Nakahiga lang ako dito sa kwarto...nagiisip kung pano lalaban sila Nicole sa mga abubut ni Paige...i t-train ko sila? Pano pag di nila kaya? Saan ko sila i t-train? Sa bahay?Ayy! Ako rin sumasagot ng mga tanong ko ehh...magpapaalam mo na ako kay kuya...at tsaka kailangan ko sakanila sabihin yung gagawin ko
"Hailee" tawag ko sa pangalan nya habang sya nagbabasa ng libro...adik na adik to magbasa!
"What?"tanong nya pero hindi parin nya ako nililingon
"Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ko habang gumagapang sa kama nya.Napalingon sya saakin dahil sa sinabi ko
"Actually kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata kasi ayaw kong mag alala ka"
"Halata ko naman ehh..."
"...magimpake ka ng gamit mo"dugtong ko sa sinabi ko
" what!?"
Hindi ko na sya sinagot at naglakad nalang palabas papunta sa dorm nila Samantha.Nagimpake naman na sya
Hindi na ako nag abalang kumatok ako derederetso nalang pumasok
"What are you doing here,Klea?" tanong ni Samantha habang nakangiti
"Mag impake kayo"
"What do you mean?"
"Gawin nyo nalang!?"
Agad akong bumalik sa kwarto para magimpake na din...hayys sana tama tong ginagawa ko
...
Magkasama na kaming apat ngayon...nasa likod kami ng malaking puno...sinilip ko yung gate...what the! May guard pa sa gantong oras? 3:42pm na ahh!
"Pano yan...may guard pa" bulong ni Nicole sa tabi ko
"May plan B ako"sabi ko habang nakatingin parin sa dalawang gwardya...
Naexplain ko na yung gagawin namin at nagsimula na kaming pumwesto...sila Samantha at Nicole nasa isa pang puno medyo malayo pero mabilis na man daw silang tumakbo...ako naman pumwesto na sa likod ng poste...
Nagsimula nang maglakad si Hailee palapit sa mga gwardya at nagsalita na sya...
"Kuya guard...pwede po ba tulungan nyo ako?"
"Bakit? Ano yun?"
"Yung kasama ko po kasi na lock sa clinic...pwede po ba tulungan nyo sya?"
"Nasaan?"
"Sundan nyo nalang po ako"
Sinundan na nung guard si Hailee papunta sa clinic...
"Samantha patunugin mo na" bulong ko sa relo kung saan pag nagsalita ako maririnig nilang tatlo...parang yung sa mga agent...
Maya maya lang ay may narinig na kaming ingay...sinundan ito ng isa pang guard...ngayon wala nang guard sa gate...pero merong isang cctv sa taas ng posteng kinatatayuan ko ngayon...kailangan ko iyon sirain para hindi kami makitang lumalabas ng academy
Umakyat ako sa poste at pinukpok ng bato yung cctv...agad akong bumaba nang makita kong tumatakbo na sila Nicole at Samantha papunta saakin
Hailee POV
Sinusundan ako ngayon ng guard papunta sa clinic...umilaw yung relong binigay saamin ni Klea bago gawin yung plano...sabi nya kapag umilaw daw yun it means wala na yung isang guard
Nasa clinic na kami ng guard at pilit nyang binubuksan yung pinto ng clinic pero wala
"Alam ko na po! Tatawagin ko lang yung janitor... Baka na sakanya yung susi"sabi ko habang pilit nya paring binubuksan yung pinto
![](https://img.wattpad.com/cover/105636500-288-k714284.jpg)
YOU ARE READING
Impius Academy (ON-HOLD)
Mystery / ThrillerHighest rank: #115 in mystery/thriller #116 in liskook A good,kind hearted and friendly girl at school... A bad ass,brave and fearless girl outside...