Chapter V - Revelation

28 2 0
                                    

Nymona's POV :

"Nymona, Nymona, Nymona..."
Paulit-ulit nyang banggit sa pangalan ko at umiiling.

Sa isang kisap mata ko bigla na lamang syang napunta sa harapan ko at itinutok ang mukha nya sa akin habang sya ay nagbigay ng nakakapangilabot na ngiti na animoy isang mabangis na nilalang na nakakita ng makakain. Habang ang lahat ng mga kasama ko ay napaatras sa pangyayari at nagulat.

"Masaya kaba sa pansamantalang kapangyarihang ibinigay ko sa'yo." Dahan-dahan hinaplos ng naga-apoy na kamay nito ang mukha ko habang nakangiti pa din ito na tila lalamunin ako ng buhay at bigla na lamang hinawakan niya ang leeg ko at pinisil ito ng mahigpit.

"NGAYON KO KAILANGAN ANG LAKAS MO...."
Tumaas ang tono ng pananalita niya at lalo pa nitong hinigpitan ang pagsakal sa akin habang itinaas nya ako sa ere at binuka ang nagliliyab nyang pakpak. Sa pagbuka ng pakpak nito nagpakawala ito ng napakalakas na hangin kasabay ng apoy na nagmula sa mga pakpak nito kaya animoy mala buhawing apoy ang nilikha nito at ang tamaan nito ay biglaang nagiging alikabok at maging ang kwarto na kinapapalooban namin ay bumigay at nawasak sa lakas ng pagsabog na nilikha nito. Maging ang mga binutas nitong mga palapag ay nagbagsakan sa amin, ngunit hindi kami naapektuhan dahil gumawa sya ng barrier.

_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_* _*_*_*_*

Asmodai's POV :

"Sa wakas naiunat ko din ang mga pakpak ko at kung suswertehin kapa may katakamtakam kapang putaheng makakain."
Halata ang takot sa mukha nito habang namimilipit ito sa pagkakasakal ko.

"Kung bakit ba naman kasi nakipagkasundo ka kay METATRON ( titulo para sa pinakamataas na namumuno sa mga anghel )."
Nanglaki ang mga mata nito at pilit na kumakawala sa pagkakasakal ko.

"Buong akala ko mga nilalang lang ng kalangitan ang kalaban ko, ngayon maging mga kapwa ko demonyo gusto akong lamangan. Mabuti na lang at nandyan pa si MURMUR na naglilingkod ng tapat sa akin."
Tumigil si Nymona sa pagpiglas nang matapos ko ang mga sinabi ko.

"Pa-pa-patawad pangino-o-on..."
Hinahabol nito ang kanyang hininga habang may tumutulong luha sa mga mata nito.

"Huli na ang lahat Nymona at napatunayan ko na ang katapatan mo sa akin."
Hinigop ko sya ng paunti-unti gamit ang kanang kamay kong nakasakal sa kanya at naramdaman ko ang karagdagang kapangyarihan na dumaloy sa akin. Ang mga galos at ang butas sa katawan na ito ay kusang naghilom nang dahil na rin siguro sa karagdagang lakas na dumadaloy sa akin mula sa pagkain ko kay Nymona.

_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_

Harvey's POV

Nakalutang ako sa kadiliman at iniisip ang mga kasalukuyang nangyayari sa katawan ko nang may lumitaw na pares na mga matang malalaki at pulang-pula. Unti-unti may malaking imahe na may malalaking pakpak ang nabuo at bigla itong nagliyab at isang nakakapangilabot na nilalang ang lumitaw.

"Kamusta ka bata, salamat sa pagpapaubaya mo ng katawan mo." Isang nakakapanindig balahibong boses ang nadinig ko at natulala nanaman ako sa nakita ko.

"Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita, hayaan mong magpakilala ako. Ako nga pala si Asmodai, isa sa mga hari ng impyerno at ako ay kinulong sa katawan mo."
Pagpapaliwanag nito sa akin habang ang mga mata nito ay nakatingin ng matalim.

"A-ano bang kailangan n-nyo sa a-akin...?" Sa kaba ko parang kinakain ko ang mga sinasabi ko.

Yumuko ito at inilapit ang mukha nito sa akin.
"Wala, pero kapag namatay ka ay habang buhay na akong makukulong sa kinalalagyan ko. Kung kaya napipilitan akong iligtas ang walang kwentang kagaya mo."

"Ilang beses na ba kitang iniligtas at wala ka man lang kamalay-malay na ako ang gumagabay sa iyo." Pagpapaliwanag nito habang nakapamewang ang kaliwa nitong kamay at nakaturo sa akin ang kaliwa nitong kamay.

"At sa tuwing ginagawa ko ang mga bagay na iyon ang palagi mong pinasasalamatan at pinupuri ay ang naka-upo sa ITAAS." Nagpuyos ito sa galit at nagpakawala ng matinding apoy sa katawan, habang tinakpan ko ng mga braso ko ang mukha ko at mabuti na lang nasa itaas ang baston ni Rafael at prinotektahan ako nito.

"A-ang ibig mo bang sabihin ay ang D-Dyos AMA ?"
Pautal kong tanong habang nanghihilakbot sa takot.

"HUWAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NYA SA HARAP KOHHHH!!!!"
Ibinuka nito ng biglaan ang kanyang nagbabagan pakpak at nagpakawala ito ng apoy ngunit masmalakas at masmatindi ang init nito at may nakatakas sa barrier ng baston ni Rafael. Ito'y dumapo sa magkabilang itaas ng braso ko na nagdulot ng matinding paso.

"AAAAARRRRGGGGHHHH!!!!"
Natigilan ito sa pagpapakawala ng apoy dahil sa lakas ng daing ko sa mga paso na natamo ko.

"Masakit ba ? Kulang pa yan sa ginawa sa amin ng Diyos mo at ng mga kampon nya sa aming pito." Galit na galit nitong pahayag habang nakatungo ang ulo nito pataas at tila pinapahatid ang mga salita nito kay Rafael.

"Mukhang humihina na ang kapangyarihan ng baston ng anghel mo at umabot sa iyo ang apoy ko ?" Bahagya itong ngumiti at nagtanong ng may tonong pang-iinsulto.

"RAFAEL!!! Pababayaan mo na lang ba ang nilalang na masyado mong pinoprotektahan !?" Sigaw nito na habang nakangisi ang mukha.

Bigla na lamang nagliwanag ang mga paso ko sa braso at unti-unti nawawala ang kirot at hapdi na aking nararamdaman.

"A-anong nangyayari sa akin...?"
Pagtataka kong tanong habang namamangha sa pangyayari.

Nanlaki na lamang ang aking mga mata dahil matapos magliwanag ang aking mga paso sa braso ay nawala na lamang ito na animoy walang nangyari.

"WWWOOOWWW!!! Ang galing."
Habang namamangha sa pangyayari ay may biglang kumapit sa magkabila kong kili-kili.

"Harvey gumising kana."
Napalingon ako sa bandang kaliwa kung saan mayroong bumulong sa aking tenga at bigla na lamang ako hinatak pataas.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napansin ko ang kwartong kaninang maayos ay wasak na wasak at maging ang kisame ay may butas at maging ang mga nakapatas na palapag dito ay bumigay at nawasak ng hindi ko alam kung paano.

Dahan-dahan akong bumangon habang pinagmamasdan ko ang paligid ko kung may mga demonyo pang gusto akong patayin.

"Wooohhh...!!! Buti naman at wala na sila." Napahugot ako ng hininga ng malalim habang nagsasalita.

Naramdaman kong tila malamig ang paligid ko at napansin kong wala na pala akong damit, bigla ko naman tinakpan ang maselan kong bahagi at pati na likuran ko sa pag-aakalang may nakakakita sa akin. Napatakbo ako sa kinatatayuan ko at naghanap ng madadaanan pababa at ng mga damit na pwede kong suotin para maka-uwi. Hanggang sa nakarating ako sa C.R. ng lalaki at kung suswertehin ka pa ay may tao dito at naliligo, kahit nakakahiya man ay kinuha ko ang damit na magkakapatong, ngunit kung mamalasin ka ay uniform pala ito na pambabae.
Dahil no choice ako nagmadali ko itong sinuot at patakbong lumabas ng school at dumeretso sa parking lot ng school at kung mamalasin ka pa ay wala na ang service ko.

"WHAT AN EPIC DAY...!!!!"
Napasigaw na lamang ako sa galit sa mga kamalasang nangyayari sa akin habang napaluhod na lamang ako sa kinatatayuan ko at napapa-iyak.

Bigla nalamang may naramdaman akong init sa likod ko at laking gulat ko na biglang nagliwanag ang likuran ko at unti-unti may lumalabas.

"Ano na naman tooohhh..."
Habang nagmamaktol na parang bata habang pinupukpok ko ng kamao ko ang hita ko sa pagkakaluhod ko.

Pagkatapos ng matinding liwanag biglang may humampas na malakas na hangin at natauhan ako sa pag-iyak ko. Tumingala ako at nakita ko ang pares ng pakpak na nasa likod ko at pumagaspas ito ng kusa at ako'y napatayo habang binababa ang suot kong palda dahil sinuot ko din ang under wear ng babae na nakita ko.

"Wala na bang katapusan to..!?"
Sigaw ko ng pagkainis habang tumutulo at humahagulgol ako sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay ko.

Demon AriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon