Chapter 15

1.8K 48 1
                                    

Chapter 15

Cleve's pov

"Bakla, may tawag ka! Uy, bakla may tawag! Yuhoo! Bakla!"

Shit! Ang ganda na ng moment e. Ayun na e! Magy-yes na ko e! I held my phone and answered the call.

"Take a deep breath, babe."

Sinunod ko ang sinabi nito. Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang usapan namin.

"Okay na. Tell me... "

"Pumunta ka dito sa ***** Hospital. Nakaconfine ang pamilya mo."

Biglang nanlaki ang mga mata ko at umurong ang mga luha kong nagbabadya kanina.

"Babe, tapos na ang April Fools Day. Please tell me you're joking, " I pleaded, my voice was shaking.

"I'm not. I'm sorry, babe.. Ngayon ko lang din nalaman. My uncle is a doctor her—"

'Di ko na pinatapos ang sinabi nito at mabilis akong tumakbo papunta sa kotse ko.

💛

Nagtanong ako sa information desk kung anong room number ng pamilya ko. Ano bang nangyayari?! Bakit sila napahamak!? L*che! Mapapatay ko kung sino man may pakana nito.

"Are you all okay?! " tanong ko sa kanila pagkabukas ko ng pinto.

Nagulat ako sa nakita ko. Maraming nakatarak kay Daddy na aparato. He looked so weak. His skin is very pale and he's still asleep.

My mom is crying. She was being cured by the nurse. May mga sugat ito sa braso, at pati na rin sa mukha nito ay may mga daplis. And last, my brother has a shot on the left part of his stomach.

"Cleve, calm down," my mom said while I'm going closer to them. She looked so fine and calm but I know she's gritting her teeth.

I know her secret since I was 5. I saw them, my mom and dad, talking to some goons. At first nagtataka ko pero nung tinutukan ng mga panget na goons sila mommy ng baril, nagulat ako kasi madali itong naagaw nila mommy at itinutok ito sa kanila.

Ano kayang ginagawa niya, mommy? Baka patayin siya ng mga bad guys!

"You can't hide your secrets forever," gayit na sabi nung panget.

Bakit kaya ganun mga matatandang yayaki? 'Di ba niya ayam na nakakapangit ang balbas? Hindi naman sila kagaya ni Chesches na pogi pa rin kahit may hair sa face. Mga ambershoes — ano nga ulet sabi ni Candy? Ambershoes ba yun? Ah bashta! Ah! Ambitious! Tama! Mga ambiyoso sila!

"We can. And looks like you are trying to reveal it," matalim na sabi ni daddy. Hala! Galit na si daddy! Lagot kayo...

"We are, Cade. Masyado na kasi kayong malakas! Marami na kayong naaapakang tao! " sigaw ulet ni panget. Malakas naman talaga sila daddy e. Ang galing nga e! Nabubuhat niya 'yung drawer ko sa kwarto pag may nalaglag akong toys.

Biglang Naglabas ng knight— ay hindi! Knife pala, 'yung si panget. Naalerto ako kaya nang nakita ko 'yung vase sa tabi ay kinuha ko ito at hinagis. Nagulat sila mommy kaya mabilis nila ako nilapitan.

Nakakuha ng tiyempo 'yung panget. May baril pa pala siya? Sa pagmamadali, kinuha ko ang gun ni daddy at pinagbabaril 'yung mga goons.

Nagulat ako sa sound ng baril, kaya para akong nawala sa sarili. I blinked my eyes and saw 3 guys in the floor with so much blood shedding from their bullet shots..... from me.

Si chesches nga pala ay si Chace Crawford. Nakita ko kasi siya sa google nung bata pa 'ko, ta's crush ko na siya agad nun.

I got confined in the hospital after the incident. Na-trauma ako sa nangyari. I felt like I'm a monster. I killed them with my own hands. Matagal akong naging tulala hanggang sa nakita ko si mommy na umiiyak sa harap ko. She was so devastated and that's when I start to response again.

The Secretary's Deadly Secrets✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon