Chapter 15 - First Heartbreak

2.3K 88 4
                                    

Chapter 15 – First Heartbreak

Mas madali palang magpanggap na may sakit ka kesa sa magpanggap na masaya ka. Pinahatid ko kay Eli ang excuse letter ko since iisa lang naman ang school namin.

Hindi ako pumasok aksi mugto ang mga mata ko at kulang ako sa tulog. Ang sabi ko kay Mama masama ang pakiramdam ko. Ayaw niya sana akong iwan kaso may klase pa siya at hindi siya nakapag-paalam para magliban. Kasama ko si Papa pero ayaw kong maging pabigat sa kanya.

Kaninang pag-gising ko lang binasa ang mga text sa phone ko at puro ito galing sa mga kaibigan ko. Hinahanap pala talaga nila ako kahapon.

Bago mag tanghalian ay pumunta akong kusina para magluto nang kakainin namin ni Papa pero nadatnan ko siyang nagsasaing.

"Pa, aklo na po," sabi ko. Hirap kasi siyang kumilos dahil sa tungkod niya.

"Pero may sakit ka, 'nak," sabi niya. Ngumiti lang ako.

"Medyo okay na po pakiramdam ko. Ako na lang po sa ulam," sabi ko at binuksan ko ang ref.

"May niluto na diyan ang Mama mo. Initin mo na lang," sabi niya. Binuksan ko ang kaserola at may nakita akong sinaing na bangkulis.

"Prituhin ko 'to, Pa," sabi ko.

"Ikaw bahala. Huwag magpapagod diyan. Pakibantayan na lang itong sinaing ko,"

"Opo."

Lumabas si Papa ng kusina ako naman ay isinalang ang kawali sa stove.

Narinig ko naman na tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko.

From Tine:

Beh, okay ka lang? Bigla ka na lang nawala kahapon tapos ngayon may sakit ka na. Ang boring tuloy na wala ka. Para tuloy walang energy itong sina Harold at Calvin. Hahaha.

To Tine:

Pasensya na kahapon. Bukas papasok na ako.

From Tine:

Mabuti naman ang mainit 'ata ang timplado ng mga tao ngayon. Magkaaway si Aya at Uno. Hindi ko naman matanong kasi baka personal ang away nila. Beh, totoo bang pinuntahan ka sa bahay niyo ni Uno kagabi?

To Tine:

Oo pumunta siya...kasama si Henessy.

Hindi na nag-reply si Tine after nang reply ko. Pasaway kasi iyon, katatapos lang nang breaktime tapos nagtetext na. Baka ma-confiscate pa phone niya.

Sabay kaming kumain ni Papa. Naghugas lang ako nang pinggan at saka bumalik sa kuwarto. Nahiga lang ako magdamag. Gusto ko mang matulog ay hindi ko magawa. Kapag pinipikit ko naman mga mata ko nakikita ko lagi si Uno at Nessy. Mas lalo lang sumasama ang loob ko.

***

Wala na akong dahilan para mag-absent kaya pumasok na ako. Iyon nga lang medyo nagpahuli ako pero umabot pa naman ako sa flag ceremony. Kaya no community work for me.

Paakyat kami sa fourth floor at parehong napapagitnaan ako ni Tine at Aya. Naka-angkla pa ang mga braso nila sa braso ko. Para namang tatakas ako, eh.

"Aya, nag-away daw kayo ni Uno?" tanong ko nang makaupo kami.

"Mmm," simpleng sagot niya.

"Bakit?" curious kong tanong.

"Ang gago kasi, eh!" nakasimangot niyang sagot. Napatango lang ako.

Hindi ako makatingin kay Uno at halatang iniiwasan niya rin ako. Ang layo niya kasi sa akin. Hindi rin siya gaanong nakikisali sa mga kalokohan ng dalawa niyang kaibigan. Pakiramdam ko tuloy may Cold war sa loob ng room.

Crossroads: Loving TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon