Chapter VII - Journey Begins

16 1 0
                                    


Nagmadali akong isara ang pinto at bigla namang may kumatok.

"Tok! Tok! Tok!"
Sunod-sunod nitong katok

"U-UMALIS KANA, HU-HUWAG KANANG BABALIK...!!!"
Pautal kong sigaw ng dahil sa kaba at takot.

"Senyorito... Ayaw mo na bang magpalit ng damit mo... Yan na po ba pantulog mo...??"
Sagot nito sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at inilabas ko ang ulo ko habang iginala ko sa paligid ang aking mga mata. Nang makita ko si yaya bigla kong hinablot ang mga damit na hawak nya.

"Salamat"
Tanging tugon ko sa kanya habang binagsak ko ng malakas ang pinto.

"Hmm, kahit kelan suplado ng batang to, akala mo laging may rigla."
Pabulong nitong sabi habang naglalakad palayo sa kwarto ko.

Hinubad ko ng mabilis ang aking damit at nagmamadaling pumasok sa shower room ko at binusisi ko ang butas na gawa ng buntot ng demonyo kong teacher na si Ms. Macario (Nymona). Tanging peklat na lamang ang naiwang bakas sa sugat na natamo ko at laking pagtataka ko kung paano ito nawala. Matapos kong mag-shower ay itatapon ko na sana yung uniform na suot ko nang may malaglag na I.D. at imahe agad ng babae ang nakita ko at mukhang foreigner ang may ari nito.

"François Mitchell Magno"
Pabulong kong sambit sa pangalan nya at tinitigan ko ng matagal ang larawan nya sa I.D. nang dahil na rin siguro sa taglay nyang ganda na nakahuhumaling.

"Tok! Tok! Tok!"
Bigla kong nabitawan ang I.D. na tinititigan ko at ito'y sumilid sa ilalim ng kama ko.

"Harvey, are you in bed already..?"
Pag-aalalang tanong ni Mommy sa akin habang napaharap ako sa pinto ng mabilis.

"Are you sure your alright..?"
Tanong nito ulit sa akin habang idinikit ang tenga sa pinto at pinakikinggan ang mga ginagawa ko.

"Yes mom.."
Tugon ko sa kanya habang nakapailalim ako sa kama at hinahanap ang I.D. ng may ari ng damit na naisuot ko.

"Okay, go to sleep now 'cause tomorrow we'll talk about what happened today."
Tugon nito sa akin na may galit ang tono.

"Okay, good night mom."
Tugon ko sa kanya at saktong nakapa ko ang I.D. at ito'y muli kong tinitigang ng puno ng pagkahumaling.

Humiga na ako sa kama at hinubad ko ang making salamin at habang hawak-hawak ko ang I.D. ay pinagmamasdan ko ito hanggang sa nakatulog ako.
____________________________________

"RRRRRIIIIIIIIINNNNNGGGGGG"
Tumunog ang alarm clock ko at aabutin ko na sana nang may nagsalita.

"Ako na bro"
Pinatay nito ang alarm clock ko at biglang napatayo ako sa kama ko at nagulat na may dalawang taong nakapagitna sa akin. Inabot ko agad ang aking salamin sa side table at pumunta agad ako sa bintana ng kwarto ko na katabi ng veranda at hinawi ko ang mga kurtina nito.

"Haaayyy!!! ano ba yan bro ang aga pa...!!"
Sambit ng nasa kaliwa na si Ferdy.

"Oo nga naman bro, tsaka two weeks tayong walang pasok, Emergency Suspension."
Sambit ng nasa kanan na si J.C.

"The f*ck! The f*ck! The f*ck! How and when did you get here !? Para kayong si Carlos bigla na lang sumusulpot."
Pasigaw at galit kong sambit.

"Easy lang, kahapon kasi tumawag sa amin sila Tito Harvey at si Tita Cecille kasi its 9pm at wala ka pa sa mansion nyo."
Mahinahong sagot ni Ferdy.

"And then we ran out in our house, tapos napasugod sa mga tambayan natin and then na televised yung school natin na may malaking explosion at ang conclusion ng media is terrorist attack. Kaya heto napadpad kami sa inyo nakikibalita na buhay ka pa at kagabi pa kami nandito, nauna lang si Carlos."
Nakasandal silang dalawa sa kama habang nagsasalita si J.C.

"Don't you ever say that name again, that guy give me chills up unto my bones !?"
Galit kong pahayag sa kanila habang nakabalot sa mukha ko ang kaliwa kong kamay at winawagayway ko naman ang kanan kong kamay habang nakataas ang hintuturo ko.

Nang tanggalin ko ang kamay ko sa mukha ay may pinagmamasdan silang kung anong bagay na hawak ni J.C. at napansin ko na I.D. ito na pinagpapantasyahan ko kagabi.

"Uy!! Ano 'to...??"
Takang pagtatanong ni J.C.

"Damn you Harvs, you didn't tell us that your dating someone."
Biglang ngumisi ang dalawa na animoy nanunukso.

Napatakbo ako sa tabi ni J.C. at hinablot ko ang I.D. sa kanya.

"I-its just a co-coincidence."
Pautal kong rason sa kanila.

"Woooohhhh!!! Coincidence daw...?!"
Sabay nilang bigkas na nakangisi ang pagmumukha.

"Tok! Tok! Tok! Are you guys up, breakfast is ready."
Pag-aanyaya ni Mommy.

Biglang napatayo ang dalawa sa kama ko at nag-unahan pababa na akala mo hindi pinakain ng isang linggo.

"Weeeew, again mom saves the day."
Pabulong kong sabi sa sarili ko.

"Good morning, my Lord."
Bigla akong kinilabutan dahil may nakasilip ng bahagya sa pintuan ng kwarto ko and guess what si Carlos.

"A-anong kaylangan mo...!!??"
Pagmamatigas kong tanong kahit na halata ang takot sa mukha ko.

Unti-unti naglakad sya papasok sa aking kwarto habang umaatras ako sa bawat hakbang na ginagawa nya na takot na takot at kabadong-kabado sa mangyayari. Bigla nitong niluhod ang kanang tuhod at nakapatong ang kanang braso nito, maging ang ulo nya ay yinuko nya sabay banggit ng....

"Panginoon, naririto na po si Murmur na handang maglingkod at sumunod sa mga ipag-uutos nyo."
Muli nagbago ang tono ng boses nya ng gaya kay Asmodai, tumitig sya sa akin at biglang naging parang mata ng agila ang pares ng mata nito at nagliyab ang mga kamay nya.

Demon AriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon