Epilogue
"Hey! Saan ka na ba?" tanong sa akin nang pinsan kong si Aya sa kabilang linya.
"I'm on my way," sagot ko habang nagda-drive. Siguro dapat kaninig na lang ako sa kanya kanina na sumabay sa kanya sa sasakyan.
"Bilisan mo kasi male-late ka na. Ayaw mo naman sigurong na sa'yo ang lahat ng attensyon, 'di ba?"
"Malapit na ako,"
"Okay, ingat!"
Napabuntong hininga na lang ako nang umibis ako sa sasakyan.
Unfamiliar faces. Tranfering to another school sucks. Graduating student pa naman ako.
Nasa fourth floor pala ang room namin.
God, I felt like a giant. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamatangkad dito.
The good thing is...people don't seem to care. Everybody is busy catching up stories with their friends.
Opal. It was my section. I'm a late enrollee so napunta ako sa lower section. Aya is supposed to be at Coral but she insisted na samahan ako. Ewan ko ba doon. Sometimes, she treats me as if I am a child that needed to be guided. Siguro kasi parehong kapatid na ang trato namin sa isa't-isa. Pareho kaming solong anak at wala na kaming ibang pinsan dahil dalawang magkapatid lang naman si Mommy at Daddy niya.
Hindi naman kasi dapat ako lilipat ng school kung hindi lang nagkasakit si Mommy.
She was diagnosed with stage two cervical cancer. Dinala agad siya ni Daddy sa America para maagapan ang sakit niya.
"Uno!" rinig kong tawag sa akin ni Aya kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit dinaanan ko lang ng tingin si Aya.
Because my attention was caught by a small girl with brown wavy hair. She has a tint on Latina beauty yet very innocent. Napatingin siya sa akin kaya biglang namula ang tainga ko.
She has the most tantilazing eyes I have ever seen. Parang laging nangungusap.
Kahit kailan ay hindi ako naniniwala sa love at first sight or crush. Ni wala nga akong crush sa dati kong school, eh.
But this one hit me like a truck.
Yanni Madrid is my first ever crush.
Her simplicity is what I've loved the most. Lagi akong napapatulala sa tuwing ngingiti siya o kaya aayusin niya ang bangs niya.
Ang kanyang tawa ay parang isang tawa ng anghel. Ang sarap irecord at ulit-ulitin na panuorin.
Napakamahiyain ni Yanni. Kaya nga nagtataka ako na si Tine ang kaibigan niya, eh. Maingay kasi ito. Pero isang napakabuting kaibigan ni Yanni. And even Aya likes her very much.
"Crush mo si Yanni, 'no?" pang-aasar sa akin nina Calvin at Harold.
These two is the closest to a friend that I could consider. May mga kaibigan naman ako sa sa dati kong school pero iba ang dalawang ito. Napaka-loko. Mahilig sa trippings.
"Hindi ko siya crush." Pagdedeny ko.
"Asus! Sige nga, kung hindi mo siya crush, i-nominate mo ang sarili mo bilang escort." Calvin dared.
"Hell no!" angal ko.
"Bawas-bawasan mo nga p're ang pag-i-ingles mo. Nano-noseblood kami sa'yo, eh," sabi naman ni Harold. They are very fond of making their grammar wrong.
"Pasensya na. Sa school kasi namin dati—"
"Huwag mo nang ibahin ang topic. Aminin mo na lang na crush mo siya." Sabi pa ni Calvin.
BINABASA MO ANG
Crossroads: Loving Torpe
Teen FictionCROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All rights reserved 2016 @Thyriza