Chapter 5 - Crush
Isang linggo 'atang hindi pumasok si Uno dahil sa allergy niya. Maging si Aya ay hindi na rin pumasok sa ika-tatlong araw kasi kawawa talaga ang kalagayan ni Uno. Hindi naman daw kasi niya alam na may allergy ang pinsan niya sa itlog.
"Crush!" rinig kong may sumigaw kaya hindi ako lumingon habang naglalakad sa corridor.
"Crush!"
Lihim kong inikot ang mata ko para makita kung may ibang tinatawag pero sa akin nakatingin ang mga studyante.
"Uy, crush. Ay, snob si crush!" rinig ko pang sabi ng lalaki.
"Yanni, tawag ka, oh?" sabi nang dati kong ka-klase no'ng third year ako.
"Huh?"
"Uy, crush!" naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko.
Tumambad sa akin ang nakangiting lalaki. Maputi, high cut ang buhok, tisoy, at may pilyong mga ngiti.
Russel Contreras.
Napakunot noo ako. Bakit naman ako pinapansin ng lalaking ito?
"Hi, crush!" nakangiti niyang sabi at kumaway pa.
"Hindi crush ang pangalan ko," nahihiya kong sabi. Napapatingin kasi sa amin ang mga studyanteng dumadaan tapos may ibang tumatawa.
"Alam ko. Pero simula ngayon crush na ang tawag ko sa'yo," nakangiti niya pa ring sabi. "See you later, crush!"
Tumakbo na siya palayo sa akin at muling lumingon para kawayan ulit ako.
Wala na siya sa paningin ko pero nakatulala pa rin ako sa dating puwesto niya.
Wala sa sariling pumasok ako sa classroom at pabagsak akong umupo sa armed chair. Wala pa si Tine. At hindi ko rin alam kung papasok na si Aya at Uno ngayon.
"Crush ka pala ni Russel, Yanni?" tanong sa akin ni Anne na nasa unahan ng upuan ko.
"H-hindi, ah!" sabi ko naman.
"Nakita ko kayo, eh. Okay naman si Russel. Masayahin pero maloko nga lang." sabi niya tapos tumawa.
Nakita kong sabay na pumasok si Harold at Calvin at pareho rin silang nakatingin sa akin sabay iling na para bang disappointed sila sa akin.
Late nang pumasok si Tine at hindi pa rin pala papasok si Aya at Uno. Nag-aalala na tuloy ako. Masyado 'atang grabe ang allergy niya kaya isang linggo na siyang wala. Bukas may report na naman sa CAT, hindi pa rin kaya siya papasok?
It was break time at papunta na kami ni Tine sa canteen. Nagpa-plano sana siya na puntahan namin sina Aya at Uno sa bahay nila kaso hindi naman namin alam kung saan. Unattended din kasi ang phone ni Aya at hindi ko naman matawagan ang number ni Uno kasi nahihiya ako.
"Nakakasawa na ang pagkain dito," bulong sa akin ni Tine habang pumipila kami para magbayad.
"Dapat kasi sa labas na lang tayo, mas mura pa." sabi ko at napatingin naman sa akin si Tine.
"Tara, ibalik na natin 'to. Umay na umay na talaga ako sa cheese sandwich at pouch juice," sabi niya at umalis sa pila.
Ibinalik namin ang order namin at saka lumabas ng campus.
Sa gilid ng campus ay may isang compound na puro karinderya, turo-turo, at food stalls na abot kaya lang para sa mga studyante.
Bumili lang kami ng siomai at softdrinks ni Tine at saka naupo sa isang mono block tables and chairs na may beach umbrella.
BINABASA MO ANG
Crossroads: Loving Torpe
Teen FictionCROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All rights reserved 2016 @Thyriza