Klea POVNasa academy na kami ngayon.11:28 na kaya dito na namin napagpasyahan na mag lunch
Nang makapasok ako sa cafeteria hindi ko inaasahan ang sumalubong saakin...niyakap ako ng isang lalake.Ewan ko kung sino kasi yung ulo nya nasa balikat ko
"Klea! Namiss kita!" Teka! Pamilyar yung boses na yun ahh! What the Fudge! IAN!?
Kumalas ako sa yakap at tama nga ako! Si ian nga!
"Saan ka galing?" Tanong nya habang nakatingiti
Hindi ko sya sinagot...nilibot ko yung paningin ko para hanapin si Paige baka nakita nya yung ginawa ni Ian...buti naman wala sya
"Hello?" Sabi nya habang tinatapat nya yung kamay nya at inaalog...
Hinawakan ko yung pulsuhan nya at hinila papunta sa garden kung saan kaming dalawa lng yung tao...
"Anong ginagawa natin dito? Gusto mo bang..." Sabi nya habang may nakakalokong ngiti at tumataas pa yung dalawang kilay nya....iniisip nya ba na gusto kong...what the!
Bigla syang tumawa sa reaction ko...aish! Seryoso ako
"Anong nakakatawa?"
"Ang cute mo kasi ehh"
"Seryoso ako!"
"Sorry na...ano ba ginagawa natin dito?"
"Hindi mo ba napapansin na kapag magkasama tayo lalo lang kami napapahamak! O gusto mo talaga na mapahamak kami!"
"Anong sinasabi mo Klea? Bakit kita ipapahamak?"
"Damay na yung mga kaibigan ko.Sinali na sila ni Paige sa laban"
"What!? Im sorry Klea"
"Just leave me alone,Ian..."
"How can i do that?"
"Lalayuan mo lang naman ako ehh! Anong mahirap dun?"
"Klea mahal kita..."
Nagulat ako sa sinabi nya.A-ano? M-mahal? Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko...anong pinagsasabi nya? Hindi pwede
"Hindi totoo yan! Basta wag kang lalapit saakin,Ian...kundi matatamaan ka!" Sabi ko at umalis na ako.Iniwan ko lang sya dun...wala akong pakeelam sa mga pinagsasabi nya
Agad akong dumeretso sa cafeteria.Nakita ko na naghihintay saakin sila Samantha...agad na akong lumapit sa table nila at kumain na din
"Saan ka galing?" Tanong ni Hailee habang ngumunguya
"Wala"sabi ko pero hindi ko mapigilan na mag blush! Naalala ko yung sinabi nya...Klea mahal kita...fudge! Bakit nag f-flashback yun!
"Bakit ka namumula?" Tanong ni Samantha
"Ang init dito ehh" sabi ko habang ginagamit na pamaypay yung kamay ko
"Klea wag kana magsinungaling.Kasama mo si Ian,right?" Seryoso na tanong ni Nicole...lagot! Ito nanaman sya...
Kinagat ko yung labi ko...hindi ko alam isasagot ko sakanila...argh!
"Fine...tama kayo kasama ko sya pero sinabi ko lang naman na layuan na nya ako...yun lang" pag explain ko
"Anong ginawa nyo? Bakit ka namumula?" Tanong ni Samantha habang may smirk at tumataas pa yung kilay
"Ano ba! Nag usap lang kami at kaya ako namumula...nag confess sya" sabi ko habang pinipilit ngumiti...bakit ako ngumingiti!?
"Ano!?" Sabay nilang sabi
"Ano sabi mo?" Excited na tanong ni Hailee
"Sabi ko na hindi totoo yun...siguro mali yung sinasabi ng puso nya...at tsaka gusto sya ni Paige,remember?"
YOU ARE READING
Impius Academy (ON-HOLD)
Misterio / SuspensoHighest rank: #115 in mystery/thriller #116 in liskook A good,kind hearted and friendly girl at school... A bad ass,brave and fearless girl outside...