E

53.4K 1.7K 199
                                    

7



The kids fell asleep again. I don't even know if I would wring Ian's neck for hiding them or kiss her feet because she gave me these three wonderful kids. It doesn't take a rocket scientist to tell me that the triplets are mine. Heck, they are mine. Their mother is mine too. All of them are mine.


Noong makatulog na nga sila ng tuluyan ay galit akong binalingan ni Ian. Dali dali siyang kumuha ng unan at doon niya pinayakap ang mga bata bago tumayo at lumabas ng kwarto. Sumunod naman ako agad sa kanya. Pagkasara pa lamang ng pintuan ay agad na niyang hinampas ang dibdib ko.


"How dare you! Bakit ka pa pumunta dito?" she hissed, keeping her best to control her voice. Ngumuso lamang ako bago nagkibit balikat.


"You're here."


"And?" gagad niya. Ngumisi lamang ako.


"Kaya pumunta ako dito dahil nandito ka."


"Oh just damn it!" she groaned. Tumalikod siya sa akin bago humarap pagkatapos ay tumalikod muli.


"Oh damn it Rome!"


Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Pumiksi siya palayo at umikot sa sofa para iharang iyon sa pagitan namin. Lihim lamang akong napangiti. Baby, that sofa wouldn't help you now. You're trapped. You're mine again.


She pointed her finger at me. "You..can't just barge into my life again as if you still have all the damn rights!"


"I have the rights Ianna. Those kids are my rights." You are my right. Pero hindi ko sasabihin iyon. Galit na siya, ayaw kong mas lalo lamang niya akong inisin. Baka mapalayas na talaga ako ng tuluyan.


"Wala kang karapatan Rome! Magmula noong si Illea ang pinili mo ay tinapon mo na lahat ng karapatan mo." May hinanakit niyang sabi. Nabura ang ngiti ko noong makita ko iyong sakit sa mata niya.


"Ian.."


"I'm fine here. Masaya na ako kasama ang mga anak ko. Hindi ba pwedeng pabayaan mo na lang kami?" she begged. Umiling lamang ako at lumapit sa kanya. Her eyes are puffy and red already, pakiramdam ko ay kaunting tulak na lang ay iiyak na siya.


"No, Ian. Hindi na kita kayang pabayaan. Lalo na ngayong may anak tayo."


"They're not yours." She stubbornly said. Damn, my girl is really hard headed, huh?


"Keep on lying Yan. Hindi mo ako mapapaniwala." Mariin kong sabi. Hinampas niya ako ng throw pillow at nasapol ako sa ilong.


"You jerk!" she hissed. Pinagpapalo pa niya ako pero inagaw ko na ang unan sa kanya at hinila siya palapit sa akin.


"Yes, I am the biggest jerk you would ever meet Ian. But I want you to know that I want to be their father. Hindi ko hahayaang lumipas ang isa pang araw na ikaw lang ang nag aalaga sa kanila. We made them together and we should raise them together." Anas ko. She blinked thrice before pushing me away.

Once More - Legacy 6.2 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon