Special Chapter: The Unending Innovation (Ang Walang Hanggang Pagbabago)

6.3K 147 40
                                    

"No amount of skillful invention can replace the essential element of imagination."

-Edward Hopper


Posible ba ang hover car sa hinaharap?Marami ang nagtanong na sa akin nito. Hayaan niyong ipaliwanag ko.


Ang Magnetic Levitation o mas kilala bilang maglev ay ang paraan ng pagpapalutang sa isang bagay gamit ang magnetic force o magnetic energy. Maaari nitong masalungat ang gravitational force ng mundo dahil mismo ang ating mundo ay gumagamit ng magnetic field upang magkaroon ng gravity.


Kung mapapansin natin, mayroong dalawang pole ang magnet. Ang south at ang north pole. Nagdidikit ang magkaibang pole na south at north. Ito rin ang basehan sa paggamit ng compass. Kung mapapansin niyo ang north ay nakatapat lamang sa north at ang south ay nakatapat lamang sa south. Ang bawat compass kasi ay ginagamitan din ng magnet. Ang pulang point ng compass (north pole) ay pinapatagal muna sa north pole ng magnet upang magamit ito nang maayos.


Kung ang south at north pole lamang ang nagdidikit, paano kung ang parehong north pole angpinagdikit? Naglalayo ang mga ito. Kung naglalaro kayo noon ng magnet mapapansin ninyo ito. Ang likod na parte ng magnet kapag ihinarap ay naglalayo. Ito ay sa kadahilanang pareho ang mga pole nito.


Ngayon, kung gagamitin ang magnetic force na ito sa mga kotse at sa mga daan, posible bangmapalutang ang mga kotseng ito? Ito ang kasagutan.


Noong 1907 unang binigyan ng kahulugan ang salitang maglev sa pamamagitan ni Alfred Zehden. Isang German inventor na nag-isip ng teorya na maaaring mapabilis ang transportasyon sa pamamagitan ng magnetic levitation. Ilan pang imbentor ang nagsabing maaari itong gawin sa mga tren sapagkat mas madaling mapapadaloy sa mga riles ng tren ang magnetic force sa pamamagitan ng kuryente. Sila ay sina F.S. Smith at Hermann Kemper.Marami na ang naging kontribusyon ng mga nasabing imbentor upang gawing posible ang maglev.


Noong 1940s, si Eric Laiithwaite na isang electrical engineer at propesor sa Imperial College London ay gumawa ng isang model ng linear induction motor. Isa itong motor na pinapatakbo ngunit hindi kailangan ng malaking konsumo ng enerhiya dahil tanging ang ginagawa lamang ng motor na ito ay ihiwalay ang aparato mismo sa isang rail ng magnet upang mapalutang ito. Gumawa siya ng isang proyektong tinatawag na "Tracked Hovercraft."Sa kasamaang palad, hindi niya naituloy ang proyekto dahil sa hindi sapat na suporta mula sa gobyerno at tuluyang nagsara ang kanilang proyekto noong 1970s.Pinagpatuloy naman ni Lathwaite ang naturang proyekto at tinawag itong MAGLEV Train noong 1984.


Isang railway station ang kanyang binuo sa pagitan ng Birmingham International Airport at Birmingham International Rail Station sa Britain upang ipakitang posible nga ang naturang teknolohiya. Ang riles ng tren na ito ay humahaba ng 600 meters at ang tren ay tumatakbo lamang ng 42 kilometers per hour na walang gamit na gulong sa riles nito. Nakalutang lamang ang buong bagon ng tren sa riles. Kahit na naging matagumpay ang proyekto, nagsara pa rin ito dahil sa ilang problema hinggil sa pagbibigay ng sapat na kuryente para sa tren.


Ang pinakaunang maglev train naman na ginamit para sa publiko ay ang Transrapid 05. Sa taong 1975, isang riles ng tren sa Hamburg ang binuksan sa pinakaunang International Transportation Exhibition.Nagkaroon ito ng halos 50,000 na pasahero nang araw na iyon at sinabing naging matagumpay ang proyekto. Nagustuhan din ito ng mga pasahero ng naturang tren dahil 'di gaya sa mga tren na gumagamit ng gulong, mas tahimik ito at mas smooth kung tawagin ang byahe dahil hindi matagtag.


Sa kasalukuyan, ang mga maglev train ay patuloy na ginagamit sa ilang mga bansa sa Europe, America, China at Japan at patuloy pa rin itong dinedevelop. Sinasabi ring patuloy pa ang development ng Chuo Shinkansen maglev bullet train sa Japan upang gamitan ng mas epektibo pang magnetic force at lalo pang mapabilis ang kanilang tren na umaabot sa 310 kilometers per hour. Ang isang maglev train kasi ay maaaring tumakbo sa bilis na 581 kilometers per hour o higit pa. Sa kasalukuyan, ang Chou Shinkansen bullet train pa rin ang pinakamabilis na tren sa buong mundo na gumagamit ng magnetic levitation.


Posible kayang magamit ang maglev sa mga ordinaryong sasakyan at tawaging hover car o hover craft?


Sa mga nasaad na ilang artikulo na iyong nabasa, sa tingin ko ay pwede.Kung ang isang daan ay lalapatan ng magnetic field na gumagamit ng north pole at ang isang sasakyan ay palitan ang mga gulong na mayroong magnet na north pole din ay possible ito. Hindi na ito isang teorya dahil nagagamit na ito ng iba't ibang mga bansa. Ang kaso nga lang ay sa tren nila ang ginamit upang mapabilis.


Ang tanging problema lang sa proyekto ng pagpapalutang sa mga sasakyan ay ang pagiging magastosnito. Kung ang kalsada ng buong ka-Maynilaan ay lalapatan ng magnetic field, siguradong bilyon ang magagastos para sa proyektong ito.Ang iba't ibang car companies at automotives din ay siguradong gagastos nang malaki upang palagyan ng Linear Induction Motor ang bawat modelo ng kanilang sasakyan. Maaari nitong palakasin ang magnetic force gamit ang kuryente. Pero tingin ko ay malaki ang maiaambag ng maglev technology sa buong mundo. Bukod sa mamemenos na sa pagpapalit ng gulong ang mga sasakyan. Bibilis din ang daloy ng trapiko sa bawat kalye dahil mabilis ang takbo nito.Isa pang magiging problema ng magnetic field sa kalsada ay ang pag-absorb ng mga bakal sa paligid nito.


Naisip ko na rin ito noon. Kapag gumamit ka ng mahinang magnetic energy upang paglapatan ng mga hover car, ang kailangan na lang gawin ng mga car companies ay palakasin ang electrical magnetic force ng bawat kotse. Sa ganoong paraan ay lulutang pa rin ito at hindi makakapag-absorb ng anumang bakal ang mga kalsada dahil sa totoo lang, present naman talaga ang magnetic field sa ating kinatatayuan. Kailangan lang natin itong ilapat nang mas pino sa mga kalsada upang posibleng mapalutang ang mga kotse.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon