N

45.4K 1.4K 508
                                    

16


Hindi ko pa rin magawang harapin si Rome kahit nakalabas na ako ng ospital. Sa totoo lang, hindi ko pa magawang harapin ang buong pamilya ko, with the exception of Serise of course, dahil nahihiya ako sa nagawa ko. Hindi ko kayang isipin na nadisappoint na naman sila dahil sinaktan ko ang sarili ko sa isang napakababaw lang na bagay.


Ang OA ko hindi ba? Ang arte ko pa. Nag alok lang ng kasal si Rome tapos ang naging reaksyon ko ay ang pagsugat sa pulso ko. Shit. Illea is waaaaay better than me. Kahit yata buhusan ng apoy ang kapatid ko ay hindi siya magrereact. Hindi siya katulad ko na pinalalaki ang mga maliliit na bagay.


Speaking of my sister, hindi ko pa siya nakikita. Kahit noong mamatay si Lolo noong isang taon ay hindi ko siya napansin. Ilang aaw na kaming nakakauwi ni Rome pero hindi ko pa siya nakikita. Where is she?


Isang katok sa aking kwarto ang pumutol sa iniisip ko. Sumilip roon si Mama bago pumasok dala dala ang isang tray ng mainit na sabaw at isang baso ng orange juice.


"Snacks?" alok niya. Hindi lamang ako sumagot. Pinatong ni Mama iyong tray sa study table ko bago tiningnan ang mga maliliit na pinta ko roon. Hinaplos niya iyong nasa gitna, a picture of a young girl chasing a star, before smiling sadly. Naalala ko pang ipininta ko talaga iyon para sa kanya. I was the girl and Mama was the star. Ibinigay ko iyon sa birthday niya pero mas natuwa siya sa regalong kwintas ni Illea. The next morning, nakita ko iyong gawa ko sa lamesa, naiwan at nakaligtaan.


"Anak.. I-"


Sinubukan niyang lumapit sa akin but I flinched. I saw how her expression became pained when she saw my fear. Mama stopped going towards me and settled in the corner. I averted my eyes and hugged myself.


"You're a great mother Ian." Aniya. My eyes flew to her. She smiled sadly before shrugging her shoulders.


"Even better than me. I can't even call myself a mother." She said. Yumuko lamang ako bago huminga ng malalim.


"When I b-became a mother, Nanay was there for me. Tinuro niya lahat sa akin. Kung paano magpaligo ng bata, kung paano pakainin, anong gagawin kapag umiiyak sila. Everything Ian. Nanay was a great mother to me. I'm sorry I was not the same to you anak." Iyak niya. Pinagsalikop ni Mama ang mga kamay niya habang halos mapaluhod na sap ag iyak. She went near me and touched my face. Hindi ko napigilan ang mapalayo sa kanya at mas lalo siyang humagulgol.


"Huwag mo naman akong katakutan anak. I can bear your wrath, your isolation, but not your fear. Never your fear." Aniya. Umupo siya sa paanan ng kama at hinawakan ang tuhod ko.


"I'm sorry. Sorry Ian. Sorry anak ko." Paulit ulit niyang sabi. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya, iyong mga braso ko ay nakapaikot pa rin sa sarili ko bilang proteksyon.


Gusto kong magsalita. I wanted to comfort her and tell her that it's okay but I can't. Noong lumapit siya ay natakot ako. Memories of my childhood came back. Every attempt to die flowed like water. Sa bawat panahon na kinailangan ko siya ay mas pinili niya ang kapatid ko. Wala siyang ibang nakita kung hindi ang mali sa akin. She never treated me as a daughter. All I was for her is a big fat disappointment.

Once More - Legacy 6.2 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon