KABANATA DALAWAMPU'T ISA: Kahilingan

419 11 0
                                    

NANG makabalik sa kaharian ng Bilona ay mababakas ang kaligayan sa mukha ng mga ito. Ang hukom ay tuluyang nasawi dahil sa lakas ng kapangyarihan na natamo nito kay Miyela at muling ibinalik si Ayela bilang bagong hukom. Nagpaalam naman si Jhez-Yael sa mga ito na babalik na ng Tribu Suhbar. Bagay na nagpalungkot kay Miyela. Sinundan nito ng tingin ang papalayong si Jhez-Yael. Nang makita ito ni Polaya ay nilapitan niya ito.

"Hindi ka tunay na maligaya, tama ba?"

Nilingon ito ni Miyela at yumuko.

"Kailangan kong tanggapin kung ano ang tunay kong kapalaran, ina," sabi ni Miyela na tinawag na ring ina si Polaya.

"Alam ko namang hindi ka nga tunay na masaya, Miyela. Iba ang aking pakiramdam sa tuwing tinatawag mo akong ina."

Napaluha si Miyela.

"Hindi ko lang maiwasang maalala ang kinagisnan kong buhay, ina. Ipagpatawad niyo."

"Nais mo ba silang puntahan?" nakangiting tanong ni Polaya.

Nangislap ang mga mata ni Miyela pagkuwa'y muling nalungkot.

"Nguni't batid ninyong ipinagbabawal iyon, ina."

Nang walang ano-ano'y biglang lumapit si Ayela na siya ng bagong hukom.

"Magtungo ka na, Miyela. Simula sa mga oras na ito ay binabago ko na ang batas na ipinatupad noon ng mga naunang hukom. Magmula ngayon ay malaya na ang sino mang taga ibang lugar na makihalubilo sa atin," ang masayang anunsiyo ni Ayela.

Natuwa si Miyela sa narinig subali't mariin din itong tumanggi.

"Natutuwa akong marinig ang mga iyan, Hukom Ayela. Masaya ako sa mga pagbabagong mangyayari. Natitiyak kong matutuwa rin ang iyong anak na si Layni kapag nalaman niya iyan. Maipagpapatuloy na nila ang naudlot nilang pag-iibigan noon ni Pinunong Bak. Subali't, napagpasyahan kong huwag na munang magtungo sa Tribu Suhbar. Nais ko sanang gugulin muna ang mga panahong makasama ang aking tunay na ina at ama," taos sa pusong sagot ni Miyela.

"Ina ako, Miyela. Bilang ina, alam ko kung kailan nagsasabi ng totoo ang kanilang anak. Alam kong hindi magiging madali ang pagtanggap mo sa bago mong buhay. Humayo ka, Miyela. Alam kong sabik na sabik ka ng makita ang iyong mga magulang," nakangiti si Polaya nang sabihin iyon subali't hindi rin kaya ni Miyela na iwan ang mga tunay na magulang dahil sa naranasan ng mga ito. Nais niyang mabawi ang mga panahong sana'y magkakasama sila noon.

"Hindi, ina, aaminin ko sa inyong tunay ngang mas  matimbang ang aking mga magulang na aking kinagisnan kumpara sa inyo. Subali't nararamdaman ko rin dito sa aking puso ang aking pagmamahal para sa inyo. Nais ko iyong patunayan," sinserong anito.

Mayamaya pa ay makikita si Prinsipe Solomon na palapit sa mga ito.

"Miyela, anak. Masaya na kami ni Polaya na malamang ligtas ka. Mas sasaya kami kung makikita naming magkasama-sama kayong muli nina Himena at Lator," pagsegunda ng kaniyang tunay na ama.

Saglit na nag-isip si Miyela at nagwika, "Kung ganoon ama ay pagbigyan na lamang sana ninyo ang aking kahilingan."

"Sabihin mo."

"Maaari bang dumito na lamang din ang aking inang si Himena at amang si Lator kasama ang aking kapatid na si Mido upang magkasama-sama na lamang tayo rito at makilala niyo rin ang isa't isa? Yaman din namang wala ng batas na nagbabawal na makipag-ugnayan sa mga taga ibang lugar," pakiusap ni Miyela.

Tale Of The Crowned Queens (High Fantasy - PiP Collaboration Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon