Chapter 17: And So It Begins (At Iyon Na Ang Simula)

5.6K 153 153
                                    

"Alice, you cannot live your life to please others. The choice must be yours, because when you step out to face that creature, you will step out alone."

-White Queen, Alice in Wonderland


"..unreasonable it may seem but this world needs one ruler to end this war..."

"This could not be happening...we set ourselves to be devoured by our own fire! How can we douse this flame of hate?"

"...hindi sa lahat ng bagay ay nasa gobyerno ang sagot! Dapat na tayong kumilos, mga kasama! Kung gulo ang hinihingi ng ibang bansa, ibibigay natin 'yon!"

"...kapag nagsimula na ang gulong 'to. Saan tayo magtatago? Saan tayo pupunta? Wala namang ginagawa ang gobyerno natin!"

"...sudden attacks of the troops of State of North Korea to the borders of Europe had spread. The European Union declared a state of war to protect what is left in the borders of Turkey. It was estimated that more than 1000 people died in the bombings..."

"...while the United States of America had prepared their forces in case of any attacks from other countries..."

"Allied forces are starting to break because of the MCM Program which is the root of all these unbearable events..."

"CATASTROPHE! THIS IS WHAT MEMO HAS DONE TO US!"

"...patuloy pa rin ang pag-ulan ng makakapal na niyebe sa buong bansa. Dahil na rin ito sa pag-hack umano ng ilang miyembro ng The Blood of One sa H.A.A.R.P. Main Facility sa Seattle. Patuloy din ang pagbantay ng puwersa ng Amerika sa mga karatig-siyudad nito at maging sa karagatang pasipiko..."

"...well look at this? How would you picture this...this is not a world where peace reigns. This is a disaster. What we can see here, is we stand in the middle of another nuclear attack. This...this is war."

"...pinuna naman ng European Prime Minister na si James Wellington ang hindi pagtulong ng ating gobyerno sa Europa. Idineklara ng European Union ang Pilipinas bilang mga rebelde sa bansang nagtatag at muling nagbangon dito..."

"...kung may kaya man kayong gawin...ikilos niyo na...lalo na sa ating pinuno na si Helena. Kumilos ka na! Marami pa ang masasawi sa giyerang ito."

"Helena! Nasaan ka na? Nasaan na ang lakas mo? 'Wag kang magtago diyan sa malaking palasyo mo!"

"...this...is World War 4....there is no other reason. That program needs to be destroyed, before this world...ends..."

*****

Nakatulala lamang si Edward habang naririnig ang iba't ibang boses sa kanyang ulo. Tila nanlaki rin ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kisame at sa ilaw ng kwarto kung saan siya nakahiga.

Naglalaro na lamang ang iba't ibang imaheng kanyang nakikita. Katas ng dugo, putok ng baril, hampas ng mga electric rod ng mga pulis at militar na nakauniporme at naka-helmet ng itim, pagsabog, at gulo. Iyon ang kanyang nakikita. Pinagpapawisan siya nang malamig at animo'y nangangatal ang kanyang bibig habang nilulukot ang kumot na nakapatong sa kanyang katawan.

"E-Edward?"

Mag-isang bumukas ang bakal na pinto ng kwartong iyon at doon ay pumasok si Layla na may dalang malinis na pamunas. Agad siyang nagtungo sa lababong nasa gilid ng kwartong iyon. Sa harapan ng lababo ay isang malinis na salamin. Makikita pa ang repleksyon ni Layla habang binabasa ang puting pamunas. Tila nagmamadali siya at pinindot ang gilid ng salamin.

Bumukas naman patagilid ang salamin at doon ay makikita ang ilang gamut. Kumuha siya nang kaunti at saka dumiretso sa nagdedeliryong binata. Muli namang sumara nang mag-isa ang salamin nang makalayo na si Layla.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon