I Love You, My Arrogant Cosplayer

8K 83 3
                                    

MHISSY: Ito, siguradong sigurado na ako na mau-update ko ng matino. Bakit? Tapos ko na kasing i-type 'to sa MS Word. In short, complete na siya. XD Balak ko lang siya gawing Short Story, though. 

ALL RIGHTS RESERVED 2014. 

No softcopies will be distributed. 

**PROLOGUE**

                              

“And I hereby announce that these cosplayers will be the Philippine Representatives for the International Cosplay Couples!” Sabi nung nagsasalita sa harapan na kasama sa Hero Organization. Punong puno ng mga taong naka-costume ng anime characters ang kwarto at may mga booths kang makikita dito kaliwa’t kanan.

Ngunit heto po ako, kumakain lang ng chips na nilalamon ko ngayon dito sa loob ng conference room. Well, iba na talaga pag gutom ka, walang hiya-hiya. Pfft.

Nakita ko namang nagsimula ng bumunot ‘yung isang lalaki doon sa may fish bowl na puno ng screen names naming mga cosplayers. Ang naintindihan ko lang naman dun sa sinabi kanina nung emcee ay magiging couples ang mga mabubunot doon, tapos nakahiwalay naman ang girls at boys. Three couples lang daw ang mabubunot kaya alam kong hindi na ako mabubunot.

Harujusko, sa dami namin dito, parang mabubunot ako hindi ba? Kahit na pasok ako sa criteria nila. Bawal kasi sumali yung mga edad 13 pababa. Around 14 to 16 years old lang ang pwede, at kung sine-swerte nga naman ako, 15 years old ako. Hindi ko din alam kung bakit kailangan around 14 to 16 lang. Choosy ‘no? Bwahaha.

Ako nga pala si Jessica Hyoj Fortes, 15 years old, at last, last year lang ako nagsimula mag-cosplay. Trip ko lang talaga mag-cosplay, past time lang kumbaga. At ako din ay matakaw, tunay!

“For the first set of couple, Meika and Akira!”

Waah! Paubos na chips ko! Paano na ‘to? Gutom pa ko eh.

 “For the second set of couple, Aishie and Takeru.”

Gutom pa ako, saan kaya may makakain?

            “And for the last set, Saichi and Naoki! All couples please come up on stage.”

Huhuhu, wala na talaga. Paano na ‘to?

“Well, nandito na si Saichi, Meika, Akira, Takeru, Naoki and... wait, where’s the other one? Aishie, please come up on stage.” Narinig kong sabi nung speaker sa harapan. Natigilan naman ako sa pamomroblema kung saan makakahanap ng pagkain. Aishie? Teka... pangalan ko ‘yun hindi ba?

“Miss Aishie please come up on stage, we repeat. Come up on stage.”

HALA! Ako nga? Weh?!

At kahit na naguguluhan pa din ako, pumunta agad ako  papunta sa stage. Teka, nabunot ako!? For real?!

MHISSY: Filtered. ^__^ I'll really be grateful for your comments. 

(JaDine) I Love You, My Arrogant Cosplayer - (Book 1 -Completed)(Book 2 - Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon