Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa sa isa sa magagarang service ng pamilya ni Harvey (Asmodai)..."San tayo pupunta panginoon...??"
Seryosong tanong ni Carlos habang nakatingin sa kanang bahagi ng bintana ng limousine..."Pupuntahan ko sya, kahit pa ayaw ko makita ang pagmumukha ng demonyong 'yon...!!!"
Galit na pahayag ni Asmodai habang seryoso ang emosyon ng mukha nito..."Abangan mo na lang ako na makalabas at huwag mo kong susundan at gawin mo na lang ang napag-usapan natin kanina..."
Seryoso nitong pahayag kay Murmur at lumingon ito sa kanya, habang nakatitig ito sa malayo..."Nakikinig ka ba sa akin...!!??"
Hinablot ng kaliwa nyang kamay ang ulo nito at pinihit ito sa direksyon nya..."Nakikinig po ako sa inyo, pero labag po sa kalooban ko ang ipinagagawa nyo sa akin..."
Pahayag nito kay Asmodai habang nakakapit ang dalawa nitong kamay sa braso at napapangiwi ang mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak sa ulo nya..."Basta gawin mo na lang...!!!"
Pagmamatigas nitong utos kay Murmur...
Binitawan nya ang ulo nito at lumingon sa bintana ng kotse...Bumukas ang bintana ng driver sa loob ng limousine at sumilip si Alfred...
"Ahhh, mga sir malapit na po tayo sa Holy Grace Cemetery..??"
"Papasok po ba tayo sa loob...??"
Tanong nito sa dalawang nasa likod..."Paki-park na lang kuya sa labas at pakihantay na lang kami, dadalaw lang kami kila lolo at lola..."
Advise ni Carlos kay Alfred at sumarado ito ng kusa matapos na magsalita si Carlos...Nakarating na sila sa destinasyon nila at gaya ng inutos ni Carlos pinarada ni Alfred ang sasakyan sa labas ng sementeryo at naghantay, habang ang dalawa ay papasok ng sementeryo at nagtungo sa isang abandonadong museleo sa bandang dulo ng sementeryo...
"Panginoon talaga bang pupuntahan mo sya...??"
Hinawakan nito ang kaliwang braso ni Harvs(Asmodai) at pinigilan habang papasok sa luma at sira-sirang museleo na tila konting yanig ng lupa ay guguho na...Pumiglas ito at nakabitaw si Carlos(Murmur)...
"Gawin mo na lang ang napag-usapan natin at hindi mo na ako mapipigilan pa, dahil ayoko nang maghantay ng matagal..."
Binanggit nya ito habang dere-deretso itong pumasok sa loob ng museleo...Pagpasok ni Harvey(Asmodai) ay yumuko ito at ginatlaan ang kanang hintuturo nito gamit ang matulis nitong kuko. Umagos hanggang sa siko ang sariwa nitong dugo at gamit ang kanyang dugo na galing sa dulo ng kanyang hintuturo ay gumuhit ito sa lapag ng isang simbolo. At nang matapos nya itong iguhit bigla itong nagliyab at nalusaw ang sahig na ginuhitan nya ng simbolo. Sinilip nya ang bahagi na nalusaw at bigla itong bumuga ng napaka-init na hangin na may kasamang nagliliyab na apoy dahilan upang sya ay mapa-atras at isalag nya ang dalawa nyang braso sa mukha.
"TATAYO KA NA LANG BA AT MAMAMANGHA, ASMODAI...!!!"
Isang nakakapangilabot na boses ang pumailanglang sa butas na gawa ni Harvey..."PUMASOK KANA AT ALAM KONG MARAMI KANG KATANUNGAN NA HINDI KO ALAM KUNG MASASAGOT KO...!!!"
Muli itong nagsalita sa nakakapangilabot nitong tono..
______________________________________Tumalon ito ng walang pag-aalinlangan at napadpad ito sa lugar na may nakakapangilabot na itsura dahil ang kaharap nitong malaking istruktura ay tila abandonadong palasyo na sira-sira at ang naka-ibabaw ditong kalangitan ay maitim at umiikot na tila mata ng bagyo na naglalabas ng matatalim na kidlat at malalakas na dagundong ng kulog.
Naglalakad si Harvy (Asmodai) patungo sa abandonadong kastilyo at naramdaman na lamang nito na unti -unting nanghihina at tumatanda ng napaka bilis ang katawan na kinapapalooban nya...
"HINDI KA PA DIN NAGBABAGO, BEELZEBUB!!! MASIBA AT SWAPANG KA PA DIN!!!"
Pasigaw nitong banggit sa nakakapangilabot na lugar na nilalakaran nito at sa bawat hakbang nito ay tumatambad ang mga nagkapatong-patong na buto at literal na dugo na animo'y putik na, na namuo sa kalsadang nilalakaran nya at uma-alingasaw ang amoy ng nabubulok na laman ng tao. Ngunit di nito alintana ang nakikita at naamoy, dahil minsan din nyang pinagharian ang ganoong lugar kasama ang tapat nyang tagasunod at kanyang pamilya...At bigla na lang niya (Asmodai) binago ang anyo nya upang hindi maapektohan ang katawan ni Harvey sa lakas ng kapangyarihan na bumabalot sa lugar...
"KELANGAN KO PA BA TALAGANG GAWIN TO UPANG LUMABAS KA LANG DYAN SA LUNGGA MO!!!"
Sumigaw si Asmodai na gamit ang boses nya upang palabasin si Beelzebub...Sa 'di inaasahang pagkakataon biglang may lumabas na pulutong ng kulay itim na insekto na halos padilimin ang buong kalangitan ng lugar na iyon at ang pulutong na iyon ay bigla ding agresibong umatake kay Harvey (Asmodai), ngunit bago pa man ito dumapo sa kanya ay kusa na itong nasusunog dahil sa apoy na pinalibot sa katawan nito...
"HAHAHAHAHAHA!!!!"
Malakas na tawa ang umalulong sa kapaligiran na tila isang malaking nilalang may gawa nito...At ang pulutong ng insekto ay nagsama-sama at unti-unti ay may nabubuong anyo ng isang nilalang...
Isang nilalang ang nabuo na hawig sa langaw na may malalaking mata sa mukha na gaya sa langaw, mga pakpak na gaya nito, may dalawang braso ngunit ang mga daliri nito ay tatlo at matutulis, ang mga balahibo nitong matutulis at nakakalason na gingamit nito pamatay sa kahit anong buhay na nilalang, may bibig ng gaya sa langaw na ginagamit din nyang panghigop ng kaluluwa ng kanyang biktima at ang espada nya na kung saan kinukulong nito ang kaluluwa ng mapatay nito at ginagawa din nyang pagkain sa twing nagugutom ito.
(Beelzebub)
"ANG AKALA KO PA NAMAN ANG MADADATNAN KO AY ANG MALADAMBUHALANG SI ASMODAI NA KINATAKUTAN NG LAHAT...HAHAHAHAHAHAHA!!!!"
Nang-iinsultong sabi nito kay Harvey (Asmodai)..."IINSULTUHIN MO BA'KO O PAPAPASUKIN MO KO SA LUNGGA MO...???!!!"
Nakapamewang nitong sinabe ni Harvey (Asmodai) na para bang walang nangyare...Biglang bumagsak ang sira-sirang tarangkahan dahilan para gumawa ng malakas na ingay sa lugar na iyon at hindi mo aakalain na gagana pa iyon dahil sa kalumaan at kinakalawang na ito...
Naglakad ang dalawa papasok sa abandonado at sira-sirang kastilyo, ngunit sa isang iglap ay tila nasa ibang mundo na sila. Hindi ito tulad ng kanina sa halip napapalibutan ang buong lugar ng kumukulong lava na nagbibigay ng sobrang init sa lugar na pwedeng gawing alikabok ang kahit anong bagay, ngunit hindi apektado ang katawan ni Harvey dahil nasa anyo sya ni Asmodai.
BINABASA MO ANG
Demon Arise
ParanormalIstorya ito ng pangkaraniwang bata na may hindi pangkaraniwang mga nilalang na pumapaloob sa kanya at dito madidiskubre nya ang di pangkaraniwang mga kakayahan na wala ang ordinaryong tao. Makikilala nya din ang mga katulad nyang may mga nakapaloob...