Chapter 10 - Semestral Break

2.5K 91 5
                                    

Chapter 10 – Semestral Break

Semestral break. Two weeks vacation. At mas masaya kasi uuwi si Ate Moira. Pinayagan daw siyang magbakasyon ng boss niya.

Text lang ang communication namin nina Aya at Tine. Mabuti si Tine at nasa downtown ang bahay kaya madali lang para sa kanila ni Aya magkita. Nahihiya rin kasi akong humingi ng pera kay Mama.

Tanghali na nang dumating si Ate Moira. Ang dami na niyang dalang pasalubong. Kasama niya raw si Ate Lian kasi umuwi rin sa kanila.

"Kumusta ang study, Yanni?" tanong sa akin ni Ate habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng gamit niya.

"Okay naman po, Ate," nakangiti kong sagot.

"May nanliligaw ba sa'yo?" tanong niya at bigla akong pinamulahan. Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isipan ko si Russel.

"W-wala po!" sagot ko.

"Bakit ka nagba-blush? Kuu! Ang kapatid ko may manliligaw na. Naikuwento kaya sa akin ni Eli na may ipinakilala ka raw na lalaki dito sa bahay," sabi niya.

Ugh! Si Eli talaga! Makikita nang lalaking iyon!

"Classmate ko lang iyon, Ate!" depensa ko at tinawanan lang ako ni Ate.

"Yanni, okay lang na magka-crush ka. Okay lang din na magpaligaw ka basta alam mong study ang priority mo,"

"Eh, bakit ikaw, Ate? May boyfriend ka na ba sa Manila?" tanong ko at bigla siyang napangiti.

"Sasabihin ko sa'yo kapag graduate ka na," sabi niya kaya napanguso ako.

"Bakit naman sa graduation ko pa?"

"Basta! At saka mabait iyon si Wa—"

"Moira... Yanni...kakain na!" sigaw ni Mama galing sa kusina kaya sabay na kaming tumayo ni Ate.

Sino kayang boyfriend ni Ate? Tinitingnan ko naman facebook niya pero wala naman akong makita. Siguro naka-hide sa akin.

***

Sa susunod na araw ay magdamag lang akong nakahiga sa kama habang ka-text ko sina Aya at Tine.

From Aya:

Swimming tayo.

From Tine:

Nag-aaya si Aya mag-swimming.

To Aya; Tine;

Wala akong pera. -_-

From Aya:

Okay lang. Libre ni Uno! Hahaha

From Uno:

Yanni, gusto mo bang sumama sa swimming?

To Uno:

Hindi ko alam. Magpapaalam muna ako kay Mama.

From Uno:

Gusto mo bang ipagpaalam kita?

To Uno:

Wag na. Nakakahiya.

From Calvin:

Bunso, sama ka nang swimming. Hindi raw kami ililibre ni Uno kung hindi ka kasama. Hahaha.

To Calvin:

Bakit hindi si Nessy ang imbitahin niya? Close sila di ba?

From Calvin:

Crossroads: Loving TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon