Chapter 8 – Captured
Nadatnan namin si Aya na nagpapahinga sa salas habang may mga curl set na nakalagay sa buhok niya.
Mayroong tatlong bakla siyang kasama at siyang nag-aayos ng mga susuotin niya mamaya.
"Uy, mabuti at dumating na kayo," tumayo si Aya at sinalubong kami.
Ilang araw ko rin bang hindi nakita ang babaeng ito? Nami-miss ko tuloy siya.
"Waaah! Ang cute ni Yanni!" sabi niya.
Ah! Oo nga pala at hindi pa ako nagpapalit ng damit.
"Puwede makibihis, Aya? Naiilang ako sa suot ko, eh," sabi ko.
"Naku, okay na 'yan. Ang cute mo nga, eh!" sabi pa niya.
"Conservative ang bunso, Aya. At saka baka magalit ang Master! Tinakpan niya ng jacket kani—"
"Harold, nasa taas ang CR. 'Di ba, sabi mo nasi-cr ka na?" putol ni Uno.
"Ah, oo nga pala! Calvin sama tayo,"
"Gagu, p're! Walang ganyanan. 'Di tayo talo!"
"Pakyu ka, boi! Magpapasama lang at baka maligaw ako rito!"
Napailing na lang ako sa dalawa. Kahit kailan talaga...
"Sa kuwarto ko na lang ikaw magbihis, Yanni. Tara samahan kita. Sama ka, Tine,"
Tumango ako at sumunod kami ni Tine kay Aya.
Sa second floor ang kuwarto ni Aya. Lumiko kami sa isang pasilyo at may dalawang adjacent doors.
Pumasok kami sa kuwarto ni Aya.
Spacious at neat tingnan. White lang ang wall at may decoration sa isang part ng wall na puro picture frame. Ang wall naman sa headboard ng kama niya ay may white LED string lights. Pati ang kama niya ay puro white din.
"Pang instagram itong kuwarto mo, beh!" sabi ni Tine.
Tine was right. Simple lang itong kuwarto niya pero maganda.
"May dala kang damit, Yanni?" tanong sa akin ni Aya.
"Mmm,"
"Dress?"
"Hindi, jeans and blouse lang."
Nakita ko siyang may binuksan na pinto at halos manlaki ang mga mata namin ni Tine kasi para kaming nakakita ng boutique.
"OMG!" bulalas ni Tine.
"May ibibigay ako sa iyong damit, isuot mo, ah? Hindi kasi ito kasya sa akin kaya sayang naman,"
"Naku, huwag na!"
"Ah, 'eto. Wear it, please?"
Pinakita niya sa akin ang naka-hanger na dress.
Red plain dress na may baby collar na kulay puti. Hindi mahaba, hindi rin maiksi. It was so simple na napaka-elegate na niyang tingnan.
"Aya, I can accept it. It' too much—"
"Magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap," nakanguso niyang sabi.
"P-pero—"
Tumalikod siya at may kinuha ulit na dress sa closet.
"Ito naman sa'yo, Tine. Please, accept it. I want you girls to be very beautiful mamaya sa pageant ko. Isipin niyo na lang na suhol ko 'yan sa inyo para i-cheer niyo ako ng malakas," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Crossroads: Loving Torpe
Teen FictionCROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All rights reserved 2016 @Thyriza