At may napansin akong nakalutang sa kawalan, isang lumiliwanag na bagay ang nakalutang sa kadiliman ng kawalan."Ano kaya ang bagay na yun...?"
Tanong ko sa aking sarili habang nagpapalutang-lutang patungo sa maliwanag na bagay na nakatindig sa kinatatayuan ng nakakapangilabot na nilalang.Nasa tapat na ako ng bagay na iyon at tila ito'y isang mahabang tungkod na may dalawang ahas na nakapulupot pataas at nakatindig ang mga ulo nito sa bilog na kristal sa tuktok ng tungkod at may pakpak sa magkabilang gilid nito. Malapit ko nang maabot ang tungkod nang mapansin ako ng demonyo.
"Kapag ang bagay na yan ay iyong tinanggal at ako'y makalaya. Akong si Asmodai ay tutuparin ang lahat ng iyong hiling at ibibigay ang lahat ng iyong nais."
Nakangiti ang demonyo habang binibigkas nya ang mga katagang iyon at tila ako'y natukso sa kanyang mga sinabi, unti-unti ko nang mahahawakan ang tungkod ng bigla na lamang sumabog ang liwanag na galing sa tungkod."AAARRRRGGGHHH!!!! ANG MGA MATA KO!!!!"
Hiyaw ng demonyo habang nakatakip ang mga kamay nito sa kanyang mga mata at unti-unting bumalot ang mga pakpak nito sa kanyang katawan na pinoprotektahan siya sa matinding liwanag na nagmumula sa tungkod."RAFAEL!!! ALAM KO NANDYAN KA!!!!"
Hiyaw nito at naging kulay itim ang baga ng apoy ng kanyang katawan habang nakabalot sa katawan nya ang kanyang naglalakihang pakpak at nakasilip ang mga mata nitong nangninisig at nagbabaga sa galit.Biglang parang porselanang nabasag ang nasa itaas na bahagi ng kadiliman na aming kinaroroonan at ito ay nagdulot ng mga bitak at kumalat sa ibat-ibang bahagi ng kadiliman. Sa mga bitak na iyon ay nagsulputan ang mga animo'y sinag ng araw na animoy bukang liwayway at kumalat ang liwanag sa ibat-ibang bahagi ng dahil sa mga bitak.
Tumindi ang bagang itim na inilalabas ng demonyo sa kanyang katawan at sa kintatayuan ko may sinag ng araw ang tumapat sa akin at tila may bumababang nilalang na nagmula sa pinagsimulan ng bitak.
"Harvey, kung ako sa'yo hindi ko gagawin yan. Ayaw mo naman siguro na matulog ka ng habang buhay at siya ang magiging ikaw sa mundo nyo."
Natigilan ako sa boses na aking nadinig habang inaabot ko ang tungkod. Nabigla at nagulat ako ng paglingon ko sa aking kanan ay may nakatayong matangkad na nilalang na aabot ng pitong talampakan ang tangkad, na balot ng ginintuang baluti na nagniningning habang tinatamaan ng liwanag, may kapang puti na nakakabit sa itaas na likuran ng kanyang baluti at may espadang nakasukbit sa kanang bahagi ng baywang nito na may magandang disenyo ng pagkakaukit sa hawakan at sa lalagyan nito."Ito ang tungkod na ipinagkatiwala ni Ama sa akin upang gapiin at daiigin ang demonyong yan."
Ito'y kanyang inabot at itinutok sa napakalaki at nakakapangilabot na nilalang.
Bigla na lamang nagpakawala ng mga malalaking kidlat at tumama sa demonyo...Ako'y napaatras at tinakpan ko ang aking mga mata ng aking mga braso nang dahil sa matinding liwanag ng mga kidlat at ang tunog na nililikha nitong animo'y hagupit ng latigo na lumalatay sa kung anong bagay.
"AAAAARRRRRGGGGGGGHHHHH!!!" Sigaw ng demonyo habang namimilipit at naniniklop sa sakit.
"WALANGHIYA KA, RAFAEL!!!
MAKAKAGANTI RIN AKO SA INYO NG DIYOS MO...!!!! MAKAWALA LANG AKO DITO!!!!"
Sigaw nito habang namimilipit sa sakit na dulot ng mga kidlat na tumatama sa kanya na mula sa tungkod.Pilit kong minumulat ang aking mga mata upang masaksihan ang mga pangyayari. Unti-unti naniklop ang katawan ng demonyo na parang isang sanggol habang tumatama sa katawan nya ang hindi mabilang na kidlat at bumalot sa kanya ang kanyang mga pakpak.
Natigilan na lang bigla sa pagpapakawala ng kidlat ang tungkod dahil ang demonyo'y nakaakap na sa kanyang mga binti na animo'y sanggol sa sinapupunan habang ang pakpak nito ay bumabalot sa buo nyang katawan.
Biglang hinawakan ng nakabaluting nilalang ang kanang kamay ko at itinaas nito ang maskara ng baluti ng ulo nya at isang napakagandang nilalang ang tumambad sa aking harapan; pinaghalong mukha ng magandang babae at makisig na lalaki ang wangis nya, ang mga mata nitong kulay asul na kasing kulay ng dagat, matangos na ilong at mapupulang labi.
"Halika at pumunta tayo sa aking lugar, doon malalaman mo ang lahat ng gusto mong malaman."
Tulala at hindi makapaniwala sa kagandahang nakita, nang bigla na lang akong hatakin at ang kapa nitong nakakabit sa likuran nya ay naging isang pares ng naglalakihang puting pakpak na aabot ng apat na metro ang haba bawat isa noong ito'y pinagaspas nya at akmang lilipad...____________________________________
Pasensya na po sa paghahantay....
Medyo busy lang po....
Hwag po kayong mag-alala
chapter 2,3 po update ko ngayon...*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
BINABASA MO ANG
Demon Arise
ParanormalIstorya ito ng pangkaraniwang bata na may hindi pangkaraniwang mga nilalang na pumapaloob sa kanya at dito madidiskubre nya ang di pangkaraniwang mga kakayahan na wala ang ordinaryong tao. Makikilala nya din ang mga katulad nyang may mga nakapaloob...