Chapter 21: The Rise of the Ruined King (Ang Pagbangon ng Nasirang Hari)

5.9K 184 174
                                    

"Every parting gives a foretaste of death, every reunion a hint of resurrection."

-Arthur Schopenhauer


Nakahiga lamang ang ulo ni Helena sa kamang hinihigaan ni Maria. Paulit-ulit ang pagtunog ng heart rate monitor sa gilid nito. Mahina nga lamang ang tunog nito ngunit iyon lamang ang maririnig sa buong kwarto. Nakasuot si Maria ng puting damit at nakasabit naman sa bakal na braces ang kanyang mga kamay, maging ang kanyang kaliwang paa. Animo'y nakataas ito upang hindi magalaw. Nababalutan din ito ng makapal na benda at tila sinemento rin ito dahil sa mga bali sa iba't ibang parte. Natatakpan naman ang bibig ng dalaga ng isang oxygen mask na nakakabit sa mga maliliit na tubo patungo sa gilid ng pader kung saan automatic itong nagsu-supply ng oxygen. Bumukas naman ang pintuan at naalimpungatan naman si Helena.

"P-propesor?" wika niya nang makita ang propesor na pumasok. May bahid ng kalungkutan ang kanyang mga mata habang naglalakad nang mabagal patungo sa dalaga.

"Alam kong nakaistorbo ako pero..." wika ng propesor.

Inabot niya ang isang hologram tablet at nakita ang mga pangyayari sa Bulacan mula sa balita sa isang local channel. Kinuha iyon ni Helena. Isang abandonadong gusali ang gumuguho at isang heli ship ang nakita nilang umaalis palayo sa lugar na iyon.

"A-ang flag ng European Union? Bakit sila nandito?" tanong ng dalaga.

"Inatake ng European Union ang kampo nina Edward. Naputol na ang linya matapos nilang tumawag kanina. Hindi ko naman mahagilap si Albert. Siguro sinisisi pa rin niya ang sarili niya dahil sa nangyari."

Napatingin naman ang propesor sa natutulog na si Maria. Napayuko naman si Helena matapos mabanggit ang tungkol sa pangyayari.

"Hindi niya naman kasalanan iyon, Propesor. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi naman dahil sa akin ay hindi niya ipag-uutos ang pag-atake," wika ni Helena.

"A-alam mo na rin pala kung gayon," sambit ng propesor.

"Nasaan sina Edward ngayon?" tanong naman ng dalaga. Bumukas naman ang automatic na pinto ng kwarto at pumasok ang dalawang sundalo ng New Order.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa lobby. Si Edward po at ang Subject 2," wika naman ng sundalong naka-cammo. Nagtinginan naman ang propesor at si Helena at pagkatapos nito ay naglakad nang muli ang propesor para lumabas. Hinawakan naman ni Helena ang kamay ni Maria. Tumayo siya at hinalikan sa noo ang kaibigan at saka naglakad palayo.

*****

Mula sa lobby ng Malakanyang ay pinagkaguluhan ng mga staff ang dalawang tinutukoy ng mga sundalo ng New Order. Madudungis ang mga ito at kitang-kita pa rin ang takot sa mga mata ni Layla. Panay naman ang kaway ni Edward sa mga taong iyon na patuloy pa ring nakapalibot sa kanila. Kapansin-pansin ang mga sundalo ng kanilang pwersa na nasa labas ng lobby na iyon na tila pagod na pagod. Inaakay na lamang ng mga sundalo ng New Order ang ilan sa mga sugatan.

"Anong ginagawa niyo? Kumuha kayo ng makakain, asikasuhin niyo ang mga sugatan. Bilis!" bulyaw naman ni Helena nang makarating sa lobby kasama ang dalawa pang sundalo at ang propesor.

Agad namang nagpulasan ang mga tao sa paligid at kumilos. Napawi naman ang ngiti ni Edward nang makita si Helena.

"Nabalitaan ko ang nangyari," wika ng dalaga.

"Akala ko nga reresponde kayo eh," wika naman ni Edward habang nakasimangot. Naningkit naman ang mga mata ni Helena at tila namuo ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Edward, tama na. Hindi ito ang oras para magsisihan," awat naman ni Layla. Namangha naman ang propesor nang makita ang Subject 2. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya at inabot ang kanyang kamay.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon