Chapter 12: Doubt and Misery (Pag-aalinlangan at Paghihirap)

6.5K 142 141
                                    

"I pay no attention whatever to anybody's praise or blame. I simply follow my own feelings."

-Wolfgang Amadeus Mozart


"You've been hiding these lies all these years Mr. President! Why didn't you tell us about this information?!" bulyaw ni General Vash Linford.

Nanginginig ang kanyang mga kalamnan habang kausap ang presidente ng Amerika sa isang sarado at madilim na kwarto. Nakatingin naman sa kawalan ang presidente, animo'y may pinagsisisihan sa naging desisyon.

"Look, it was four years ago. When the time of the memory gene was at its peak. I..."

Napabuntonghininga ang presidente bago muling nagsalita.

"I took his project. I was thinking of using it as our defense, not knowing that there is another conspiracy surrounding his works," wika ni President Nixon.

"And now what? Everything will be ruined! Do you even think before deciding, Mr. President? This project might end the human existence! Are you not even contented with the prototypes that every country's defense systems are using?" pabulyaw na tanong ng babaeng heneral.

"I was thinking of using it on our defense armies. On our soldiers but..."

"But what Mr. President? For what is the cause? The life of your soldiers? Turned into puppets? They have families! They are humans! They are not robots to control!" wika ni General Linford.

"I know..."

"You knew? You didn't even think that his project requires a memory gene. But who knows? The year he proposed was the year that memory gene still existed. What were you thinking then? You want to build thousands of Helenas to be your soldier? Are you out of your mind?!" bulyaw muli ni General Linford. Sa pagkakataong iyon ay tinanggal na niya ang suot na cap at ibinagsak iyon sa kanyang mesa.

"I-I'm sorry..."

"Tell that to the United Nations and the U.S.S.R. You're starting another war, Mr. President. Be careful," wika ng babaeng heneral. Naningkit muna ang kanyang mga mata bago tuluyang maputol ang kanilang usapan.

"But..."

Hahabol pa sana ang presidente ngunit namatay na ang koneksyon ng kanilang tawag. Napahawak naman siya sa kanyang batok at pagkatapos ay sa kanyang memory gene. Tila problemado siya sa pag-iisip sa kamaliang nagawa.

*****

Tulala lamang si Helena habang nakaupo sa kanyang kama. Nakatitig pa rin sa salaming naaalala niyang binasag niya kagabi. Pilit niyang iniisip kung paano iyon naging buo matapos magpakita si Johan sa kanyang panaginip. Makalat ang kanyang kwarto. Senyales na itinapon nga niya ang mga gamit mula sa kanyang mesa. Muli niyang tinitigan ang salamin matapos yumuko. Tanging repleksyon niya lamang ang kanyang nakita. Tumayo siya at nagtungo sa banyo dala ang kanyang tuwalya. Naligo siya nang matagal, tila nag-iisip nang malalim habang nakabukas ang shower at iniisip ang mga pangyayari kahapon at ang masakit na katotohanang ang kanyang ama ang pinuno ng organisasyong naghahanap din ng MCM program.

Lumabas si Helena. Nakaitim siyang leather na pantalon at pulang longsleeves. Nakalugay ang buhok at natatakpan ng bangs ang kanyang mapupungay na mga mata. Naglakad siya patungo sa hologram room, isang kwarto kung saan pwedeng manood at kausapin ang sinuman gamit ang hologram technology. Isang four-dimensional na kwarto maging ang pintuan na bakal dito ay lumalabas din ang hologram image na parang nasa mismong pangyayari ang isang tao.

Isang iris analysis ang lumabas mula sa bakal na pinto. Tinapat naman ni Helena ang kanyang kaliwang mata at agad itong ini-scan ng isang asul na ilaw. Agad din iyon bumukas matapos ang scan. Nang sumara ang pinto sa kanyang likuran ay agad bumukas ang four-dimensional hologram image.

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon