Andrea Dominguez Point of View
Di pa din nagloloading sa utak ko ngayon. As in hanggang ngayon I still stage of shock! Pano kasi si sir Ayu at si Gina ay kasama ko. Akalain mo yun? Gusto nilang sumamang dalawa dahil gusto daw nilang magbakasyon samin.
"Totoo ba to Gina? Kasama ko talaga kayong dalawa?" Nandito kami sa pier at hinihintay yung departure namin.
Kinurot ako ni Gina sa tagiliran kaya napa-aww ako sa sakit.
"Totoo to girl! Nandito talaga kaming dalawa ni sir Ayu!" Napatingin ako kay sir Ayu. Wala siyang imik. Malayo ang tingin at tila wala sa sarili. Tinapik siya ni Gina. Close ba sila ni Gina?
"Akala ko kasi nanaginip ako" mahina kong sabi.
"Tsk." React ni Ayu sa tabi ni Gina. Ganito kasi position naming nakaupo. Ako-Gina-Ayu so gitna namin si Gina.
"Girl maganda ba sa lugar niyo?" Tanong ni Gina. Wala nga pala siya kaide-ideya about sa lugar namin.
"Oo! Maganda doon may water falls. May mga puno, niyog, mangga, ibon, ilog, bundok, fresh air, at iba pa." Excited kong diniscribe ang lugar namin. Napangiti na lang ako dahil sobrang miss ko na talaga ang lugar namin.
"Girl wala bang aswang dun?" Tanong ni Gina. Tinapik ko ang braso ni Gina ng mahina.
"Ano ka ba wala yun di yun Totoo Alam mo Gina kung ano ang aswang? Yung mga taong nanakit." Aswang yung ex ko.
Napalingon si sir Ayu sakin."Hugot girl ah! Anlalim pa sa ocean!" Napatawa kami ni Gina.
Basta ang alam ko kung bakit sila sumamang dalawa ay dahil gusto nilang magbakasyon at maexperience ang buhay ko dun sa Mindanao.
Napatingin ako kay sir. Tiyak na magrereklamo ito kapag dumating na kami doon sa Mindanao. Ibang iba kasi ang buhay niya dito sa Manila kesa sa Mindanao.
Nabuo ng katahimikan saming tatlo. Kahit ako di na umimik dahil wala naman akong sasabihin. Si Gina busy sa phone niya. Si Sir naman nakaearphone kaya malamang di niya naririnig ang maingay na mundo niya.
Sumakay na kami sa barko. Aabutin ng tatlong araw bago kami makapunta sa Dipolog.
Magkahiwalay ang room at number ng bed naming tatlo.
Nung mahanap ko na yung number ko ay nilapag ko na yung dala kong 2 Big Bag. Oo dalawa lang talaga dahil pinagkasya ko sa dalawang bag na yan ang lahat lahat.Napahiga ako sa malambot na kami. Air conditioner pala ang barkong to.
Mamaya ko na lang hahanapin si sir Ayu at Gina. Basta ako magpapahinga muna.I secured my thing. Baka kasi di ko mamalayang nawawala na ito.
I close my eyes. Dinadama ang pag-uga-uga ng barko.Pagkatapos magpray nung nagsasalita sa speaker. Umandar na ang barko. Tatlo lang ang dadaan ng barkong to. Diko alam ang isa pero ang dalawang distination ay alam ko. Dipolog at Zamboanga.
"Uy! Andrea? Tara!" May tumapik sa braso ko kaya I open my eyes. I saw Gina smiling.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa baba! Kain muna tayo." At nakita ko si sir sa likod ni Gina.
"Sige sige!" Kumakalam na din ang tiyan ko buti na lang may free foods tong ticket namin.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Maid
Teen FictionLahat ng girls nahuhulog sa charm ko. Isang ngiti ko lang ay bumibigay sila. Bakit ang isang maid na ito ay di man lang mahulog hulog sakin? Bato ba ang puso nito? Or baka naman TOMBOY siya at di niya type ang katulad ko!? Gwapo at matcho! Shock! A...