Chapter 13 – Sorry and Forgiven
All saints day and all souls day. Abala kaming lahat sa pag-aayos ng bulaklak na dadalhin sa sementeryo. Kahapon pa lang ay namili na sina Mama at Ate ng mga kandila.
Ang Carolina ay isa sa mga angkatan ng bulaklak sa loob at labas ng Naga. Tinutulungan ko lang si Ate mag-arrange ng bulaklak sa flower foam. Magaling siya sa mga ganito kasi HRM graduate siya. Pati na rin sa baking, table skirting, cooking, at kung ano-anu pang napag-aaralan sa TLE. Kaya sigurado ako na ang suwerte nang mapapangasawa ni Ate.
Family tradition na namin na nag-o-overnight sa sementeryo. Ang tatay ni Papa ang binabanyatan namin. Sa side kasi ni Mama ay maraming nagbabantay doon kay Lolo at Lola kaya dumadalaw lang kami at nagtitirik ng bulaklak at kandila.
Maliit lang ang mausoleum na kinatitirikan ni Lolo. Magkatabig nitso at sa gilid nito ay may upuan. Sabi noon ni Mama at Papa kapag nakaluwag-luwag kami ay papagawan nila ng second floor ang mausoleum para kumportable ang matutulugan namin. May mga pinsan din kasi kaming dumadalaw dito. Si Lola Selya kasi ay masyado nang matanda kaya hindi na siya nakakapunta.
Si Eli ay kausap ang ilan sa mga pinsan namin at si Ate naman ay busy sa phone niya. Pangiti-ngiti pa siya habang nagte-text. Sino kaya ang boyfriend niya? Sina Mama at Papa naman ay sandaling umalis kasi dadaan daw muna sa puntod nina Nanay at Tatay.
Dahil sa boredom ay kinuha ko rin ang phone ko. Kapag ganitong panahon talaga laging delayed ang mga text. Ngayon ko pa lang kasi nare-receive ang mga text nina Tine at Aya.
Si Tine ay umuwi sa Albay. Doon kasi ang mga ninuno niya. Si Aya at Uno naman ay nasa Iriga City. Doon din sila nagbabantay.
Speaking of Uno, hindi ko talaga maintindihan ang ikinikilos niya. Nagte-text naman siya sa akin pero kapag nagre-reply ako hindi na siya nagre-reply ulit.
"Yanni, sama ka sa amin," yaya sa akin ni Anika. Pinsan ko na halos matanda lang sa akin ng isang taon.
"Saan?" tanong ko.
"Bibili ng barbeque. Puro kasi chichirya ang pagkain dito, eh," sabi niya.
"Sige na, Yanni. Kami na lang muna dito ni Eli at Yssa," sabi naman ni Ate.
Kasama ko si Anika at Neigel na naghanap nang nagtitinda ng barbeque.
"Ilan bibilhin niyo?" tanong ko nang makahanap kami ng barbeque stand.
"Kahit ilan. Ay may kwek-kwek din sila. Kuha ka ng benteng piraso, Yanni. Iyong tigpiso lang, ah?" sabi niya at tumango naman ako.
Naalala ko bigla si Uno. Allergy siya sa ganito, eh. Siguro kung ako malulungkot ako na bawal sa akin ang ganitong pagkain. Ang sarap kaya ng kwek-kwek.
"Ate, tatlong C2 nga po iyong malaki," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses sa tabi ko kaya napaangat ako nang tingin.
"Russel!" tawag ko nang makilala ko siya. Nagbaba naman siya nang tingin at nanlaki ang mga mata niya.
"Crush! Nandiyan ka pala! Hindi man lang kita nakita," sabi niya. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang magtago sa likod nina Anika.
Una, kasi tinawag niya akong crush. Napatingin sa akin mga kasama niya pati itong dalawa kong pinsan. Pangalawa, hindi niya ako napansin, ibig sabihin ang liit ko talaga.
"Nakita ko iyong in-upload ni Aya na pictures niyo sa beach. Nag-outing pala kayo," nakangiti niyang sabi.
"Ah, oo. Last week lang," nahihiya kong sabi. Hindi man lang nagsabi si Aya na in-upload na niya ang pictures namin.
BINABASA MO ANG
Crossroads: Loving Torpe
Teen FictionCROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All rights reserved 2016 @Thyriza