Chapter 4 – The Tallest of Them All
"Classmates, required daw ang lahat na mag report sa Saturday para sa C.A.T. Except sa girl scout at boy scout. Tapos kung may health issue raw na bawal sumama sa drill ay magdala lang ng medical certificate para maisama kayo sa personnel." Seryosong anunsyo ni Gios.
Narinig ko ang mga hindi pagsang-ayon ng mga ka-klase ko. Ito kasi 'yong time na nire-require kami para sa pag-report every Saturday para sa drill. Hindi puwedeng hindi sumama dahil isa 'yon sa mga requirements kapag ga-graduate.
"Girl scout ako," nakangiting sabi ni Aya kaya parehas kaming napasimangot ni Tine.
"Madaya. Dapat pala sumama na tayo noong 3rd year sa girl scout," nanghihinayang kong sabi. Nagre-report din kasi ang mga girl scout every Saturday pero puro lang sila community works, activity, at lectures.
"Magasto rin kasi ang girl scout , eh. Daming uniform. Tapos ang mahal pa ng registration para maging member," sabi ni Tine at tumango lang ako.
"Puwede naman kayong mag personnel, eh," sabi ni Aya.
"At ano naman ang ipapakita naming medical certificate? Wala naman kaming sakit," sabi ko.
"Sabagay. Pero siguro hindi naman kayo ilalagay sa Bravo kasi matatangkad lang ang inilalagay doon. Baka maging Delta kayong dalawa. Ang Charlie at Delta kasi light lang ang drill na ginagawa, unlike sa Alpha at Bravo na todo ang drill kasi sila iyong isasama sa parade," paliwanag ni Aya.
"Teka, bakit hindi ka pala nag majorette?" tanong ko kay Aya at napagiwi naman siya.
"Hindi ako marunong humawak ng baton," sabi niya at pareho kaming natawa ni Tine.
***
Saturday came at lahat ng seniors ay nasa harap na nang school grandstand. Sinasala na nila ang matatangkad na babae at matatangkad na lalaki. May ilan ako sa mga ka-klaseng babae na napunta sa Bravo company.
Unfortunately, nakasama si Tine sa Delta company. At ako? Isang dakilang Personnel dahil sa aking height. May dalawang classmate naman akong kasama kasi sila 'yong nag-present ng medical certificate. Iyong ibang personnel ay taga ibang section na.
"Sargeant daw si Uno sa Alpha company," bulong sa akin ni Sally.
Napatingin naman ako sa unahan kung saan tinuturuan ng mga officers ang mga Alpha na gumamit ng rifles. Namumukod tangi ang katangkaran ni Uno sa unahan. Lihim akong napangiti dahil sa hitsura niya. He was wearing a rubber shoes, blue jeans, tucked in plain white t-shirt na may school logo, at black baseball cap. Lahat naman kami ay ganoon ang suot pero hindi ko alam kasi para siyang nagmo-model ng type B uniform.
Kaming mga personnel ay taga nuod, taga linis sa headquarters, taga dala ng water jug para painomin ang mga officers at cadettes, at taga-punas ng kanilang pawis. In short, alalay.
Kung bakit naman kasi ako kinapos ng height. Si Ate Moira matangkad naman iyon, si Eli na bunso kong kapatid ay mas matangkad na sa akin. Nakakaiyak.
"Tikas pahinga!" rinig kong sigaw ng tinatawag nilang G2.
Bumaling ang tingin ko kay Tine na nasa second row ng Delta company. Nakasimangot siya. Surely magre-reklamo 'yan sa akin kasi kaming personnel ay hindi nabibilad.
"Personnels! Line up!" sigaw ng isang babae na officer. Kilala ko ito. Kasama siya lagi ng aming core commander.
Pumila naman kami ng 4 by 5 at hiwalay ang mga lalaki at babae. Nasa hulihan ako pero may mas maliit pa pala sa akin. Thank God at hindi naman pala ako ang pinaka-maliit dito.
BINABASA MO ANG
Crossroads: Loving Torpe
Teen FictionCROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All rights reserved 2016 @Thyriza