KABANATA TATLO: Katotohanan

635 27 0
                                    

KAYA pala hindi matagpuan ni Prinsipe Solomon si Reyna Polaya ay nasa Garnaya ito at kinakausap ng mga magulang. Dinalaw nito ang mga magulang at para na rin kumustahin ang Garnaya.

"Polaya, nais naming magtapat ka. Si Prinsipe Solomon ba ay iniibig mo?" deretsahang tanong ni Adlino sa anak.

Nabigla si Reyna Polaya sa tanong ng ama.

"Ano bang pinagsasabi ninyo ama!" nagalit ang reyna sa naging tanong ng kaniyang ama.

"Polaya, ama mo ang iyong kausap! At baka nakakalimutan mo ring bilang reyna ay hindi dapat ganyan ang iyong asal," agad na suway naman ni Dana.

"Ngunit ina, ano ba ang pumasok sa isipan ninyo para sabihing si Prinsipe Solomon ay iniibig ko?"

"Hindi ganyan ang magiging reaksiyon mo kung hindi totoo ang itinatanong namin," panghuhuli ni Adlino.

Nguni't hindi natinag si Reyna Polaya.

"Wala akong alam sa sinasabi ninyo, at kung inyong mamarapatin, kailangan ko ng bumalik sa Bilona. Maaring hinahanap na ako roon maging ang aking minamahal na hari," pagkatapos ay tumalikod na ito.

Nagmamadali man sa paglalakad ay narinig pa nito ang sinabi ng ina.

"Nakita namin ang pag-uusap ninyo ni Prinsipe Solomon sa pagdiriwang, dama namin na may kakaiba sa naging pag-uusap ninyo. Nawa'y nagkakamali kami, Polaya. Panghahawakan namin ang mga salita mo," pahabol ng kaniyang ina.

Nang makalabas siya sa kaniyang dating tirahan, agad na nitong tinawag ang mga tagapagbantay niya na siya niyang kasama sa bawat pag-alis at pagbalik sa Bilona.

KAHARIAN NG BILONA

Pagkabalik ni Polaya ay agad siyang sinalubong ni Prinsipe Solomon. Mula naman sa labas ng kaharian ay naroong nakakubli sa halamanan si Laksana. Pagkakita kay Reyna Polaya ay agad na nitong binulungan ang ibong puti na hawak-hawak niya. Ibong puti ang nagsisilbing daan nila upang maparating sa ibang nilalang ang kanilang mensahe kapag nasa malayo sila.

"Humayo ka na't sabihin sa aking mga magulang, pariso at parisa, na magtungo sila ngayon din dito sa kaharian ng Bilona," utos nito sa puting ibon.

"Polaya-" hindi naman natuloy ni Prinsipe Solomon ang sasabihin dahil agad na nagsalita si Reyna Polaya.

"REYNA!" mariin at pagalit namang sabi ni Reyna Polaya.

"Patawad, Reyna Polaya, sub-" muling pinutol ng reyna ang mga sasabihin ng prinsipe.

"Wala ako sa kundisyon para makipag-usap lalo na sa 'yo, Prinsipe Solomon. Nais kong magpahinga. Hindi naging maganda ang pagdalaw ko sa Garnaya."

"Ngunit-"

Agad hinarang ng mga tagapagbantay si Prinsipe Solomon. Hindi na nga nagawang sabihin ng prinsipe ang babala nito. Naisip kasi nito na maaaring tanggalan ni Polaya ng alaala si Laksana upang hindi makapag-salita. Isa iyon sa kapangyarihang taglay nito. Maging ang Haring Abraham ay may kakayahan din niyon.

GARNAYA

Nakita ng mga Pariso at Parisa ang papalapit na puting ibon.

Tale Of The Crowned Queens (High Fantasy - PiP Collaboration Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon