Lumipad ang dalawa patungo sa isang malaking kastilyo na nakatayo sa gitna ng isla na napapalibutan ng kumukulong lava. Nakarating ng mabilis ang dalawa at nasa harapan na ito ng kastilyo nang may lumabas na mga naggagandahang mga dilag na kakapiranggot lamang ang kasuotan, na tanging mga maseselang bahagi lamang ang natatakpan dito. Nasa tatlumpu ang bilang ng mga kababaihang lumabas sa kastilyo na iyon at lahat sila ay mga asawa ni Beelzebub. Nagbigay pugay ang lahat kay Asmodai at kay Beelzebub at kasabay nito lumabas din ang iba pang nilalang na nasa loob ng kastilyo upang salubungin at magbigay ng pugay...
Sa di kalayuan may tumatakbo patungo sa direksyon ni Asmodai at nang nasa malapit na ito, naapuhap niya ang isang pamilyar na mukha. Nang makalapit ito sa harapan niya bigla na lamang ito yumuko at nanikluhod...
"Aking hari, Asmodai, ako po ito ang isa sa inyong mga anak na si Nelliele..."
Laking gulat ni Asmodai at napatitig ng masama kay Beelzebub.
"IPALIWANAG MO 'TO BEELZEBUB...!!!"
Mataas at matigas ang tono ng pananalita nito at halatang galit."SUMUNOD KA SA AKIN, DOON TAYO SA LOOB MAG-USAP AT HWAG KA MAGWALA DITO LABAS..."
Sumenyas ito kay Asmodai at sinenyasan din nito ang lahat na bumalik na sa loob, maging si Nelliele ay bumalik na din sa loob ng palasyo.Sabay na pumasok sa loob sina Asmodai at Beelzebub at bigla na lamang nagbago ng itsura si Beelzebub na mula sa demonyo nitong anyo ay naging isang maginoo at makisig na lalaki. Bumalik din sa pagiging tao ang katawan ni Harvey (Asmodai).
( Beelzebub in human form )
"WALA NA BANG ILULUMA YANG PORMA MO...??!!"
Puna ni Harvey (Asmodai) sa kasuotan ni Beelzebub.Sa pagpasok nila sa napakalaking pintuan ng kastilyo ay tumambad sa kanila ang napakalawak na pasilyo na limitado lamang ang liwanag na napasok at sa lawak nito ay umaalingawngaw ang mga boses nila...
Umakyat ang dalawa at pumunta sa silid aklatan ni Beelzebub at nang makarating doon ay agad umupo si Harvey (Asmodai), dume-kwatro ang binti at naka-cross arm...
"NGAYON MO IPALIWANAG SA'KIN ANG LAHAT AT KUNG PAANONG NASA PUDER MO ANG ISA SA MGA ANAK KO...!!!???"
Nag-uutos ang tono nito at tila may galit na mababakas sa mukha nito.
Sa galit nito ay literal na nagkukulay pula ang mga mata nito at kumikinang sa kadiliman na nililikha nito.Naglalakad si Beelzebub papunta sa likuran ng upuan ni Harvey (Asmodai) at yumuko ito sa likuran niya at tinapat ni Beelzebub ang bibig niya sa kanang tenga nito...
"Kumalma ka, sa katunayan nyan iniligtas ko ang anak mo sa pagsalakay ni Amon sa teritoryo mo."
Pabulong nitong sabi kay Harvey (Asmodai) at naglakad ito papalayo papunta sa bintana upang pagmasdan ang itsura ni Harvey (Asmodai) sa repleksyon sa salamin ng bintana."PERO, GUSTO KO SYANG IDAG-DAG SA MGA KOLEKSYON KO AT GAWIN KONG ASAWA..."
Bahagyang nilingon ni Beelzebub si Harvey (Asmodai) at ngumiti na may halong pang-iinsulto.Nagpuyos sa galit si Harvey (Asmodai) at nagbago nanaman ng anyo at bigla itong napunta sa harapan ni Beelzebub na nakahanda ng suntukun ang mukha.
"TARANTADO KANG, GAGO KA!!!"
Nang makasuntok na ito ay lumikha ito ng malakas na pagsabog na yumanig sa buong kastilyo at nasira ang isang malaking bahagi ng pader kasama ang bintana kung saan nakatayo si Beelzebub. Binale wala lang ito ng mga alagad ni Beelzebub at patuloy lang sa ginagawa."YAN LANG BA KAYA MONG IPAKITA...???"
Laking gulat ni Asmodai ng bigla itong nagsalita at unti-unting nawawala ang usok na likha ng malakas nitong suntok. Nakatayo lang si Beelzebub at nakaharap kay Asmodai habang nakapamewang at ang hintuturo pala nito ang pumigil sa malakas na suntok nito, kaya ganon na lamang ang gulat ni Asmodai sa mukha nya..."KUNG YAN LANG ANG IPAPAKITA MO SA AKIN, HINDI MO MABABAWI SA'KIN ANG ANAK MO AT LALONG HINDI MO MATATAPATAN SI AMON...
HAHAHAHAHAHA!!!"
Habang tumatawa ito ng malakas ay itinaas nito ang kaliwang braso at unti-unti winawasiwas at unti-unti rin nabubuo ang malaking butas na nilikha ng malakas na suntok ni Harvey (Asmodai)."Tok! Tok! Tok!"
Biglang may kumatok dahilan para matigilan silang dalawa at tumungin sa diresyon ng pinto ng silid."Panginoon, kailangan nyo po ba ako...?"
May boses ng babae ang umalingawngaw sa pinto at nang ito ay magbukas, nakita ni Harvey (Asmodai) na si Nelliele pala ito, bigla itong napa-atras sa kinatatayuan nito at bumalik ito sa pagiging tao."ANONG BINABALAK MO BEELZEBUB...?!"
Nagpupuyos sa galit si Harvey (Asmodai) at pinipigilan nito ang sarili, dahil baka madamay si Nelliele sa gagawin nya.Biglang nawala sa kinatatayuan nito si Beelzebub at napunta sa likod ni Nelliele.
"GUSTO MONG BUMALIK ANG DATI MONG LAKAS DI BA...!?"
Itinulak nito si Nelliele kay Harvey (Asmodai) at nasalo naman niya ito bago pa man ito tumumba."ANONG IBIG MONG SABIHIN...?"
Takang pagtatanong ni Harvey (Asmodai) habang nakahawak ito sa magkabilang braso ni Nelliele dahil sa pagkakasalo nito."ANG BAWAT ANAK NATIN AY PARTE NATIN AT MAY PARTE SILA NG KUNG ANO TAYO, MAGING ANG KAPANGYARIHAN NILA AY NAGMULA SA ATIN. KAYA, ANG TANGING SOLUSYON SA PROBLEMA MO AY MULI MONG IBALIK ANG NAWALA SAYO. SA MADALING SALITA, KAININ MO ANG INILUWA MO..."
Habang binabanggit ito ni Beelzebub ay mababakas mo sa mukha nya ang pagkasabik at tuwa sa gagawin ni Harvey (Asmodai) kay Nelliele.Nagtitigan ang mag-ama, mata sa mata at bigla na lang tinulak papalayo ni Harvey (Asmaodai) si Nelliele sa kanya. At sa pagkakatulak na iyon ni Harvey (Asmodai) ay bigla na lamang naglabas ng liwanag ang katawan ni Nelliele, dahilan para takpan nila Harvey (Asmodai) at Beelzebub ang mga mata nila sa nakakabulag na liwanag. Unti-unti nawawala ang liwanag at nakita nga nila na may maliwanang na kung anong bagay sa kamay ni Nelliele.
Lumuhod si Nelliele habang itinaas ang maliwanag na bagay kay Harvey (Asmodai).
"Ina-alay ko sayo aking hari ang aking sarili para sa iyong ikabubuti..."
BINABASA MO ANG
Demon Arise
ParanormalIstorya ito ng pangkaraniwang bata na may hindi pangkaraniwang mga nilalang na pumapaloob sa kanya at dito madidiskubre nya ang di pangkaraniwang mga kakayahan na wala ang ordinaryong tao. Makikilala nya din ang mga katulad nyang may mga nakapaloob...