Chapter 1: A Storm Coming (Isang Paparating na Bagyo)

16.7K 322 104
                                    

"Where justice is denied, where poverty is enforced, where ignorance prevails, and where any one is made to feel that society is an organized conspiracy to oppress, rob and degrade them, neither persons nor property will be safe."

-Frederick Douglass


"Checking..checking...okay, the record is on. Uhmm...Good evening. My name is Dr. Welder Freuch. I'm recording this video for the documentation of the first special experiment on memory gene. Dated August 11, 2202...and anyone who is watching this, you will be seeing some of the procedures and facts that this hard drive is not really harmful to our brain once it is installed in the cortex and cerebellum. I call this memory gene b-because it can store limitless memories from...from a brain. The device can be removed once the patient's body is old enough and if it is ready to be destroyed or if the person who possesses it is ready to be transferred to another body."

Isang video ang pinapanood ni Helena sa isang malaking hologram computer. Madilim ang kwarto kung saan siya naroroon. Tanging ilaw lamang ng hologram screen at ng chandelier ang nagpapailaw sa lugar kung saan makikita ang tila isang magarbong kwartong napapalibutan ng mga mamahaling muwebles. Nakaupo lamang ang dalaga sa isang office chair at seryosong pinapanood ang isang video. Tila napapakunot-noo siya.

Nakasuot ang dalaga ng isang pulang dress. May kaiklian ang palda nito at halos manipis na strap lamang ang nakatali sa likuran ng kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib. Nakatali ang kanyang buhok nang maayos at animo'y kinakapitan pa ng isang ipit na may kagandahan ang disenyo.

Inuusisa niya ang isang video ni Dr. Welder Freuch, ang creator ng memory gene. Sa video ay makikitang aligaga ang doktor sa kanyang ginagawa. Nakaputing lab gown ito at mayroong kakaunting balbas sa kanyang baba. May suot din siyang salamin sa kanyang mga mata. Nasa loob siya ng isang laboratoryo na napaliligiran ng mga puting ilaw at ilang mga kagamitan. Kinakapitan niya ang camerang gamit habang hinahanda ang ilang mga kagamitan upang gamitin sa kanyang eksperimento. Makikita rin ang bitbit niyang chart kung saan nakasulat ang mga katagang "EXPERIMENTAL PROCEDURES." Makikita ang iilang memory gene na nakalapag sa isang mesa ng kanyang laboratoryo. Iisa ang disenyo ng mga ito. Ito ang normal na disenyo ng memory gene---- isang pabilog na hard drive na kulay silver ang aparatong iyon na mayroong specs na makikita sa kaliwa at kanang bahagi.

"Well uhmm...this device that I call memory gene is what I should say, the invention that will prolong the existence of humanity..."

Napakunot-noo naman lalo ang dalaga nang marinig ang sinabi ng doktor.

"It is a device that could store memories from childhood to the present and uhmm..." wika ng doktor habang hawak ang isang memory gene sa kanyang kaliwang kamay.

"If we put this thing to another brain, it could erase the whole memory of that body and replace them with the memories from this device. That way a person who has it can live longer with a different body but with the same thoughts, feelings, convictions and beliefs...This device I think is the innovation, a new way of living for humanity."

Napapikit naman si Helena matapos iyon marinig. Umiling-iling at hinawakan ang kanyang ulo na animo'y nadidismaya sa mga naririnig.

"Uhmm...yes it is true that this memory gene is only effective if there is one individual who is willing to donate his or her body to be used by a person who has a memory gene but I should say that this procedure is harmless on that person. Sadly, the donated body's memories will be erased and the brain will be in a state of coma."

Napatayo naman ang dalaga sa kanyang kinauupuan. Tila hindi na niya gusto pang makita ang gagawin ng doktor. Saglit siyang tumingin sa kanyang bintana kung saan makikita ang napakaraming ilaw at mga tao na nasa labas ng gusaling iyon. Animo'y isang pagtitipon ang nagaganap ngunit mas pinili ng dalaga na mapag-isa at panoorin ang video na ipinasa sa kanya ni General Linford.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon