"Oh,baka matunaw yan." ang agad na puna sa akin ni Leila.
"Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya." wala sa sariling sagot ko habang sinusundan ng tingin ang lalaking matagal ko ng minamahal.
"Hanggang tanaw ka na lang." ang pabulong pang pangbubuska ni Leila sa akin. Kaya nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.
"Eh ano naman? Ikaw din naman,hanggang tanaw na lang din." pang iinis ko naman at binalik ang pansin sa pag ibig ko,ngunit wala na ito. "Ayan,wala na! Hindi ko man lang nakitang sumakay ng kotse nya."
"Araw araw mo naman syang nakikita no? Sige na,pumasok ka na sa trabaho." ang sabi naman ni Leila.
"Tama ka,baka nga hinahanap na ako sa trabaho,alam mo naman na everyday routine ko ito,ang abangan si Chrollo bago ako pumasok sa trabaho." ang nakangiti ko namang pag sang ayon.
"Malandi,sige na at lilinisin ko pa bahay natin." ani Leila,ngumiti lang ako at nagpaalam na.
Ako si Kendall Abalos,isang 24 year old na bading. Pero hindi ako nagkocross dress. Nagtatrabaho ako sa isang bar bilang manager. At yung si Chrollo Verancio ang ultimate love life ko,isa syang Lawyer,at halos dalawang taon ko na syang iniibig,malas nga lang dahil hindi nya ako tinatapunan ng pansin.
Minsan nga,naisip ko na magpapansin sa kanya,pero ayoko namang magmukhang cheap. Kontento na ako na nakikita sya,kumbaga Im happily contented loving him from afar.
"Ang aga mo ata?" ang pagpuna sa akin ni Cloud,isa sa pinakamatagal ng barista sa bar.
"May mga hindi kasi ako natapos na i-audit,kailangan ng masubmit kay boss." ang nakangiti kong tugon at dumiretso na sa private office. Dalawa ang private office ng bar,para kay boss at para sa akin.
Sinimulan ko ng kwentahin ang kita ng bar mula nung sabado. Ito lang ang mahirap dito,kailangan ulit ulitin,kailangan lahat mailista ko,yung mga ginastos at kinita.
Kaya bago magbukas ang bar ay natapos ko na ito,sakto pumasok si boss Mike.
"Baka wala na akong maipasweldo sayo." anito na ikinangisi ko.
"Kahit hindi mo na ako swelduhan boss,malaki na naipon ko."
"Bilib talaga ako sayo. Mag boyfriend ka na kasi para may ginagastusan kang iba." anito at lumapit.
"Hindi pa ako handang magwaldas ng salapi." ang sagot ko naman. "Ito na nga pala sir,natapos ko na,may report na din ako dyan." sabay abot ng envelope dito.
"Maaasahan ka talaga. O sya,lumabas ka na lang dyan mamaya,inum tayo,may dadating akong mga bisita,sa VIP tayo."
"Ako pa? Sige po boss." at lumabas na nga ito.
Agad kong tiningnan ang phone ko kung may text na ba si Leila. Usually kasi inaupdate nya ako lagi ng mga ginagawa nya. Si Leila ay malayo ko ng kamag anak,pero kapatid na ang turing ko sa kanya,kinupkop ko sya nung halos mabaliw sya ng iwan sya ng nobyo,ang masakit pa nun buntis sya,at sa sobrang pagka dipress nya ay nakunan sya.
"Bakit kaya hindi pa nagtetext ang babaitang iyon?" ang taka kong tanong sa aking sarili.
Lumabas na ako at sumalubong sa akin ang malakas na tugtugin. Kakabukas pa lang ng bar pero ang dami ng tao. Sikat talaga ang bar na ito,madami ng suki.
Umupo muna ako sa bar counter at pinanood si Cloud sa pag flairing nya ng mga bote. Hanga din ako sa kanya,kung ako siguro yon nagkanda basag basag na ang mga bote.
Napatingin ako sa pinto ng may pumasok na pamilyar na tao. Dumagundong agad ang dibdib ko,para akong na excite na kinabahan na parang natatae pero hindi naman.
Si Chrollo,napaka gwapo nya lalo pag hindi sya naka suit. Hindi din naka brush up ang buhok nya. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makahanap sya ng pwesto.
Ito ang kauna unahang pagkakataon na pumasok sya dito sa bar. Pero bakit kaya mag isa sya?
"Kendall tara na sa VIP,nandun na mga bisita ko." ang pagpukaw sa akin ni boss. "Sinong tinitingnan mo?"
"Ha? Wala! Sige po boss tara na. Nang makatikim na ulit ako ng alak."
"Ikaw talaga. Tara na." at sumunod na ako kay boss. Pero bago yon,tinapunan ko muna ng mabilisang tingin si Chrollo.
At halos maihi ako dahil sakto ding napatingin sya sa akin. Bigla tuloy akong nataranta,kaya agad na akong pumasok sa VIP room.
Masaya naman at halos maduling na ako sa pagkalasing. Ako ang bumabangka sa pagpapatawa para naman hindi mabored ang mga bisita ni boss. Mga bandang alas onse na iyon ng matapos kami. Pinapauwi na din nya ako para makapag pahinga na,hindi naman ako tumanggi dahil lasing na din talaga ako.
Nang makarating sa bahay ay naabutan ko pa si Leila na nanood ng TV.
"Matulog ka na."
"Mamaya na! Hay nako,amoy alak ka! Ang baho!" ang agad nyang sagot,siguro dala ng tama ng alak ay agad uminit ang ulo ko.
"Anong pakialam mo? Matutulog ka na o babasagin ko yang TV?" ang singhal ko naman dito.
"Oo na! Goodnight!" ang sigaw nya,pinatay ang TV at nagdadabog na umakyat sa taas papunta sa kwarto nya.
Napailing na lamang ako. Ganyan kami minsan,pero hindi naman namin ito sineseryoso.
Umakyat na din ako at dumiretso sa kwarto ko. Pagkalapat pa lamang ng likod ko sa kama ay nakatulog na ako.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay. Nagmumula ito sa baba,at parang naririnig ko ang boses ni Leila. Kinabahan agad ako kaya agad akong tumakbo pababa.
Nanlambot ang mga tuhod ko sa aking naabutan. May nakatarak na kutsilyo sa dibdib ni Leila,naliligo sya sa sariling dugo.
"LEILAAAAA!! Anong nangyari? Sinong may gawa nito sayo?" ang humahagulhol kong sabi,lumapit ako at ipinatong ang ulo nya sa kandungan ko. Dahan dahan kong binunot ang kutsilyo,sumuka sya ng dugo at pakiramdam ko ay mababaliw na ako.
"P-pata-patawarin m-mo ak-ako K-ken-kendall." ani Leila at pumikit na. Iyak na ako ng iyak.
"LEILAAAAA!!" Ang sigaw ko. Biglang bumukas ang pinto na ikinagulat ko.
"Hulihin na yan! Hindi nga nagkamali yung tumawag. Tingnan nyo,hawak pa nya ang kutsilyo." sabi ng isang barangay tanod.
Naguluhan ako,parang biglang gumuho ang mundo ko. Hindi ito totoo,hindi ito nangyayari,panaginip lang ito.
BINABASA MO ANG
Love Above The Law
Narrativa generaleBOYXBOY BROMANCE GAY | Isa kang mabuting mamamayan,may magandang trabaho,may magandang set of friends. At kahit kabilang ka sa 3rd sex ay tanggap ka ng lahat. Paano kung isang araw ay magising ka na isa ka ng suspect sa isang krimen? Paano mo hahara...