Andrea Dominguez
Monday ngayon. Napangiti ako nung makita ko sa side ng table ko yung picture ng kuya ko si Andrew, si mama at si papa. Surprise ito ni babe ko kahapon.
Thanks to her. Nasa okay na kalagayan naman ang pamilya ko. Di na ako mag-aalala kahit nasa malayo ako sa kanila.
Naglilinis ako ngayon sa kwarto ni sir Ayu. Pinatawag kasi ako kanina at kailangan ko daw ito pakintabin.
"Kailangan makintab na makintab yan. Yung makikita ko ang reflection ng sarili ko." Ewan! Parang pinaparusahan niya ako ngayon! Salamat siya at may utang na loob ako sa kaniya. I gave him my smile. Kaya ko to. Kayang kaya ko to!
"Yun lang po sir?" Tanong ko.
"Ay aba! Di lang yun! Andami ko pang iuutos sayo mamaya kaya tapusin mo yan dyan! Kilos na!" Kung makapag-utos si sir akala mo may regla kaya beast mode na beast mode.
Sinunod ko na lang yung utos niya. Kahit ganon si sir. Sanay na ako! Natapos ko din sa wakas malinis ang kwarto niya.
Challenge lang to Andrea.
"Tsk. Bakit may alikabok pa tong bintana?" Nakatingin si sir sa kamay niyang may alikabok.
Waaaah! Nilinis ko naman yun eh. Nilinis ko nang maayos yun kulang na lang lagyan ko ng 'sign na its clean!
"Ito pa! Ito pa! Bakit madumi to? Linisin mo ng maayos!" Imagine that parang dragon si sir anytime bubuga ng apoy!
Kinuha ko ulit yung basahan at panlinis. Nilinis ko ulit kahit nakakabwisit na! Ewan at naging ganyan yan.
Nasan na yung sir Ayu na kung todo ako landiin? Hindi kaya.. Hindi kaya.
Waaaah! Hindi kaya kay Gina na siya lumalandi? Edi magsama silang dalawa.
Nakakainis! Sinugurado kong malinis na talaga tong bintana niya at ang kwarto niya.Lumabas na ako para ibalik na to sa storage room yung kinuha kong panlinis.
Nakita ko si sir at si Gina. Palangiti si Gina, mabait siya at di mahirap pakisamahan. Masipag at patay na patay sa amo namin. Ewan ko ba kung ano nakita niya kay sir!
Ang sungit sungit naman! Moody! At iba pa.Binalik ko na tong gamit sa storage room at saka pumunta sa banyo. Kailangan kong maglinis ng katawan.
Sho-shower na sana ako ng bigla akong pinatawag ulit ni sir Ayu! Namumuro na talaga sakin yun ah! Andaming ng mga maids dito ako talaga ang trip utusan ng lalaking yun!
"Two minutes late." Sabi ni sir. Ngumiti ako sa kaniya. Pigilan niyo ako! Pigilan niyo akoooooo!
"Sir pinapatawag nyo daw po ako" at nginitian ko siya. Ngiti lang Andrea. Just smile to him.
"Tsk. Linisin mo yung cr." Utos niya. Tumango ako at ngumiti. Kinuha ko yung mga panlinis at pumasok sa malawak niyang banyo!
"Kung buhusan ko kaya siya ng asido? Para tigok na." Bulong ko at binabrush tong toilet bowl niya.
"May sinasabi ka?" Tanong ni sir na nakatayo sa pinto ng banyo niya.
"Wala po sir! Sabi ko ang bango po ng banyo niyo!" Sa tutuusin lang napakalinis ng banyo niya di na nga dapat linisan ko to eh. Malinis naman talaga. Ewan ko kay sir at kailangan ko pa tong linisin eh malinis naman!
"Dalian mo dyan... Dahil maliligo ako" napalingon ako kay sir. Nakita ko siyang ngumiti. Shete de uno! Parang ang init ng atmosphere bigla! Buti na lang nakasurgery mask ako kaya di niya makikita ang mukha ko!
"Pakidalian maid. Ang init." At tinanggal niya yung T-shirt na suot niya! Waaaah help me Lord! Agad kong binalik ang tingin ko sa toilet bowl at agad na tinapos ang paglilinis.
"Ang init maid no?" Tanong ni sir. Oo sir ang init! Ang init niyo po sa mata ko! Bwisit!
"Maid? Maid?" Tawag niya sakin. Wag kang lilingon Andrea! Wag lang lilingon!
"Sir bakit po?" Tanong ko. Naikuwento ko kay babe a.k.a Kim ang lahat ng pinaggagawa ni sir sakin. Yung abs niya, mukha at katawan ni sir naikwento ko na kay kim.
"Do you feel the heat inside here?" Tanong niya.
Hindi sir! Sobrang lamig nga po eh. Pero shete de uno talaga oh!
"Opo sir mainit nga po. Sige sir ligo na po kayo" at aalis na sana ako. Para akong nafreeze sa kinakatayuan ko.
"Swimming tayo sa may pool." Sabi ni sir. Yung swimming pool nila na muntik na akong mamatay.
"Sorry sir" at lumabas ako agad sa kwarto niya. Kainis! Bakit niya ba ako kailangan alukin na maligo sa swimming pool! Samantalang alam niya na muntik na akong mamatay dahil sa pool nila! Dapat kasi pumayag ako dati na turuan akong lumangoy.
Sobrang nagsisi na ako ngayon at di ako marunong lumangoy! Hayst!
Sighed, kailangan ko palang magthank you kay Ma'am Clarisse dahil niligtas niya din ako tulad ng ginawa ni sir sakin.
"Uy tuleleng ka dyan?" Tanong ni Gina at ngumiti kaya ngumiti ako.
"May naisip lang ako" sagot ko at umupo sa kama. Nandito kami sa loob ng maid's room.
"Alam mo ba girl! Sir Ayu asked me yesterday kung San ka daw pumunta" nagulat ako sa sinabi ni Gina.
"What? Ano sinabi mo!?" Curious kong tanong.
"Sabi ko sa Starbucks ka pumunta"
Imposible namang sinundan ako ni sir as if naman. Asa. ASA! Di ako susundan nun sino ba naman ako sa buhay niya? Isa lamang akong hamak na katulong sa mansion nila.
Bumalik na si Gina sa trabaho niya. Siya na ang naglilinis sa swimming pool na dapat ay ako. Diko pa kayang harapin ang swimming pool.. Natatakot ako na baka maulit ang mangyari.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni sir. Gusto ko lang talaga humingi ng favor sa kaniya kung paano ko mapapasalamatan si ma'am Clarisse tutal mukhang close naman sila.
"What?" Bungad ni sir. Shit! Basa pa yung buhok niya at magulo. Tumutulo pa yung buhok niyang basa. At nakahalf naked siya. Shit!
"Sorry sa abala sir. Sir saan ko po pwedeng mameet si Ma'am Clarisse para makapag-Thank you ako sa kaniya ng personal" napaiwas ng tingin si sir. May Mali ba ako sa naitanong ko?
"Tsk. Just wait for awhile magbibihis lang ako" at sinara na nga ulit ni sir yung pinto. Parang sumikip din ang dibdib ko. Parang pilit sinasara ni sir ang puso niya.
Shit! Ang drama ko! Tama na ang panonood ng teledrama! Hayst. Napabuntong hininga na lang ako at bumaba ng second floor.
Pumunta akong kitchen at naghugas ng mga pinggan doon. Nakaleave na kasi yung tagahugas dito kaya sakin muna ang position na to. Tagahugas at katulong!
----
Author's Note:Yung name po ng babe ni Andrea ay Kim.
Yun lamang po! Enjoy reading guys! Wooaaah beast mode ang AYU niyo guys. Hahaha
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Maid
Teen FictionLahat ng girls nahuhulog sa charm ko. Isang ngiti ko lang ay bumibigay sila. Bakit ang isang maid na ito ay di man lang mahulog hulog sakin? Bato ba ang puso nito? Or baka naman TOMBOY siya at di niya type ang katulad ko!? Gwapo at matcho! Shock! A...