Patuloy na pumapagaspas ang pares ng pakpak na lumitaw sa aking likod habang pilit kong ibinababa ang paldang suot ko dahil sa lakas ng hanging na gawa ng pakpak na nasa likod ko at nakikita ang maselan kong bahagi.Bigla na lamang akong umangat ng napakataas at umabot ako sa kalangitan ng hindi ko namamalayan.
"HOY!!! kung sino ka man at ano ka man, saan mo ako dadalhin."
Tumutulo ang aking luha pati na uhog ko sa takot at pangamba sa kung saan ako dadalhin ng nilalang na kontrolado ako.May naramdaman akong humaplos sa kanang balikat ko at naapuhap ko ang isang kamay na aking ikinagulat at isang imahe na unti-unting lumitaw sa aking likuran. Kalahati ng katawan nito ay nakalitaw sa aking likuran at ang pakpak sa aking likuran ay biglang nawala at sa kanya napunta.
"Huwag kang mag-alala at iuuwi na kita sa tahanan mo."
Matapos nyang banggitin ang mga katagang iyon ay bigla na lamang akong nakaramdam ng antok at pagkahilo, unti-unti ako'y nakatulog. Habang ako ay mahimbing na natutulog may mga tila pangitain akong nakikita na nangyari na noong mahabang panahon.
____________________________________Rafael's war memoir :
May mga tunog ng mga nagbabanggaang mga bakal, mga mabibigat na mga yabag na tila tumatakbo at magkakasalubong, at mga tinig na sumisigaw na handang lumusob at kumitil ng buhay.
Unti-unti nagkaroon ng imahe ang kadiliman na akin lamang napapakinggan at nadirinig. Isang gera, ako'y nasa kalagitnaan ng gera na kung saan ang mga anghel at demonyo ang naglalaban. Nakatayo ako sa kalagitnaan ng duwelo ng mabuti at masama, at ang magkabilang panig ay ayaw magpatalo at nagpapatayan sa iisang adhikain ang pamunuan ang daigdig at ang sangkatauhan. Lahat ay nilulusob ang magkabilang panig at ang bawat nasasawi ay biglang naglalaho at matatapos lamang ito sa kung sino ang mas mananaig at magagapi.
Sa bawat pagpaling ng aking leeg ay puro kasawian o kaya naman tagumpay sa laban ang aking nasasaksihan, ngunit may isang demonyo na bigla na lamang tumatakbo sa aking direksyon at tumalon ng napakataas at sumigaw.
"RAFAEL!!! HUWAG KANG TUMINGUN KUNG SAAN, NARITO ANG KATUNGGALI MO!!!"
Isang napakalaking nilalang ang babagsak sa aking harapan at hindi ko maapuhap ang itsura dahil nahaharangan nya ang liwanag na nagmumula sa kalangitan.
____________________________________Harvey's POV :
Nang mabalot ako ng dilim dahil sa mala-dambuhalang halimaw na dumagan sa aking panaginip may nadinig akong mga boses.
"Harvey!!??"
Isang tinig ng babae na tila nag-aalala at parang nadidismaya."HARVEY, my boy!!!"
Isang boses ng lalaki na tila natataranta at alalang-alalaMay biglang malakas na bagay na tila humampas sa aking mukha.
"Arayyyy...???"
Bigla akong natauhan at nagising sa bagay na dumapo sa aking mukha."Yaya, why'd you slap him so hard. I told you to be gentle."
Alalang tugon ni Mommy."Ati kung hihinaan ko ba, hindi magigising si dudung. Baka poreber yang tulog."
Pagpapaliwanag ni yaya habang lahat sila ay nakayuko at nakapalibot sa akin sa terrace ng sala."Sa bagay may point ka."
Pagsangayon na sagot ni Mommy kay yaya."Saan kaba kasi galing anak. Where worried and sick about you.
We don't know where in this world we could find you and why are you wearing a girls uniform???
Even mang Stanley (driver namin) don't know where the heck are you and he's been waiting for hours in your school's parking lot...
And did you know about the terrorist attack in your school..??!!"
Sunod-sunod at may pagtatakang tanong ni daddy."Daddy, please one by one. My mind was like a scrambled egg right now and I don't know how to put in words and I don't even know who and what I am right now."
Nakahawak ang kanang kamay ko sa noo ko at akmang babangon, bigla naman akong inalalayan ni yaya para bumangon."Wha-what do you mean son!!?? Are you a GAY!!??"
Dismayadong pagtatanong ni daddy sa akin."No daddy, its not what you think it is. Tomorrow I'll explain it to you."
Habang naglalakad papuntang kwarto ko at inaalalayan ni yaya."Yaya"
Pabulong kong tawag sa kanya habang nakaalalay sa akin papuntang kwarto."Bakit dung..??"
Pabulong nya ding sagot sa akin."Paki-ready yung pajama ko at magpapalit na ako."
Utos ko sa kanya."Buti naman dung naisip mo, kasi kanina dung nakita kitang nakahandusay T-back ata suot mo at naka-lawit yung dalawa mong itlog at ba..."
Itutuloy na sana nya ng makita nyang nag-aapoy ang mga mata ko sa mga sinasabi nya."Sabi ko nga kokohain ko na pajama mo senyorito..."
Nagmamadaling naglakad palayo si yaya sa akin.Nakarating na ako sa kwarto ko at biglang may naaninag akong nakahilata sa aking malaking kama.
"Carlos, when and how did you get here in my room...??"
Pinsan ko nga palang sadista at lagi ako ang sentro ng atensyon nya sa pangti-trip nya at ahead sa akin ng 3yrs, pero kapag kaharap sila Mommy at Daddy akala mo isang anghel na walang kapintasan ang ugali. Isang rin dating elite student sa eskwelahan na aking pinapasukan at tinaguriang "king of bully" sa eskwelahan ko kaya maraming istudyante ang nangingilag sa akin dahil sa reputasyon na iniwan nya sa school."Couz...!!! How's your trip...??!!"
Tanong nya habang naka hilata sa kama ko at naka-alalay ang kanang kamay nya sa ulo nya."Nagko-cosplay kana pala at bagay sayo ha...and I didn't know that gender bender kana pala."
At biglang may malakas na hangin ang nagpa-angat sa paldang suot ko. Bukas pala ang veranda ng kwarto ko."BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA...!!!!"
Napa-upo sya sa katatawa ng malakas at napakapit sa tyan nya at napabalikwas ng higa ulit habang namumula ako sa kahihiyan at pilit na binababa ang paldang suot ko"YAYA..!!! YUNG PAJAMA KO!!!!"
Galit kong sigaw habang pulang-pula ang mukha ko sa hiya."No, its okay, it suites you well couz..."
Habang naka-upo sa kama ko habang pinupunasan yung mga luha nya sa katatawa."Could you please get out of my room, cause my day was like a hell..!!!"
Galit kong pagpapaliwanag sa kanya habang nakaturo ang kanang kamay ko sa pintuan."SOON THIS WORLD WILL BE OURS AND IT WILL BE THE NEW HELL...!!!"
Biglang nagbago ang kanyang tono at animoy kaboses niya si Asmodai. Nagkulay dilaw ang itim ng mata nya at biglang lumutang ito sa ere na ang itsura ay nakaupo at papalapit sya sa akin.Bumaba ito sa pagkakalutang at ipinatong nya ang kaliwa nyang kamay sa kanang balikat ko at bumulong sa nakakapangilabot niting boses.
"IT WILL BE OURS FOR THE TAKING...!!!"Ngumiti sya sa nakakatakot na paraan habang papalabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Demon Arise
ParanormalIstorya ito ng pangkaraniwang bata na may hindi pangkaraniwang mga nilalang na pumapaloob sa kanya at dito madidiskubre nya ang di pangkaraniwang mga kakayahan na wala ang ordinaryong tao. Makikilala nya din ang mga katulad nyang may mga nakapaloob...