Chapter 16 - Bullied
Akala ko, ang layuan si Uno ay ang sagot para hindi ako masaktan. Pero ito pala ang magiging dahilan para unti-unting masira ang pagkakaibigan namin.
Galit si Aya kay Uno. At dahil kampi sina Harold at Calvin kay Uno, galit na rin sina Aya at Tine sa dalawa.
Hindi ko na kailangan pang magtanong kung bakit sila nag-aaway. Dahil siguro ito sa hindi ko pagsama kahapon dahil kay Nessy. Nalaman ko rin na hindi na sila tumuloy kasi itong si Uno raw ay bigla na lang nagalit at pinaandar ang kotse...iniwan silang lahat. Hindi raw nila alam kung saan ito pumunta.
Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko. Siguro iniisip ni Uno na ayaw kong maging bahagi ng circle of friends namin si Nessy.
"Huwag ka ngang ma-guilty, Yanni. Sisihin mo ang Nessy na iyon! Papansin na, malandi pa!" nanggigil na sabi ni Tine.
Nandito kami ngayon sa library dahil free time namin. Ang ingay kasi sa room kaya dito na lang kami tumambay.
Nakokonsensya rin ako kasi kaibigan kong matalik sina Aya at Tine pero hindi ko pa sinasabi sa kanila ang totoo.
"Aya, Tine...may sasabihin sana ako sa inyo," sabi ko at napatingin naman ang dalawa.
"Please, don't tell me na kayo na ni Russel," sabi ni Tine at natawa lang ako.
"Magkaibigan lang kami ni Russel. And lately, siya ang naging labasan ko nang sama ng loob," sabi kong nakayuko.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Yanni?" tanong ni Aya.
"Noong araw na bigla akong nawala, nakita ko noon si Uno at Nessy. Ang saya-saya nila kaya hindi na ako nakapagpakita sa kanya. Pauwi na ako noon tapos nakita ako ni Russel. Sabi niya gusto ko raw si Uno at nasasaktan daw ako. Nakakatawang isipin na siya pa ang mas unang nakakita noon kaysa sa akin."
Nakita kong nanlaki ang mga mata ng dalawa at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Doon ko na-realize na gusto ko si Uno. Okay lang sana. Kasi sino ba'ng hindi mahuhulog sa kanya? Pero nandiyan si Nessy kaya hindi ko pinipilit ang sarili ko sa kanya. Noong pupunta sana tayong SM, si Nessy ang totoong dahilan kung bakit hindi ako sumama. Masasaktan kasi ako kapag nakita ko silang magkasama."
May tumulong luha sa gilid ng mata ko pero agad ko itong pinunsan. Nakakahiya palang umamin sa mga kaibigan.
"My God!" bulalas ni Aya.
"You love him!" sabi rin ni Tine.
"Huwag niyo sanang sasabihin kay Uno, please? And please, huwag na kayong mag-away-away. Mas gusto ko pang maging magkaibigan lang kami kaysa sa masira ito." Sabi ko.
"Don't worry, hindi namin sasabihin sa kanya. That cousin of mine should learn his lesson!"
***
December. Ang daming projects. Ang daming bayaran. May Christmas party din. Nagpa-meeting nga ng parents at mabuti na lang ay okay naman ang mga grades ko.
Two days bago ang Christmas party namin at wala nang pormal na klase. Nasa labas lang ako ng classroom hinihintay si Tine na dumating. Si Aya kasi ay busy dahil siya ang class president.
"Hi, Yanni!" napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Nessy. "Si Uno?" tanong niya.
"Kasama ni Aya," sabi ko na lang.
"Ah. Kapag dumating siya, tell him to see me, okay?" sabi niya pa.
"Sige," sabi ko na lang.
"Gosh, excited na ako! Sasagutin ko na talaga si Uno. I am so in love with him na!"
BINABASA MO ANG
Crossroads: Loving Torpe
Teen FictionCROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All rights reserved 2016 @Thyriza