6
Sa mga nagtatanong, yes the kids are inspired by the Song triplets.
--------------------------
"Saan siya papunta?" I asked the men I hired. Ngumisi iyong leader nila bago may inabot na papel sa aking mesa.
"Shana Yturralde helped. Binayaran niya iyong piloto ng jet ni Serise Montreal para ituro kung saan papunta si Ianna." Paliwanag nito. Tumango ako. Hindi ko napigilan ang ngisi ko. Hindi ako magkandaugaga sa pagbukas noong papel.
"Nasa Santorini siya. Napagalaman rin ng team ko na nagtatrabaho siya bilang isang architect doon. "
Tumaas ang kilay ko. "Sa Santorini?" hindi ko na talaga mapigilan ang ngiti ko. Ngumiti rin iyong detective bago tumango. Damn it, she's there all along?
"Nariyan ang address ng apartment niya pati na rin ng firm kung saan siya nagtatrabaho."
"Yeah. Thank you." Anas ko. Narinig ko ang isang katok at sumilip roon si Auntie Shana, may hawak na isang sobre.
"Busy ka ba, Rome?" tanong niya. Kinuha ko lamang aking coat bago umiling.
"Hindi naman po." Sagot ko. Pumasok siya sa aking opisina bago tiningnan ang mga detective na hinire ko. Inabot niya roon ang dalang sobre bago ngumiti.
"Dinoble ko iyan. Maraming salamat." Mahinahon niyang sabi. Mabilis na tinanggap iyon ng detective.
"Walang anuman po. Wag po kayong magagalit, pero magmula noong mamatay si Alessandro ay naging madali na para sa aming hanapin ang anak ninyo." Pormal nitong sabi. Nawala ang ngiti ni Auntie Shana sa narinig.
"Alam naming may nagtatangka sa pamilya ninyo. Mas makakabuti sa anak ninyo kung kasama niya kayo. Kaya sana.." utas nito bago tumingin sa akin. "..magawa ninyo siyang mapauwi agad. Madali na lang mahanap ng kahit na sino ang anak ninyo ngayong wala na ang proteksyon ni Alessandro." Sabi nito bago nagpaalam na.
Noong makalabas sila ay lumapit sa akin si Auntie Shana. Malaki na ang ipinayat niya. She even aged a lot. Hindi na siya iyong masayahing asawa na naalala ko noon. Ianna's absence took its toll on everyone, but most especially, to her.
"I bought your ticket Rome." Aniya sabay abot sa akin ng plane ticket. Kinuha ko naman iyon at tumango. Kinuha ni Auntie Shan ang aking kamay bago huminga ng malalim.
"Please bring my daughter back." Basag ang boses niyang sabi. Her eyes sparkled with unshed tears. Ramdam ko rin iyong panginginig ng kamay niya habang hawak ako.
"Ang dami ko pang kailangang sabihin sa kanya, kailangan ko pang maging ina sa kanya.."
"Auntie, hindi ako babalik dito hanggat hindi ko siya kasama." Pangako ko. Auntie smiled before nodding. Tumulo ang luha niya bago iyon pinunasan.
BINABASA MO ANG
Once More - Legacy 6.2 (AWESOMELY COMPLETED)
Narrativa generaleThe reality of life never grants wishes, it gives pain. It makes people learn. May mga bagay na nagagawa dahil sa sakit. May mga salitang nabibitawan dahil sa galit. Bit we should never condemn ourselves for a mistake. We should be open to second ch...