Kasey's POV
"Kenshin Brent is the name." walang emosyon nyang pakilala. Nakatanggal nadin ang shade nito kaya makikita mo talaga kung gaano sya kagwapo. Kamukha nya talaga si shin. Haaaaay buhay!! Magpapatingin na talaga ako ng mata.
"Okay let's start our class." sabi ni sir at sinimulan nang magturo.
Turo here! Turo there! Turo everywhere! Yan lang ang nangyari sa loob ng tatlong(3) oras.
Kriiiiing!!! Kriiiiing!!! Kriiiing!!!
Kriiiiing!!! Kriiiing!!! Kriiiing!!!(bell rang)Tumunog na ang bell kaya nag silabasan na sila. Bale Kami nalang ng mga mean girls, yung anim, si karyl at nicole nalang ang nasa loob. Haaaays sigurado ako lalandiin na naman nila tong anim. Walang katapusang landi ang alam ng mga to e. Bigla namang bumalik si alex.
"Ahm kasey? Nakalimutan kong magpa alam. Uwi muna ako may emergency sa bahay. Ingat kayo ni nicole okay?"sabi ni alex
"Sige alex. Ibalita mo nalang kung anong nangyari. Mag iingat ka sa pag uwi mo a!?" tumango naman sya.
Tumayo na ko, kaya tumayo narin si nicole at ang pinsan nya. So si karyl at kenshin pala ang pinsan nya. Bakas ang ganda ng lahi nila infairness.
"Hi ate Kasey!" tumabi bigla si karyl sakin habang nag lalakad na kami palabas. Nakangiti ito so nginitian ko din sya.
"Hello" nahihiyang sabi ko dito.
"Wag kanang mahiya ate kasey. Alam mo gusto kita!" sabi nito. Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. Gusto!? Mukhang napansin naman nya.
"Gusto kita para sa kap---hmmmp" bigla namang tinakpan ni nicole yung bibig ni karyl kaya mas lalo akong napakunot.
"Aahh eehh ano kasi kasey ang ibig nyang sabihin e--ano ahm ang ibig nyang sabihin gusto ka nyang maging kaibigan.....oo yun tama! Diba karyl!?" bigla naman nyang tinignan si karyl. Ang weird naman nilang mag pinsan. Tumango tango naman si karyl.
"Aaaah oo ate kasey!! Hehehe"
"Aaaaah ako rin naman gusto din kitang maging kaibigan. Mukha ka kasing mabait e. Tsaka ang ganda ganda mo. Nasa lahi nyo na talaga ang magagandang lahi"sabi ko nalang. Hinayaan kona yung sinasabi nya kanina. Baka nga tama yung sinabi ni nicole.
"So friends na tayo!?" masiglang tanong nya kaya nakangiti akong tumango. Bigla naman nya akong niyakap ng pagka higpit higpit kaya niyakap kodin sya.
*cafeteria*
Kasalukuyan kaming naka pila dito upang bumili ng pagkain.
"Ahm kasey karyl ako ng bahala dito, ililibre kona lang kayo. Kasey punta na kayo sa upuan natin." tukoy ni nicole dun sa upuan na pang animan na tao. Ang totoo nyan takot talaga silang umupo doon. Ewan ko ba kay Nicole at doon naisipan umupo. Sya daw bahala sabi nya nun. Wala namang sumisita samin kaya go lang! *^O^*
Pumunta naman na kami sa pwesto namin, nakasunod lang si karyl sakin. Ang totoo nyan kakaiba itong pwesto na to dahil paikot ang upuan nito at napaka lambot pa (alam nyo yung para syang sofa na paikot ang style? Basta yung ganung upuan).
To think na sa gitna pa yung pwesto nya. Nung tinanong ko si Nicole kung bakit dito kami uupo e kitang walang umuupo dito.(1st year high school palang kami nun) sabi nya wag ko nalang daw pansinin yun.
Hanggang sa nalaman ko na pamangkin pala sya ng may ari. Kaya ang buong alam ko kaya di kami pinapagalitan ay dahil isa rin syang brent.
"O eto na yung food natin! Kasey pakikuha naman yung isang tray nandun yung drinks and other food." sabi ni nicole na may bit bit na pagkain.

YOU ARE READING
My Slave is my Fiancée?!
Teen FictionPaano pag nalaman mong ang slave mo ay iyong fiancée?! At ito pa, nagpanggap kayong mag girlfriend, boyfriend para lang makatakas dyan sa 'kalokohan' (which is sabi ni kenshin) ng mga magulang nyo! Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga magulan...