Remind

47.2K 1.4K 102
                                    

11


Tinulak ko si Rome pagkasabi niya sa akin noong ng makita ko ang panginginig niya. He was sweating all over, his face was so pale and he looks as if he was about to throw up. Napaupo siya sa sofa ng aking opisina bago niya tinakpan ang kanyang mukha.


"Oh god." He shakingly said. Kumuyom ang palad ko sa nakitang reaksyon niya. Fuck!


"You don't have to look so disgusted just because you said you loved me." Anas ko. Bigla ang ginawa niyang pagtingin. Bakas ang pagtutol sa mukha niya pero hindi na ako naniniwala roon.


"Why do you have to lie Rome? Are you that desperate to convince me to go home?" tanong ko. Umiling lamang siya.


"Yan please.." hinihingal niyang sabi. His eyes are wide with alarm. Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa harapan niya.


"You don't have to lie Rome. We're not fixing our relationship here. We both know that the only thing that ties us are the kids. Hindi na kita mahal kaya hindi mo na kailangang sabihin na mahal mo ako." kahit hindi naman, dugtong ng isip ko. I bit back my tongue to stop myself from saying that. Umiling iling lang si Rome bago bumuka ang bibig niya.


"I..I can't explain everything Ianna. Hindi ko pa kaya. I'm not yet fully healed." Aniya. Kumunot naman ang noo ko. Healed? From what? From being a jerk? Bago yun ah. Hindi ko alam na may gamot pala sa kagaguhan.


"Puntahan na natin ang mga bata. Baka hanapin na tayo. And we're almost late with their Pedia's appointment." Sabi ko na lamang para matapos na ang usapan namin. Kinuha ko ang aking bag at mabilis na tinext ang numero ni Ahren.


'We're on our way.' Anas ko sa text. Ilang sandali lang ay nagreply siya.


'Should I pick you up? I could leave my clinic for awhile.'


'Nah. I'm fine' sagot ko. Lumabas na ako at nakita ko ang mga bata na pinaglalaruan ang mga lapis ko. Noong makita nila ako ay agad silang tumakbo papunta sa akin.


"Mama, can I have this?" Chasin asked while holding my pencil out. Ginulo ko lamang ang buhok niya bago siya kinarga.


"Sure baby." Sagot ko. Lumawak ang ngiti nya at yumakap sa akin. Si Rome naman ang umasikaso sa dalawa. He carried Neron while he held Bryant's hand.


Noong makarating kami sa sasakyan ay agad naming inayos ang mga bata sa kanilang booster seats bago ako umupo sa tabi ni Rome. Habang nasa byahe ay tanging mga bata lamang ang nagiingay at sumasabay sa mga nursery songs na pinapatugtog ni Rome. Kaming dalawa ay nag uusap lang kapag ibibigay ko ang direksyon papuntang clinic ni Ahren.


We arrived at Ahren's clinic without even talking. Pagkalabas ng mga bata sa sasakyan ay agad silang tumakbo papasok sa clinic ni Ahren. Tahimik naman akong nakasunod sa kanila noong pinigilan ako ni Rome sa braso.


"Can we talk?" aniya. I forced out a smile before facing him.


Once More - Legacy 6.2 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon