Chapter 14: Living to Feel Death (Nabuhay Upang Maramdaman ang Kamatayan)

6.1K 160 80
                                    

"While I thought that I was learning how to live, I have been learning how to die."

-Leonardo da Vinci


November 3, 2283 - Paris, France - 9:45 AM - 15°C

"All units be advised. Possible suspect. Subject 1: Victor Torres was seen near Arc de Triomphe," wika ng isang computer generated audio mula sa isang malaking opisina ng MEMO.

Karamihan sa mga tao sa loob ng hindi kalakihang kwarto na iyon ay napatingin sa hologram screen. Makikita sa screen ang mukha ni Edward Vitore habang nakangiti at naglalakad sa isang malaking arko kasabay ng ilan pang mga tao.

"Units will be sent on the area. Subject 3, Christopher Stein and Subject 4, Mark Dimitri. Please respond..." wika naman ni Layla habang pumipindot sa hologram keyboard at nakasuot sa kanya ang headset na may mikropono bilang communicator.

Mula naman sa isang kalye sa Paris ay naglalakad si Mark Dimitri, ang Subject 4 ng MEMO. Naka-cotton na jacket habang ngumunguya ng kanyang bubble gum. Tumunog ang kanyang communicator at kinuha niya naman iyon mula sa kanyang bulsa. Mula sa isang flat na device ay agad na lumitaw ang hologram screen nito at lumabas ang mukha ni Layla.

"Subject 1 was seen in the Arc de Triomphe. He should be captured no matter what," wika naman ni Layla.

"Are we allowed to use force?" tanong ng binata na tila may accent pa ng lengguwaheng Pranses.

"You are allowed. The police will tolerate the use of your force," sagot naman ng dalaga.

"Great...that's all I need to know," sagot naman ng binata.

Agad siyang tumakbo nang mabilis at inakyat ang isang gusali na animo'y tinatakbo lamang ang pader nito. Nagulat naman ang mga tao sa paligid sa ginawa ng binata. Nagliparan naman ang mga dahon sa paligid nang tumakbo siya nang mabilis. Nang makarating sa tuktok ng gusali ay agad niyang tinanaw mula sa malayo ang landmark na sinasabi ni Layla.

Mula naman sa isang restaurant ay nakaupo lamang si Christopher Stein, ang Subject 3. Naka-shades pa siya habang ineenjoy ang kanyang mainit na kape kasama ang dalawang babae. Nagtatawanan lamang ang tatlo nang biglang tumunog ang kanyang communicator.

"Layla? What's wrong?" tanong niya.

"Subject 1 was seen in the Arc de Triomphe. You are allowed to use force just to capture him," sagot naman ng dalaga.

"Who's that?" tanong ng isang babae na kasama ni Christopher. Maikli ang buhok nito na kulay blonde at animo'y nilalaro-laro pa ang memory gene ng binata.

"O-oh nothing," sagot naman ni Christopher bago itago ang kanyang communicator.

"Where are you, Christopher?" tanong naman ni Layla.

"Oohh..." Napabuntonghininga naman ang binata at saka tumayo.

"Can't I just get a simple vacation huh? Two?" reklamo niya.

"We're on a manhunt here!" sagot naman ng dalaga.

"Yeah, yeah whatever. Well, it's still a great thing that we are allowed to use force this time," sagot ng binata at pinatay na ang kanyang communicator. Nagsimula siyang maglakad palayo sa mesa na kanyang pinaglagian.

"Hey, where are you going?!" tanong ng isang babaeng mahaba ang buhok. Nakakunot-noo at tila naiinis sa binata.

"Sorry girls. Gotta go. I'll check with you later."

Philippines: Year 2302 - Helena's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon