Author's Note

6.1K 276 278
                                    

May 30, 2014 - 12:26 AM

Kumusta? Pasensiya na kung ngayon ko lang naisulat ang Author's Note. Aaminin ko, naging busy talaga ako. Pero heto ako ngayon para iparating ang aking mensahe.

Kanina nag-book launch ako sa school namin. Inatake ako...sa puso. Low potassium. Dinala ako sa clinic pero sa ngayon okay na naman ako. Walang dapat ipag-alala, siguro kailangan ko lang magpa-check up talaga. Pero 'wag kayong mag-alala. Maayos na ako.

Kumusta kayo? Alam ko na maraming nabitin sa inyo sa naging ending ng librong ito.Hindi ko rin ine-expect ang ilang mangyayari sa kwento. Madalas talaga akong sinusurpresa ng utak ko. Isang bagay lang talaga ang inasahan kong mangyayari simula pa lang, ang muling pagkabuhay ni Johan. Ang lahat ay planado simula pa lamang sa unang libro mula sa pakikipag-usap niya kay Subject 1 at sa iba pa. Ang lahat ay umayon sa kanyang plano. Marami ang umasa na magkakaroon talaga ng pangalawang sequel matapos ang book 1 dahil nag-iwan ako ng butas doon. Sa totoo lang marami akong iniwang butas na sana ay nabigyan naman ng kasagutan pagdating sa book 2. Inakala ko noon na wala nang magbabasa nito pero nagulat ako at marami-rami pa rin pala. Kadalasan kasi nang mga sequel sa wattpad ay hindi na napapansin. Pero natutuwa ako at sinundan niyo pa rin ang pagkahaba-habang kwento na ito na puro kalikutan ng isip.

Gaya nga ng sabi ng isa sa mga reader ko, naging tulay lamang ang book 2 para sa mas malaki pang mga pangyayari. Natutuwa ako lagi sa tuwing nakikihalubilo kayo sa mga comments at patuloy na nanghuhula sa mga mangyayari sa mga susunod na mga chapters. Sa totoo lang ay sinasadya ko talaga kayong bitinin. Iyon kasi ang paraan para makausap ko kayo at malaman kung ano ang pananaw ninyo sa kwento.

Ang kwento ng book 2, sumasalamin pa rin ba ito sa katotohanan? Paano nagsisimula ang isang malaking gulo? Ang book 1 ay masasabi kong in medias res ng kabuuan ng kwento. Nagsimula ito sa gitna ng lahat ng pangyayari. Ang book 2 ay nagsisilbing simula ng lahat ngunit nagawan ng kwento na humanap ng paraan para ibalik sa pinag-ugatan ng lahat ng gulo. Naibalik man ang kaayusan ay muli namang sumiklab ang bagong gyera at ang pagkakahati-hati ng sangkatauhan. Marami ang naintriga at humanga sa ginawa ni Johan. Napakatalino niyang talaga. Minsan nga naisip ko sana kasing talino ko siya, pero ako ang gumawa sa kanya. Ngunit kahit anong mangyari ay mas matalino pa rin talaga si Johan kaysa sa akin. Walang duda roon.

Sa aking mga readers. Walang duda, sinala ng book 2 ang mga tunay na sumubaybay sa kwentong ito. Muli ay gusto kong magpasalamat sa inyong lahat.Gusto ko sanang makamayan kayong lahat bilang pasasalamat. Ang unang serye ng libro ay naging matagumpay. Napublish nga ang libro pero sa totoo lang, hindi ako deserving para sa karangalang ito. Marami ang kumukwestyon kung bakit daw ang konti ng reads ng Philippines: Year 2300 pero napublish agad, isa lang naman ang sinasabi ko sa kanila. Basahin nila yung libro para malaman nila.

Wala namang problema pagdating sa mga reads kung ako ang tatanungin, maraming mga kwento sa wattpad na deserving na mapublish pero kakaunti lang ang nagbabasa. Hindi basehan ang dami ng reads pagdating sa pagpupublish ng libro para sa akin. Pero kung ganoon ang basehan, hindi ako deserving. Dahil sa totoo lang, kayo ang deserving dahil kayo ang nagbasa ng kwentong ito. Wala marahil ang kwentong ito sa wattpad kung hindi dahil sa inyo. Nais kong ialay ang obra sa iyo kaibigan. Nais ko sanang makita ang libro ko sa inyong mga kamay habang tayo'y nagkukwentuhan. Ngayon ay alam ko na talaga kung sino ang mga tunay na sumusubaybay.

Gusto ko kayong pasalamatan mga kaibigan dahil sa hinaba-haba ng kwentong ito, pinili nyo pa rin itong sundan. Maraming salamat. Patuloy pa rin kayong makipagkwentuhan at mag-iwan ng mensahe sa comment box ng mga chapter, siguradong hindi kayo mabibigo.

Kaunting pihit na lang din ay sisimulan ko na ang book 3 ng trilogy. Ang Philippines: Year 2303 – A Game of War.

Gusto ko ring sabihin sa inyo na available na ang part 1 ng book 1 sa Precious Pages Corner sa ilang malls na malapit sa inyo, magiging available na rin ito sa National Bookstores. Malapit na. Basta't tumutok lang kayo sa facebook ko at sa group para sa iba pang balita. Maraming-maraming salamat ulit mga kaibigan.

EMPriel, ang inyong lingkod.

SOON: Philippines Year 2303 - A Game of War.

PS: Lubhang bumaba ang ranking ng aking mga kwento sa sci-fi. Hindi ako nalulungkot. Nagiging masaya pa nga ako dahil ang karamihan sa mga kwentong nasa itaas na ay dahil sa ispirasyon. Natutuwa ako at ako ang ginawa nilang ispirasyon sa paglikha ng sarili nilang mga kwento. :-)

Kahit minsan, oo nalulungkot ako. Maaaring hindi na makilala ang susunod kong mga gawa dahil doon. Pero nagsusulat lamang ako dahil mayroon pa rin akong ipinaglalaban. Hindi ako sumusulat para sa kasikatan.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon