Chapter 24

1.7K 49 0
                                    

Cleve's pov

I felt a pang in my back. Ilang oras ba 'ko dito? I opened my eyes and saw a very nice room. Memories flashed in my head.

"Ang tanga rin ng babaeng 'to boss. Pag ayaw na kasi, 'wag nang pilitin."

"Siraulo! Edi hindi natin siya nakuha kung nagkataon! Isip nga, bes. Nawala yata e,"

"Hindi na ba kayo titigil?! We need to fucking kill this bitch. Pinatay niya ang Daddy ko kaya buhay niya rin ang kapalit."

Great. Just great. I just killed two person in a very brutal way. Mas lalo ko lang pinatutunayan kay Trek na mamamatay tao talaga 'ko.

I stretched my body, ang sakit talaga e. Tumunog ang mga buto ko na hudyat na sobra itong nangalay.

"Midnight! You're awake!" masayang turan ni Brent na nasa tabi ko pala. Andyan pala siya, 'di ko napansin.

"Ay hinde, I'm sleeping pa." at umakto ako na humihilik. Gash! Ang pogi niyang nilalang, pero ang shunga. No need to state the obvious, Brent.

Imbis na mainis ito ay natawa pa siya sa akin. Hindi kaya ako nagjo-joke. Ang timang niya talaga, pogi na timang. Enebe!

Hinaplos nito ang mukha ko at masuyo akong tiningnan,"Ayus ka na ba? May masakit ba sa 'yo? Uy! Magsalita ka!" sunod sunod nitong sabi.

Sinapok ko ito nang malakas. "What was that for!?"

"Paano 'ko magsasalita kung puro ka tanong?! Umayos ka nga, Hidalgo!" bulyaw ko rito. Nang-iistress kaagad siya, e kagigising ko lang .

He just shot me with death glares.

"Joke lang, Brent! 'Di ka naman mabiro... Ahm.... Ayus naman ako, wala ring masakit sa 'kin," nakangiti kong sabi sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin, nagtampo na yata.

"Uy, Brent! Sorry na... Pramis 'di na kita sasapokin." Tinaas ko rin ang kaliwa kong kamay para maniwala siya.

"Kanang kamay dapat ang ginagamit."

Napakamot na lang ako sa batok ko. Malay ko ba dyan!

I cleared my throat and made puppy eyes,"Sorry na huh? Uy! Ngingiti na yan," panunukso ko rito habang sinusundot ang tagiliran nito.

He just stared at me blankly but he smiled then, after. Nginitian ko rin ito pabalik at nagkatitigan. Ang pogi-pogi niya talaga.

If I didn't love Trek, I would have fall for him by now. Talagang napakagwapo nito at papasa sa salitang 'perfect'.

Naputol ang aming pagtititigan dahil may tumikhim sa amin.

"Leche! Matunaw sana kayo parehas," inis na sabi sa amin ni Denise.

"Andito ka pala?" She gritted her teeth when she heard that.

"Aba't-- Cleve, may Trek ka. Pinapaalala ko lang." Matalim itong tumingin sa akin. Ba't ba parang galit sa 'kin 'to? Don't tell me...

"Type mo ba siya?" She just 'tsk' and went close to me and-----

"Aray! Brent oh! Kagigising ko lang pero binabatukan niya kaagad ako," pagsusumbong ko rito. Ewan ko rin kung bakit ko sinabi 'yun, nababaliw na siguro 'ko.

Tinitigan lang nito si Denise at biglang nag-sorry si babaita. Hindi naman siya sinamaan ng tingin pero parang magic, at biglang napasunod si Denise.

Someone could make her scared? That's a new one. Bakit kaya?

"Baliw ka kasi. Kung anu-ano ang pinagsasabi mo."

"Alam ko na! Namimiss mo lang si Dylan, 'no? Alis ka na, bes, miss ka na rin niya for sure." Buti pa siya masaya na, ako kaya? Malabo na yata kami magkakaayos. What do I expect?

The Secretary's Deadly Secrets✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon