Chapter VIII-The Journey Begins II

19 1 0
                                    

Asmodai's POV

Nagising ako sa pamilyar na tinig na aking nadinig at pinilit kong pumailanglang sa katawan ng batang ito...
Minulat ko ng paunti-unti ang aking mga mata at nakita ko ang imahe ng isang bata sa salamin ng malaking cabinet na nagbabaga ang mga mata at nag-aapoy ang mga kamay at napagtantuto na imahe ko pala ang aking nakikita...
At sa aking harapan ay may nakayukong binata na nag babaga ang ilang bahagi ng katawan...

"Sino kang gumising sa akin at tila pamilyar ang iyong tinig at amoy...!!??"
Pagtatakang tanong ko habang pinalutang ko ang aking sarili sa ere at nagbahagi ng nakakahilakbot na titig na tila lalamunin ko sya...

"Ako po ang tapat nyong lingkod na si Murmur at kay tagal ko kayong hinantay na magising aking kamahalan..."
Tugon nito at biglang tumingla sabay ngumiti ito na abot sa tenga na halos ilantad nito ang matutulis at matatalas na mga ipin...

Itinutok ko ang kanang braso ko sa kanya at ibinuka ang mga nagbabagang kamay ko at gamit ang kapangyariyan ko, kasabay ng pag-angat ng braso ko hanggang kapantay ng dibdib ko at siya ring pag-angat nya sa ere...
Bigla kong hinablot ang kanyang leeg gamit ang kanang kamay kong nag-aapoy at bahagya ko itong pinisil ng mahigpit habang nakalutang kami sa ere...

"Ba-bakit panginoon, a-ano pong nagawa kong mali...??"
Nagpupumiglas nyang tanong sa akin habang sinasakal ko sya ng aking kanang kamay...

"BAKIT NGAYON KA LANG NAGPAKITA SA AKIN KUNG KELAN NASA KALUNOSLUNOS AKONG KALAGAYAN AT BAKIT MARAMING TUMIWALAG SA AKING PUDER...!!??"
Galit at pagtataka kong tanong sa kanya...

"Ha-ha-yaan n-yo po akong magpa-paliwanag panginoon..."
Pautal nyang sabi habang nagpupumiglas sa aking pagkakasakal....

Binitawan ko sya at bigla itong nahulog sa pagkakalutang sa ere at kumalabog ng malakas sa pagkakahulog....

Biglang bumukas ang pinto at tumama ang door knob sa pader ng kwarto...

"SINYORITO, ayo-...."
Gulat sa kanyang nakita dahil nakahilata ang katawan ni Carlos sa sahig at mabilis kong ibinalik sa dating anyo ang katawan ng batang ito, sabay pinuntahan niya ito at pilit na ginigising...

"Sir Carlos, sir ayos lang po ba kayo...!?"
Sinampal nya ito ng malakas habang ginigising...

"A-aray, yaya dapat bang gawin yon..."
Napahawak sa pisngi ang binata at tumayo ito ng dahan-dahan sa pagkakakanlong ng babae sa kanya...

"Ano po bang nangyari at nakahandusay kayo sa lapag sir ?
Nag-away nanaman po ba kayo ni sinyorito ?"
Takang pagtatanong nito habang nakatitig ng masama sa akin...

"No yaya, we're practicing my role in theatre...mukhang  napalakas lang yung sipa sa akin ni Harvs, but I'm okay na..."
Kalmado nyang pagsasalaysay...

"Ahh, akala ko may ROYAL RUMBLE nanaman na nangyayari ehhh..."
pahayag nito na nagdududa sa mga salaysay ng binata...

"Sige na yaya were not finish in our activities..."
Niyaya nya ito palabas ng pinto at naka-akbay ang kanang braso nito sa babae at nagbilin pa nang...

"Ahhh, mga sir paubos na po ang brikpast nyo dahil nilalamutak na po ng bwisita, este bisita ni Senyorito Harvs yung makakain nyo..."
Pahabol nitong pahayag habang nasa labas ng kwarto...

"I guess we have to continue this while we're having our morning sustenance..."
Pagkatapos nya itong sabihin ay biglang kumalam ang sikmura ng katawan ng kinapapalooban ko....

Bigla namang bumungis-ngis ang binata sa kinatatayuan nito...
"Mukhang hindi kapa sanay sa katawan na yan panginoon..."
____________________________________

Demon AriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon