Unang Batas!

2.9K 55 13
                                        

Hindi pa ako convicted pero inilagay na nila ako sa selda. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko,hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako kung paano nangyari ang lahat ng iyon.

Mahal ko si Leila at hindi ko magagawa ang ibinibintang nila. Pero paano ko ipagtatanggol ang sarili ko kung nahuli nila ako sa akto na hawak ang kutsilyo.

Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang sarili ko kung sino ang pwedeng gumawa noon kay Leila.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa aking mga kamay na nilagyan ng posas,saka nila ako ipinasok sa selda.

"Dyan ka muna hangga't hindi natatapos ang hearing mo. Pero nasisiguro kong sa Muntinlupa ang bagsak mo lalo pa at malakas ang ebidensya laban sayo." sabi ng pulis na nagtulak sa akin papasok sa selda.

"Kung may dadalaw sayo,magpakuha ka na ng abogado,dahil ang abogado na makakaharap mo ay hindi basta basta." sabi pa ng ikalawang pulis at sabay na silang umalis.

Napaatras ako at napaupo na lamang. Hindi ako makapaniwala na nakakulong na ako. At aaminin kong sobrang takot na ako ngayon.

"Anong kaso mo?" sabi ng isang preso at umupo pa talaga sa harapan ko. Yumuko ako dahil ayokong ipakita na umiiyak ako. I dont deserve this,I dont belong here.

"Wala akong ginawa. Pinagbintangan lang ako." ang sagot ko ngunit hindi pa din ako nag aangat ng tingin.

"Bata,lahat ng nandito ganyan ang sinasabi. Ngayon sabihin mo sa akin kung anong kaso mo." anito at ipinatong pa nya ang kamay nya sa balikat ko kaya nag angat ako ng tingin.

Paanong nagkaroon ng gwapo dito? Paano sya napunta dito?

"M-murder." ang sagot ko habang nakatingin pa din sa kanya.

"Mukhang pareho lang tayong napagbintangan. Pero wala tayong magagawa kundi ang maghintay. Ako nga nung isang araw lang pinasok dito,napag bintangan din akong pumatay,ang masakit pa,kapatid ko ang nagturo sa akin na pumatay daw sa asawa nya." ang mahaba nyang sabi at malungkot na ngumiti.

Gwapo nga talaga sya,may dimples pa. Napaisip tuloy ako kung kaya nya ba talagang pumatay.

"Nagising ako ng alas dos ng madaling araw dahil sa ingay,bumaba ako para tingnan,at nakita kong nakahandusay sa sahig si Leila naliligo sa sariling dugo,may nakatarak na patalim sa kanyang dibdib kaya hinugot ko,yon ang naabutan ng mga barangay tanod." ang sabi ko naman,medyo kumalma na ako at nawala ng konti ang takot ko.

"Pareho talaga tayo. Bakla ka diba?" ang diretso nyang sabi,hindi ako nakaimik dahil baka marinig ng ibang preso. "Silence means Yes. Magpakatatag ka at huwag magpapahalata. Dito pag nakapatay ang kaso mo,walang gagalaw sayo." ang pagpapatuloy nya.

"Pero hanggang kailan ako dito?" ang agad kong tanong.

"Ewan. Yan din ang tanong ko sa sarili ko eh." aniya,tumayo sya kaya tumayo na din ako.

"Pwede bang ikaw na lang ang lagi kong kasama?" sabi ko at tumingin sa paligid. "Nakakatakot sila."

"Sige,habang pareho pa tayong nandito. Nga pala,Im Orriz Madrigal." aniya at inilahad ang kanang kamay.

"K-kendall. Kendall Abalos." at tinanggap ko ito.

"Abalos! May mga gustong kumausap sayo." sigaw ng isang pulis at nakita ko na lang na palapit na sina sir Mike at Cloud. Agad akong napakapit sa rehas.

"Lapitan mo lang ako pag tapos na kayo." ang paalam ni Orriz at tahimik na naupo sa isang tabi.

"Sir Mike! Cloud! Tulungan nyo akong makalabas dito! Hindi ko magagawang patayin si Leila!" ang maiyak-iyak kong sabi. Kitang kita ko sa mga mata nila ang pagka awa kaya lalong gusto ko umiyak.

Love Above The LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon