(2 years later)
Andrea's Point of View
"Mommy.." siya si Angel. Ang baby namin ni Ayu.
Isang taon na siya. Namimiss ko tuloy si Baby Bianca. Naalala ko nun mommy yung lagi niyang binabanggit. Ganon si Baby Angel. Mommy din ang laging sinasabi."Baby Angel. Gusto mong bumisita tayo kay Daddy mo?" Tanong ko dun sa bata.
Tumango naman ito.Kinarga ko na si Baby Angel. Then we walk outside. Agad kong nakita si Nathan na nakasandal sa kotse.
"Where are you going? Two beautiful ladies." Sabi ni Nathan.
Humalik si Nathan kay Baby Angel."Kay Ayu." Sagot ko at ngumiti.
2 years na ang nakakaraan pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Oh kay Daddy Ayu. Hatid ko na kayo?" Alok ni Nate. I smiled to him before I nod.
Pumasok kami sa kotse ni Nate at kugos kugos ko ngayon si Baby Angel. Naalala ko nung araw na nagtatalo kami kung kanino magmamana si Baby Angel. Mas malakas talaga yung genes ni Ayu! Kamukha niya daw yung bata. Haha Girlish version daw ni Ayu si Baby Angel.
Pero yung mata. Sakin daw ang mata. Edi nagdiwang ako atleast may namana sakin yung baby ko! Yung my beautiful eyes.
"After past few years. Everything's will be alright now" sabi ni Nate.
"Oo" pagsang ayon ko sa kaniya.
"Mommy." Sabi ni baby Angel.
"Why baby?" I asked.
"Mommy" at tinuro niya yung bidbiron kaya ibinigay ko naman ito sa kaniya. Minsan breast feeding ang ginagawa ko sa kaniya mas masustansiya kasi yun. Pero nung nag-one year old na siya. Nagbidbiron na.
"Miss na miss mo na talaga si Ayu no?" Tanong ni Nate.
Nate is always there for me. Sabi ko naman sa kaniya na humanap na siya ng babaeng mamahalin niya at liligawan."Sobra."
Dahil super miss ko na si Ayu.
Ipinark na ni Nate yung sasakyan. Heto na makikita ko na ulit siya.
"Ayu" I whispered.
"Uy! Nandito din kayo?!" Napalingon ako dun sa sumigaw. Si Ark at Maica.
"Namiss ko tong pinsan kong baby hahaha. Maica kailan kaya tayo magkababy ano?" Pilyong tanong ni Ark. Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Si Maica naman namula ang mukha.
"Bukas gusto mo?" Sarcasm na sagot ni Maica pero sobrang pula na ng mukha.
"Ngayon na?" Pilyo talaga tong si Ark.
"Bakit kayo nandito?" I asked them.
"Pupuntahan namin yung pinsan kong gwapong gwapo sa sarili." Sabi ni Ark.
"Mas gwapo naman talaga sayo si Ayu" sabi ko.
"Hahaha Mas gwapo si Ark para sakin" si Maica yan.
"Haha mas gwapo ako!" Si Nate yan. Bigla kaming napatahimik. Okay balik topic na tayo.
"Kami din pupuntahan siya. Sabay na tayo?" Alok ko sa kanila.
"Sige. Hi baby Angel! Do you know why Angel is your name? Hulog ka kasi ng langit sa lahat." Madamdaming sabi ni Ark. Heto na naman siya. Mas okay na yan dahil may sense naman ang sinasabi niya sa bata.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Maid
Teen FictionLahat ng girls nahuhulog sa charm ko. Isang ngiti ko lang ay bumibigay sila. Bakit ang isang maid na ito ay di man lang mahulog hulog sakin? Bato ba ang puso nito? Or baka naman TOMBOY siya at di niya type ang katulad ko!? Gwapo at matcho! Shock! A...