Nicole's POV
I'm here at the classroom, hinihintay ko si kasey. Ngayon kasi ang first day namin. Ang tagal naman nang babaeng yun. Kanina pakong 7:30 dito at sigurado akong nasa daan na yun. Kilalang kilala ko na yun e. Tuwing 7:30 yun umaalis ng bahay nila.
Then suddenly my phone rang. Kaagad akong lumabas ng room para sagutin yung tumawag. Pagkalabas ko tinignan ko muna kung sinong tumawag at unregistered number ito. Sinagot ko nalang baka kasi importante e.
"hello?"sabi ko.
"Waaaaaaah ate nicole!!!" tumutili pa nitong sagot kaya napa pikit ako at nilayo ko ang aking phone dahil sa tinis ng boses nito. Parang Pamilyar yung boses. Parang si.....
"Karyl!?" sigaw ko pa.
"Waaaaaah ate ako nga!! Namiss kita nang sobra ate. Nasaan kaba?"sabi pa nya. Nagulat pako ng malaman kong si karyl nga. T-teka!? Paano nya nalaman yung number ko!?
"Teka paano mo nalaman yung number ko!?" tanong ko pa.
"Hindi pa ba sinasabi nila tita sayo!?" tanong pa nito.
"Ha!? Ano bang dapat sabihin sakin nila mommy!?" nalilito kong tanong.
"Nandito na kami nila kuya ateeeee!! Kahapon lang kami dumating sila tita pa nga ang sumundo samin e. Sakanya ko din nakuha tong number mo. Dapat tatawagan kita kahapon kaya lang medyo napagod pako sa flight namin, kaya ngayon lang ako nagkaroon ng time para tawagan ka." sagot pa nito na nakapag pangiti sakin. Ang tagal kong hinintay to *smirk* ang tagal kong hinintay na umuwi na sila dito.
"Ahh ganun ba?" sabi ko pa habang nakangiti ng pagkalaki laki.
"Opo ate, by the way dyan narin kami mag aaral ni kuya. Naka enroll na kami dyan matagal na. Matagal narin kasi inaayos yung paper namin dyan e." sabi pa nito.
"Really?! So san na kayo!? San na kuya mo!?" tanong ko pang pasigaw na ewan.
"On the way na po kami actually. Hindi ko po kasabay si kuya meron syang sariling kotse kaya ayun nag sarili, pero magkasunod lang naman itong kotse namin." sagot naman ni karyl.
"teka ate......parang nasesense kong may gagawin ka nanamang kalokohan. Ano ba yan? Share mo naman. The last time kasi na may ginawa tayong kalokohan e 2 years ago payun kaya namiss ko din gumawa ng kalokohan kasama ka." Sabi pa nya. At alam kong nakangiti yan ng pagkalaki laki, dahil ngayon nalang ulit sya makakagawa ng kalokohan, di kasi sya makagawa ng kalokohan kapag sya lang mag isa.
Tsaka pag kaming dalawa ang gumagawa ng kalokohan e pinag tatanggol ko yan. Sya ang pinaka close ko sa kanilang dalawa ng kapatid nya, yung kapatid kasi nya e ang cold cold. Kala mo laging may dalaw. Tapos lagi pang nakapoker face, di manlang ngumiti. Nung bata pa naman kami lagi syang nakangiti e. Kaya lang....hayyss wag na ngalang banggitin yun.
"Alam mo kasi karyl hindi ito kalokohan." sabi ko sakanya.
"Huh!? E ano yan!?" tanong pa nya.
"Mag papaka kupido kasi ako ngayon, gusto mo ba akong tulungan?" tanong ko pa sakanya.
"Sige ba! So sino namang papanain natin?" excited na tanong pa nya. Tsk! Tsk! Tsk! Sabi na e mas excited pa sakin to.
"Ang papanain lang naman natin ay ang kapatid mo at ang bestfriend ko." nakangiti ko pang sabi.
"Talaga!? Paano pag hindi nag work!? Kilala mo naman si kuya napaka sungit nun. Tsaka di ko pa nga nakikita yang kaibigan mo e. Baka naman mas maganda pako dyan." sabi pa nito.
"Akong bahala sa kuya mo. Tsaka anong sabi mo? Karyl kung kagandahan ang pag uusapan sya ang nasa unahan at ikaw ang pangalawa. Tsaka di ko naman ito gagawin kung pangit ang ugali ng bestfriend ko and we're bestfriend since first year high school so alam na alam kona ang ugali nun. At Sigurado akong magkakasundo kayo. Ang gusto ko lang naman ay ma alis na sa isipan nya ang childhood bestfriend nya. Gusto kong sumaya naman sya kahit papano."sabi ko sakanya.

YOU ARE READING
My Slave is my Fiancée?!
Teen FictionPaano pag nalaman mong ang slave mo ay iyong fiancée?! At ito pa, nagpanggap kayong mag girlfriend, boyfriend para lang makatakas dyan sa 'kalokohan' (which is sabi ni kenshin) ng mga magulang nyo! Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga magulan...