Gina's Point of View.
Kung may babe na pala si Andrea? Paano na si sir Ayu?
"Okay ka lang ba hija?" Napatigil ako sa paghihiwa ng sibuyas dahil napapaiyak na ako. Ako na ang mauunang umiyak para kay sir Ayu sa oras na malaman niyang may karelasyon na pala si Andrea.
"Opo Nanay Analyn okay na okay lang po ako." At pinagpatuloy ang paghihiwa ng sibuyas.
Bakit kasi si Andrea pa? Bakit di na lang ako? Ready na ready naman akong ibigay ang lahat kay sir kahit ang perlas ng silangan pa yan. Pero di ko yun magagawa kung di naman ako mahal niya.
Nagluto na lang kami ng chicken Adobo nilagyan ko to ng pineapple chunks para may tamis at saktong alat lang. Pansosyal ganito kasi inihahanda namin sa mansion nila sir.
Inaamin ko nagseselos ako dahil pangalawang beses na nagkiss ni sir Ayu si Andrea. Kung ako kaya ang malunod sino naman sasagip sakin? Malamang wala.
"Wow amoy pa lang busog na ako." Nakangiting saad ni Andrew na parang mushroom dahil biglang susulpot na lang bigla.
"Ay kalabaw!" React ko na muntik pa akong bumagsak dahil naout of balance ako sa pagtayo.
"Sorry kung nagulat ka." Sinalo lamang ako ni Andrew kaya di ako natuluyang bumagsak sa sahig.
"O-Okay lang yun" God naman bakit ganito? Kinikilig ako! Pero loyal ako kay sir Ayu po!
Tinayo nya ako ng maayos.
"Salamat ha?"
"Walang anuman basta ikaw." Sabi ni Andrew at tinulungan akong maghanda ng mga plato sa mesa. Di naman mahirap gawin ang gawaing bahay dahil isa akong maid kaya alam ko ang mga gagawin.
---
Ayu's Point of View.Ilang araw na ding lumipas ng magbakasyon kami dito sa probinsya ni Andrea. Siguro two weeks na kami dito ni Gina. 14 days with the families of maid.
60 Minus 14 Equal 46. 46 days na lang ang meron kami dito kung isang araw nga marami nang nangyayari how about 46 days pa kaya?
"Sir? Baka gusto niyong kumurap no?" Tsk. Si Gina lang pala.
"Ikaw sir ha. Nakatitig ka sa kaniya wagas! Parang walang bukas!" Panunukso sakin ni Gina.
Iniwas kong tingnan si Andrea dahil inaasar ako ng babaeng to.
"Bakit di mo lapitan at tulungan sir?" Nandito kami sa napu nila Andrea, magcocopras kasi sila. Yan ang sikat sa Mindanao copras at uling.
Nagtatapok kasi si Andrea ng mga niyog o lubi sa bisaya.
"T-tulungan na kita." Alok ko sa kaniya at tumulong nga sa pagtapok.
"Sir di niyo na dapat gawin to eh. Alam ko naman pong di ka sanay sa mga ganitong bagay." Sabi ni Maid bago nagpakawala ng malalim na hininga.
Is she concern about me? Why i'm smiling?
"Sige sir maiwan ko na kayo" tumalikod nga si Andrea. I don't know why i'm smiling while she walk away from me.
Mukha akong tangang nakangiti dito kaya naman tinapos ko na ang pagtapok ng lubi o niyog.
"Hijo pahinga muna!" Sigaw ni Tatay Drei at lumapit ako sa kanila. Tumatagaktak na ang pawis ko sa katawan.
Bwisit. Ang init.
"Panyo sir?" Sabay abot ni Andrea ng panyong hawak niya. Di na ako nagpatumpiktumpik pa at kinuha ko ito.
"Fresh buko juice! Sino may gusto?" Sigaw ni Gina na may dalang buko juice at katabi niya si Andrew na umiinom ng buko juice.
Two weeks na kaming nandito at ganyan sila ka-close. Napapaisip nga ako baka 'sila' na at tinatago lang nila samin yun. Anyways i don't care about it.
"Ako hija." Sabi ni nanay Analyn. Binigyan nga siya ng fresh buko juice ni Gina at gayundin kaming lahat, binigyan kami tig-iisang baso ng buko juice. Tsk. Nandito ngayon si Nervin yung pesteng pinsan ni Andrea siya ang may kasalanan kaya nalunod si Andrea sa may water fall.
"Ang sarap talaga ng buko juice insan no?" Dinig kong sabi ni Nervin kay Andrea at lumapit ito sa kaniya.
"Ikaw talaga insan haha hihingi ka lang ulit eh. Ito na." At nilagyan ni Andrea ang basong hawak ni Nervin.
Nakatingin ako sa basong hawak ko. Parang i want more buko juice. Pero i don't want to stand and go there.
Masayang nag-uusap si Gina at Andrew. Sila ding Andrea at Nervin. Sila tatay Drei at Nanay Analyn.
I'm all alone? I know.
But i was wrong.
"Hijo juice pa? Gina hija dagdagan mo yung Juice ni Ayu" sabi ni nanay Analyn.
"Itooo naaaa" at lumapit nga si Gina na may dalang baso ng buko juice. Ngumiti lang ako for show my thank you.
"Hijo musta ang mama at papa mo?" Tanong ni tatay Drei. I was shocked when i heard that from him.
"Matagal na po silang hiwalay." In my sad tone.
"Sorry hijo kung natanong ko man yan." Paghingi ni tatay Drei ng paumanhin sakin.
"Okay lang po yun..."
"Pwede mo kaming maging tatay at nanay hijo para ka din naming anak kahit two weeks pa lang kayo ni Gina dito." Sabi ni Nanay Analyn na labis ko talagang ikinagulat.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Maid
Teen FictionLahat ng girls nahuhulog sa charm ko. Isang ngiti ko lang ay bumibigay sila. Bakit ang isang maid na ito ay di man lang mahulog hulog sakin? Bato ba ang puso nito? Or baka naman TOMBOY siya at di niya type ang katulad ko!? Gwapo at matcho! Shock! A...