Chapter 20 - Unsaid words...

2.6K 81 7
                                    

Chapter 20 – Unsaid words...

"Yanni, okay ka lang?" tanong sa akin ni Debbie. Isa sa mga ka-blockmate ko at kaibigan ko.

"Oo naman...bakit naman ako hindi magiging okay?" I faked a smile.

"Hindi ka kasi nakasagot kanina sa recitation ni Sir. Are you sure na okay ka lang? Parang ang lungkot mo kasi lately, eh,"

"Wala 'to. Stress lang sa thesis," sabi ko at saka isinabit ang bag ko sa braso ko.

"Sabagay. Pati nga ako na-i-stress sa thesis natin. Ikaw ba naman ang mag individual thesis. Baka nga sukuan na ako ng laptop ko, eh," natatawa niyang sabi.

Lumabas kaming lecture room. May isang subject pa ako sa Philosopy. Uuwi agad nga ako para makapag online ako. Hindi ko na kasi ma-tsambahan ang oras nang pag online ni Uno. Pero ano naman kaya ang ginagawa niya? Eh, August pa lang naman. September pa ang start ng klase niya.

Tatlong linggo na kaming ganito. Sabi naman sa akin ni Aya, busy raw kasi si Uno kasi bukod sa nag-aaral ito, nagta-trabaho rind aw ito kagaya ko. Ewan ko nga doon. Hindi naman niya kailangan magtrabaho. Siguro kagaya ko, gusto niya ring pumatay ng oras.

Day off ko kasi ngayon sa café. At ngayon na third year na ako, medyo nabawasan ang load ng subjects ko. Noong summer kasi ti-nake-up-an ko na ang mga minor subjects ko para kaunti na lang ngayon.

Bago ako umuwi ay nag drop by muna ako sa bookstore para bumili ng bagong manga book.

Hinahanap ko ang librong tinago ko sa likod ng book shelf nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nakita ko si Russel.

Agad akong napangiti. Bagay na bagay sa kanya ang uniform niya. Ang tikas niyang tingnan at mas lalong gum-wapo.

"Sabi na ikaw iyon, eh," sabi niya nang makalapit sa akin.

"Long time no see," sabi ko.

"Yeah. Since highschool?"

"Yup!"

"Mas lalo kang gumanda, Yanni. Crush na 'ata ulit kita," natatawa niyang sabi. Hanggang ngayon talaga ay maloko pa rin siya.

"Kumusta ang barko, captain?" nakangiti kong tanong.

Naka marine's uniform kasi si Russel. Ang alam ko ay Maritime Engineering ang kinuha niya.

"Okay naman. Hindi naman lumulubog," natawa lang ako sa kanya.

"Pasaway ka talaga,"

"Feeling ko destiny 'to," sabi niya.

"Bakit naman?"

"Kagaya noon ay pinagtagpo rin tayo sa library. Tapos ngayon sa bookstore. What a cute serendipity, don't you think?" sabi niya tapos kumindat.

"Hindi rin," pambabara ko.

"Grabe ka talaga. You always hurt my feelings." Madrama niyang sabi.

Tinawanan ko lang siya. Nakakamiss din si Russel. Iyong kapag nagpapapansin siya sa akin noon. Kapag ang kulit niya. At noong mga panahon na kailangan ko nang karamay.

"How about I treat you? Kain tayo. Tagal kitang hindi nakita, eh. Please?"

"Naku, kahit 'wag na—"

"Sige na. Wala pa naman si Uno, eh," sabi niya at kumindat na naman. Kung marinig siguro siya ni Uno panigurado maiinis na naman iyon. Ang cute niya pa naman mainis.

"Sige. Libre mo, ah?" sabi ko.

"Sure. Anything for my crush."

***

Crossroads: Loving TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon