14
Nanigas ang katawan ko noong mayakap ako ni Mama. Muntik ko pa nga siyang maitulak dahil akala ko ay sasampalin niya ako sa ginawa niyang paglapit. My eyes were shaking and I immediately looked for Rome. Noong makita ko siyang nakatayo at may malawak na ngiti na pinapanood kami ay doon lang ako nakalma.
God, akala ko sasaktan ako ni Mama.
Lumapit sa amin si Papa na dala dala si Neron.
"Yo Prinsesa." Bati ni Papa, may luha pa sa gilid ng mga mata niya. Bumitaw si Mama sa akin at ako naman ang yumakap kay Papa.
"I'm glad you're home. Akala ko kailangan ko munang mamatay bago ka umuwi." Aniya. Suminghot ako bago ko hinampas ang balikat niya.
"Papa naman!"
"Augustine!" sabay naming angal ni Mama. Ngumiti lang si Papa, iyong pamoso niyang dimple ay lumitaw na naman. He playfully pinched my cheeks before looking back at Neron.
"So, who is the oldest?" tanong niya. Sasagot na sana ako noong lumapit si Uncle Ethan na buhat na si Chasin.
"Sa loob na lang tayo mag usap usap Ian. Mukhang mahabang kwento ito at hindi na kaya ng tuhod ni August kung nakatayo tayo ng matagal habang nagpapaliwanag ka." Biro ni Uncle. Nawala ang ngiti ni Papa at sinimangutan si Uncle E.
"Yabang. Mas matanda ka sa akin uy." Angal ni Papa habang pumapasok sa bahay. Nauna ang mga matatanda habang si Rome ay dumikit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at marahan iyong pinisil.
"Are you okay?" bulong niya. Tumango ako at bumuntong hininga.
Yeah. So far so good Ian.
Noong makapasok kami ay agad na nanggulo ang mga bata. Naroong umakyat si Bryant sa piano ni Illea sa ilalim ng hagdan habang si Chasin ay tumalon talon sa sofa. Si Neron naman ay nanghila ng mga album ni Papa sa shelve para lamang maitapon lahat sa sahig.
Napatayo ako at hindi alam kung sino ang uunahing bawalin. Gosh, maarte pa naman si Mama sa bahay!
"Neron!" tawag ko sa aking anak na pinipilit linisin ang kalat niya pero mas lalo lamang nakakagulo.
"Ian, sit down iha." Tawag ni Uncle E sa akin, Nilingon ko lang sila. Hindi ko alam kung maiiwanan ko ang mga bata.
"Come Ian. Sit down. August will clean up later. Gosh, I remember nung si Rome yung ganyang age, he threw flour all over our living room. Ang tagal nag clean ni Vincent nun." Natatawang sabi ni Auntie Avvi. I heard Rome groaned.
"Ma naman. Ian's here." Reklamo nito. Tumawa si Auntie Avvi habang nakatitig lamang sa mga bata.
"Uhm.." shit, anong pwedeng sabihin? Umupo na lamang ako sa tabi ni Rome para hintayin ang mga magulang namin na may sabihin.
BINABASA MO ANG
Once More - Legacy 6.2 (AWESOMELY COMPLETED)
Ficción GeneralThe reality of life never grants wishes, it gives pain. It makes people learn. May mga bagay na nagagawa dahil sa sakit. May mga salitang nabibitawan dahil sa galit. Bit we should never condemn ourselves for a mistake. We should be open to second ch...