MSIMF 1

400 14 2
                                    

Kasey's POV

Kriiiiiiiing!!!! Kriiiiiiiing!!!!(Alarm clock)

Kinapa kapa ko ang alarm clock ko sa may bedside table ko at pinatay iyon. Bumangon na ako pagkatapos ay ginawa ko na ang daily routine ko. Ligo dyan ligo doon, bihis dyan bihis doon. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako.

Nadatnan ko sila mommy and daddy sa hapag. Nagbabasa ng dyaryo si daddy habang nag kakape habang si mommy naman ay tinutulungan mag hain ng breakfast si yaya.

Nang mapansin nila ako.....
" Gising na pala ang maganda kong anak e" masiglang sabi sakin ni daddy kaya nilapitan ko sya at humalik sa kanyang pisngi.

"Good morning dad." nakangiti kong bati dito pagkatapos kong humalik sa kanyang pisngi. Nilapitan ko naman si mommy.

"Good morning mom."bati ko at hinalikan ko din sya sa pisngi.

"Good morning anak!" masigla nitong bati, hay nako si mommy talaga parang ewan. Minsan nga naiisip ko ano kayang ipinakain ni mom kay dad, kasi naman buti napagtya-tyagaan sya ni dad at hindi naiirita si dad sakanya sa tuwing ang kulit kulit nito. Minsan naiirita ako sakanilang dalawa kasi naman maglalambingan lang sa harap kopa. Kala mo naman mga teenager, tapos ang cocorny pa psh! Kaya kapag naglalambingan sila sa harap ko ay magdadabog ako at aakyat tapos sasabihin kong 'get a room!' tapos tatawanan lang nila ako, ang bitter ko daw kasi. Kasalanan ko bang naging bitter ako?! Duh!? Kasalanan nya yun no!

May sinasabi sabi pa syang babalik! Balikan nya mukha nya!! Makita ko lang talaga yun! Bubugbugin ko yun hanggang sa magsawa ako. Galit na galit talaga ako sakanya. Sobra!!! Biruin nyo!!?? 7 years!? 7 years na syang di nagpaparamdam at di bumabalik. Isang beses lang syang bumalik pagkatapos nun dina sya bumalik pang muli. Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni mommy.

"Anak are you okay!? Bakit dika pa umuupo?" nag aalalang sabi ni mommy.

Kung kayat napakunot ako ng noo at napansin ko ngang nakatayo lang ako dito at nakaupo na sila. Tinignan ko si dad na nakakunot nadin ang noo.

"Iha okay lang naman kung umabsent ka, ipapa alam nalang kita sa teacher mo tutal first day nyo palang naman." ani dad. Agad naman akong umiling at umupo narin.

"No dad I'm okay."mabilis kong sagot matapos sabihin iyon ni dad. Napakunot noo naman sya na parang di kumbinsido.

Kaya agad akong ngumiti, baka kasi kung ano na naman ang sabihin nila katulad nun. Sabi ba naman ni mommy e baka daw si shin yung iniisip ko, e totoo naman kaya parang na hot seat ako nung marinig ko yung sinabi ni mom di talaga ako tinantanan hanggang sa napa amin akong si shin nga.

"I'm okay mom dad huwag na kayo mag alala." nakangiti ko pang sambit sakanila at nakita kong unti unting nawawala ang kunot sa kanilang noo kaya nakahinga ako ng maluwag.

Kumain na din kami at pagkatapos ay nagpa alam na ako sa kanila.

"Bye mom, bye dad" paalam ko habang kinikiss ko sila sa pisngi.

"Bye iha, magiingat ka sa pag mamaneho okay?" pag papaalala ni dad sakin.

"Bye anak. Wag kung saan saan nakakarating at wag mag papagabi."sabi naman ni mommy kaya napangiti ako sakanila. Ang swerte ko talaga sakanila. Ang swerte ko kasi sila yung parents ko. Tumango naman ako kay mom bilang sagot.

Pumasok na ako sa kotse kong sports car. Kulay black and red ito. Nang makapasok na ako ay pina andar kona at lumabas na ng gate. 20 minutes drive lang naman ay nandun na ako sa school. Sakto lang kasi 7:30 na so meron pa kong 10 mins. Na natitira.

Oo nga pala di pa ako nag papakilala. Ako nga pala si Kasey Smith, 17 year old at mag e 18 na ako sa September 10 diko nga alam kung mag dedebut pa ako e, di kasi ako sanay na naghahanda pa. Kasi kapag birthday ko nagkukulong lang ako sa aking kwarto, you know why? Kasi magkaparehas lang naman kami ng Birthday ni shin. Noon kasi lagi kaming sabay nag hahanda sobrang saya kopa nga n---, by the way wag na natin pag usapan yan, 3rd year college na ako at ang kinuha kong course ay Bussiness ad, sino ba namang magmamana ng ari-arian namin kundi ako lang since only child ako. Sa BA (Brent Academy) ako nag aaral.

Meron akong Bestfriend actually magkaklase kami dahil parehas kami ng course sya si Nicole Brent, tito nya ang may ari ng school na to. Only child din si Nicole katulad ko. Matalino din sya lagi syang pangalawa sa klase at syempre sino pabang una? Walang iba kundi ang magandang si ako.

First year High school palang magkaibigan na kami kaya sobrang close na kami sa isa't isa. Tapos naalala kopa yung lagi nyang kinekwentong pinsan nya saakin, sabi nya bagay daw kami kesyo ganito ganyan. Hayysss alam nyo bang madaldal tong kaibigan kona ito? Tapos bungangera pa, ang sakit sa tenga.

After 20 minutes of drive ay nakarating narin ako. Papasok na ako ng gate ng BA at dumiretso na sa parking lot. Pagkalabas ko palang sa aking kotse ay pinagtitinginan na agad nila ako.

Hanggang sa makarating ako sa hallway ay di parin naalis ang mga titig nilang nakakatunaw sa akin. Tsk! Ano bang problema nila!? Kung makatitig kala mo hinuhubadan ako psh!!! Ganun naba ako kaganda? Hayy ang hirap talaga maging maganda.

Nakita ko naman agad si Nicole sa labas ng magiging classroom naming mga Bussiness ad na may kausap sa phone, nang tuluyan na akong makalapit sakanya ay kumunot ang noo ko dahil ang laki ng kanyang pagkakangiti. Narinig ko namang nagpa alam na sya kaya ibinaba na nya ang kanyang phone. At bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

"Waaaaaah namiss kita bestfriend!!!"

*gulp* nagulat pako sakanyang pag tili at biglang pagyakap. Binatukan konga!

"Aray naman!" reklamo nya at sinamaan ako ng tingin kaya napa peace sign ako. Iba kasi magalit to e.

"Sorry naman bestfriend nakakagulat ka kasi e. Kung makasigaw at makayakap ka kala mo naman parang isang taon tayong di nagkita, e kakakita lang natin nung isang araw e" pagdadahilan ko. Baka kasi ibalik nya sakin yung pagbatok ko sakanya.

Iba talaga magalit to e. Lalo na nung binully ako ng mga mean girls dito. Yun yung una naming pagkikita at pagiging magkaibigan.

First year high school kami noon at transferee lang ako. Pinagtanggol nya kasi ako sa mean girls dito pinag sasampal at sinabunutan lang naman nya yung mga mean girls.

Kaya simula nun nag paparinig nalang sila di na nila ako binully pa dahil pinagbantaan na sila ni nicole noon na ipapa expelled sila dito dahil nga tito nya yung may ari. Kakausapin daw nya to para maiexpelled sila.

Kaya simula noon ay naging magkaibigan na kami. Naiinsecure lang naman kasi yung mga mean girls sakin dahil first day ko palang noon at kakatransfer sa BA, tapos kinausap ako ng gwapong lalaki noon dahil nga naliligaw ako at di ko alam kung saan yung room ko, sobrang laki kasi e.

Napunta pa nga ako sa room ng mga college e. Yun pala kaya sobrang laki kasi iisa ang school ng HS at College.

Tapos yun sinamahan ako ng gwapong lalaki hanggang sa room ko. Yun pala mag kaklase kami. Nadatnan kasi kami ng mga mean girls na magkasama nagulat pa nga sila e.

Diko naman alam kung bakit kaya hinayaan ko nalang. Tumabi ako dun sa may babaeng magandang naka upo kasi mukhang mabait e.

Pagkaupong pagkaupo ko ay tinignan ko sya bigla naman syang ngumiti kaya nginitian ko sya. Tapos kinaumagahan yun na binully nako.

Nalaman kona yung gwapong lalaki pala nayun ay ang Heart throb dito sa school kaya pala ang sama ng mga tingin nila sakin. Naging close konadin yung HR (heart throb) ang pangalan pala nya ay, Alexander Corpuz.

"A ganun ba? Hehehe sorry naman!"sabay hampas sa balikat ko. Kita mona?

"Sino nga palang kasuap mo?"tanong ko rito, bigla namang lumaki yung ngiti nya, kaya napakunot noo ako.

"Dumating na kasi sila" nakangiti pa nyang sabi. Napakunot noo naman ako. Sinong SILA??

******************
Don't forget to vote guys!

Vote●Comment

My Slave is my Fiancée?!Where stories live. Discover now