Chapter 11 – Biking on the Sea Side
After ng late lunch namin kanina ay nag island hopping kami. Isa sa attraction ng Bagasbas beach ay ang laging malakas na wave nito. Pino rin ang buhangin kahit hindi white sand.
Halos pababa na ang araw nang makabalik kaming Catherine's. Pero imbes na bumalik kaming hotel ay nag-lakad-lakad pa kami. Nakarating kami sa kabilang resort kung saan ay may mga cottages. Sa gilid nito ay may nagtitinda ng mga ihaw-ihaw.
"Baka ma-allergy ka na naman," sabi sa kanya.
"Kayo na lang," sabi niya.
"Busog pa naman ako," sabi ko para may kadamay siya.
"Gusto mo bang maglakad-lakad muna? Mamaya pa naman kasi nila balak maligo sa dagat, eh,"
"Okay lang," sabi ko na lang.
Busy sa pagkain ang apat kaya hindi na nakapagpaalam si Uno. Pumunta kami sa seaside kung saan semento ang daan. Sabi niya ay may nakita siyang mga nagba-bike kanina kaya gusto niya raw mag rent kami.
"Uhm, ano...h-hindi kasi ako marunong mag bike, eh," nahihiya kong sabi.
Ngumiti naman siya. Hindi ko alam kung ano'ng mayroon sa sinabi ko pero para bang tuwang-tuwa siya sa ideya na hindi ako marunong mag bike.
"Isang lang po," sabi niya sa lalaking nagpaparenta ng bike.
May upuan sa likod ng bike tapos may basket sa unahan.
"Angkas na kita," sabi niya.
"Nakakahiya," sabi ko habang nakahawak sa strap ng bag na dala ko.
"Isang ikot lang tapos balik na tayo," pakiusap niya.
Sumakay siya sa bike at kinuha niya sa akin ang bag ko at nilagay sa basket sa harap.
Nahihiyang umangkas ako sa likod. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natutong mag-bike. Marunong naman mag-bike si Ate pati si Eli. Mayroon din kaming bike sa bahay at kahit kailan ay hindi ko naisip na matuto.
"Hold on..." sabi ni Uno kaya napahawak ako sa bewang niya.
Nagsimula siyang magpedal. Hindi gaanong mabilis ang pagpaandar niya. Sinasalubong namin ang hangin na dala ng dagat. Sumasayaw ang buhok ko sa hangin. Medyo lumalayo na kami sa pinanggalingan namin. Hindi ko alam na ganito kahaba ang sidewalk ng seaside.
Huminto kami sa pinakadulo ng sidewalk. May hagdan pababa papunta sa seaside na gawa sa bato. Iginilid ni Uno ang bike sa mababang wall ng sidewalk.
"You want me to teach you how to bike?" sabi niya at nginitian ko lang siyang alanganin.
"Huwag na," sagot ko.
"Just try it, please? I'll guide you," pamimilit niya.
Tiningnan ko lang siya. Nakangiti siya at mukhang seyoso siya na gusto niya akong turuan.
"S-sige..." sabi ko.
His smiles widened kaya agad niyang kinuha ang bike. Lumapit naman ako tapos sumakay.
"Teka, bababaan ko lang ang upuan para abot mo ang manibela," sabi niya kaya umusog ako ng kaunti. "Okay na."
Mabuti nga at naabot ko ang pedal. Akala ko pang kiddie bike lang ang kaya kong abutin.
"Ang una mong kailangan gawin ay balansehin mo ang paghawak mo ng manibela habang nagpe-pedal ka,"
Nakahawak siya sa unahan ng manibela pati sa likod ko. Dahan-dahan akong nagpedal hanggang sa umandar kami. Mabagal lang...
BINABASA MO ANG
Crossroads: Loving Torpe
Teen FictionCROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All rights reserved 2016 @Thyriza