Chapter 7 – The Chess Wizard and The Muse
Pilit kong ibinababa ang suot kong skirt. Hindi kasi ako kumportable at ang iksi niya para sa akin. Sleeveless din ang top kaya mas lalo akong naiilang.
White and blue ang damit ko na may nakalagay na S sa gitna. Tinernuhan ko itong cheerleader dress ng converse na white at medyas na hanggang tuhod. Atleast naman matakpan itong legs ko. Nahihiya kasi talaga ako.
Nilagyan kami ng make-up no'ng trainer namin at ginawang pig tail ang buhok ko na may laso sa dulo.
"Ang cute ni Yanni, oh. Para kang manika," sabi sa akin ng isa sa senior's muse.
Oo na. Ako na ang maliit. Dapat pala may takong na converse ang pinabili ko kay Ate nang hindi naman ako napag-iiwanan ng height.
Alas otse ng umaga ang parade at by section ang linya. Mga players muna, cheerdancers, at mga sections na pinangungunahan ng muse.
Nang pumunta ako sa pila ng section namin ay puro papuri ang naririnig ko. Nakakahiya na talaga. Hindi ako sanay sa ganito.
"Beh!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Tine. Naka-overall jumper siya at may drawing ang mukha niya. Punong-puno rin ng glitters ang buhok niya at ang kapal ng make-up niya. Actually lahat naman silang senior cheerdancer.
"Ang cute-cute mo! Para kang real life anime!" sabi niya at napangiwi ako.
Bakit iyon ang lagi nilang sinasabi?
"Good luck mamaya," sabi ko.
"Sure na kami ang mananalo, 'no. Lagi naman, eh!" proud niyang sabi. She was right. Since freshman ay laging ang batch namin ang nananalo.
"Mamayang gabi pala manuod tayo ng pageant ni Aya. Binigyan niya tayo ng libreng ticket," paalala ko sa kanya.
"Oo naman, 'no! Kaya i-reserve mo na ang boses mo pati ang energy mo dahil tayo ang magpapanalo sa audience impact ni Aya!"
At dahil gabi nga at pageant ay pinayagan ako nila Mama at Papa na makitulog kay Tine para hindi na ako ma-problema sa sasakyan kong jeep.
Umalis na si Tine at naiwan ako sa linya ng mga classmate ko. Nasa unahan ako at nasa tabi ko ay sina Gios at Mac na nakahawak sa banner ng section namin.
"Yanni! Yanni!"
Nagulat ako nang may dalawang lalaking umakbay sa akin. Sino pa nga ba ang mahilig na inisin ako kundi sina Harold at Calvin.
"Cute natin, ah?" natatawa nilang sabi.
"K-kamay niyo nga. Bitaw!" naiilang kong sabi.
"Ay, grabe. Ang others na ni Yanni porke muse," napapailing na sabi ni Calvin.
"Hindi ka isang kaibigan, Yanni," pagdadrama pa ni Harold.
"Kayo talaga. Doon na nga kayo sa likod at magsisimula na ang parade." Sabi ko lang.
Binitawan naman ako ng dalawa kaya nakahinga ako ng maluwang.
"Yanni, tingin ka nga sa likod," sabi ni Harold kaya kahit nagtataka ay sumunod ako.
Sa pinaka-likod ay nakita ko si Uno. Kagaya ng ibang studyante ay nakasuot din siya ng PE uniform namin.
Naka-side view siya at may kausap. Nagbaba ang tingin ko kung sino ang kausap niya at nakita ko si Henessy na dati kong classmate noong first year. Hindi naman kami close pero kilala namin ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Crossroads: Loving Torpe
Teen FictionCROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All rights reserved 2016 @Thyriza