anim na nakabaluting kagaya nya.
"Mag-uumpisa na sila, kailangan na nila ako. Dumito ka muna at hantayin mo lang kaming matapos."
Naglakad at naupo na ito sa isa sa bakanteng ginintuang upuan.Nilibot ko ang aking mga mata at nakita kong may mga anim na batang kasing edad ko ang nakatayo sa bawat likuran ng upuan. Ang dalawa dito ay babae at lima dito(kasama ako) ay lalaki.
BINABASA MO ANG
Demon Arise
ParanormalIstorya ito ng pangkaraniwang bata na may hindi pangkaraniwang mga nilalang na pumapaloob sa kanya at dito madidiskubre nya ang di pangkaraniwang mga kakayahan na wala ang ordinaryong tao. Makikilala nya din ang mga katulad nyang may mga nakapaloob...